"LAVENDER! TARA NA! MAHUHULI PA TAYO SA BUS!!" tch. Tapos nyang sabihin yon tumakbo na sya papunta doon sa bus stop kung saan deretso na yon doon kung saan man kami pupunta.
Masyadong excited, hindi naman kami iiwan ng bus. Parang tanga.
"Ang bagal bagal mong maglakad! Pano kung iwanan tayo ng bus? Edi lagot tayo kay nanay!" Sermon nya sakin. Nakakarindi.
"Tumakbo ka lang kaya ganon." Sagot ko naman sakanya
"Kainis toh! Hmp! Tara na nga doon sa may mga upuan at hintayin yunh bus!" Tumango nalang ako at sumunod sakanya.
"Anong oras na ba?" Tanong nya.
Tungunuh di ba may relo toh? Bat ayaw gamitin?
"7:57 AM" sagot ko nalang sakanya.
"3 minutes nalang nandito na yung bus! Hihi excited na ako!" Sabi nya habang pumapadyak
Tangina talaga. Di ko kilala tong katabi ko.
Pagkaraan ng ilang minuto bigla kaming may narinig na busina ng bus.
"AYAN NA! JUSKO! WIEEE!!!" Masasapak ko tong si Sabrina sa sobrang ingay nya.
Nakarating na yung bus sa harap namin at bumukas ang pinto. Pagkabukas ng pinto mayroong lalaki na nakasuot ng formal attire at nakatayo ng maayos.
"Good morning. I am Butler Han, your guide for today. Please go inside the bus, carefully." He said politely.
Umakyat na kami ng dahan-dahan. Except sa kasama ko na parang kitikiti na bumubulong ng kung ano-ano.
"Shet. Eto na! Makakapasok na ako!" Diba?
Nung nakapasok na ako sa bus, naghanap na ako ng pagpwepwestuhan at nakita ko ang pwesto sa bandang dulo at doon na ako pumunta. Inayos ko yung bag ko at nilagay sa taas para di masikip at umupo na sa may tabi ng bintana.
Pagkaraan ng ilang minuto, may tumabi sakin at naoagtabto ko na si Sabrina lamang iyon.
"Hayop ka! Bakit mo ako iniwan don! Jusko,mukha akong tanga kanina!" She rant.
Hindi ba simula't sapul, tanga ka na?
Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin na lamabg sa labas.
"Okay. The ride will last atleast an hour. So sit back and relax. Enjoy the ride." Bhtler Han said.
"Tangina talaga, Lavender! Eto na! Eto na!" Puta ang ingay!
Kinuha ko nalang yung cellphone ko at eaephones sa bulsa ko at sinuot yon para di ko na marinig yung nakakairita na boses ni Sabrina.
"Tungunuh. Sungit talaga nito!" Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatugtog nalamang.
[BTS - 21st Century Girls]
Naka-maximum volume ako para di ko talaga marinig yung nakakarinding boses ng katabi kong to. Naloloka na ako eh.
Nasa kalagitnaan na ako ng kanta ng may kumalabit sakin. Pinause ko muna yung kanta at tiningnan si Sabrina.
"Iih! Wala akong kausap!" Sabi nito sabay simangot.
Aish!
"Alis dyan. May kukunin ako." Tumayo naman sya bigla at kinuha ko yung bag ko.
Buti nalang prepared ako.
Kinuha ko sa bag yung itouch ko at isa pang earphones at binigay kay Sabrina. Pagkatapos binalik ko yung bag ko at bumalik na ako sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Secret
FantasySecrets. Each and every person in the world has one. A shallow one? or a deeper one? Wanna find out mine? ------------------------------------ Date created: 12/02/17 Date finished: --/--/-- Genre: Fantasy|Action|Mystery Language: Tagalog|English