| Name |

3 0 0
                                    

This chapter is a 'special chapter'. It contains a spoiler about our dearest Lavender.








L A V E N D E R

Naglalakad kami ngayon nina Sab at Sandy papuntang Heirus.

[Heirus — auditorium-like room]

Kung bakit? Aba ewan ko din sa dalawang to. Pagkatapos kasi nung nangyari kanina sa cafeteria lumabas na ako tapos bigla naman akong hinila ng dalawang sa to sa di malaman na dahilan.

"Bakit nga pala tayo pupunta don?" Tanong ko sa dalawa

"Doon tayo kakain. Para tahimik, tsaka maraming upuan don tapos malamig pa!" Sagot sakin ni Sabrina.

Doon talaga? Bawal sa garden ganon?

Nagkibit-balikat nalang ako at nagpahila sa dalawang to.

Nung nakarating na kami sa Heirus ay may nakita kaming iilan na estudyante na tumatambay rin dito katulad namin.

Pumwesto kami sa pinakasulok ng Heirus.

Kung iisipin mo ngayon lang talaga ako nakapasok sa Heirus. Lagi kasi akong nasa kwarto ng royals nakapwesto. Hinanap ko naman kung nasan yung kwarto namin at nakita ko iyon na may bandang taas ng entrance.

Ang hirap mag-explain ha!

May glass window doon at nakita ko naman yung mga upuan namin na nakahelera.

Tiningnan ko yun mabuti ng may naisip ako.

"Gusto nyong pumunta doon?" Tanong ko sa dalawa sabay turo doon sa kwarto namin.

"Ha? Bawal kami dyan,Lav. Gugustuhin man namin kaso di talaga pwede eh." Sagot sakin ni Sandy. Tiningnan ko naman sya at tinaasan ng kilay.

"So? Kasama nyo ako. May upuan ako dyan, tara!" Sabi ko at hinila ko naman silang dalawa.

Dinaan ko sila sa may elevator namin at nakota ko naman na medyo namangha sila.

Well, di ko naman sila masisisi kasi ba naman! Saan ka makakakita ng elevator na kakasya ang mahigit 15 na katao at may chandelier pa!

Pagkadating na namin sa floor ng room namin hinila ko na sila palabas.

Babagal ng mga to. Nagugutom na ako.

Pagkadating namin sa room ng royals bubuksan ko na sana kaso naka-lock.

Luh. Bakit to nakalock?

Tinry ko ulit buksan kaso ayaw talaga. Tinulak-tulak ko na kaso ayaw eh. Sisipain ko na sana ng bigla may nagsalita sa gilid ng pintuan.

"Identification please." Lumingon naman ako sa kanan ko at may nakita akong hologram

Kinginang to! Ngayon lang lumabas ah!

"Shet! Ang cool!" Lumingon naman ako kay Sab at inirapan ko to.

Parang bata amputa

"Lavender Maeve and company." Sagot ko dito with a stern voice.

NAGUGUTOM NA AKO!!!

"Identification verified" sabi nito sabay bukas ng pinto.

Pumasok na ako at naramdaman ko naman na walang nasunod sakin kaya tiningnan ko naman yung dalawa at nakita ko itong nakanga-nga.

"Pumasok na kayo at nagugutom na ako." Sabi ko sakanila. Bigla naman silang napabalik sa masaklap na realidad at pumasok na dito sa kwarto.

Dumeretso ako sa ref upang tingnan kung may pagkain at buti nalang na meron!

Naghanda na ako ng pagkain, kasama na doon yung binili namin sa cafeteria kanina at yung nasa ref ngayon. Nang matapos na tinawag ko yung dalawang tanga na akala mo ngayon palang nakakita ng kwarto.

"Hoy! Kakain na! Para kayong tanga dyan!" Sabi ko sabay upo na.

"Grabe Lav! Di ko na-expexct na ganito kaganda yung Royals' room!" Sabrina.

"Jusko! Alam mo ba na pangarap ko talagang makapasok sa Royals' room! Kahit sa isang kwarto nyo lang tapos eto! Kyaaaah! Grabe!" Sandy.

"Tapos may sari-sarili pa kayong kwarto! Grabe nga ang special treatment oh!" Sabrina.

"Kumain na nga lang kayo dyan. Iingay pa eh." Sabi ko sa dalawa.

Tumango naman sila at kumain ng matiwasay. Nung natapos na kami sa pagkain ay anh pinaghugas ko ay si Sandy.

Nandito kami ngayon ni Sabrina sa living room.

"Namiss kita, Lav. Sayang nga eh kasi hindi tayo magkaklase, kung ginalingan ko pa siguro baka umabot ako sa Rank 10 tapos magkaklase tayo noh?"

"You did well, Sab"

"Pero okay ka lang ba? Kasama ang royalties? You know? Ka-dorm mo sila. Classmates pa. Lagi mo silang kasama, hindi ba nila malalaman yung secret mo?"

"Alin don? Madami akong sikreto, Sab"

"Ay! Oo nga!  Hahahaha. Yung pinakatagong sikreto mo?"

"They'll know."

"Eh? Ako nga ilang taon ko yung pinaghirapan malaman eh. Tapos sila? Agad-agad? Daya ah!"

"You misunderstood me, Sab. They'll know, they need to know. But now is not the time. They'll wait for a bit longer to know that. And I know that, that day is coming near."

"Kung malapit na mangyari yon. E-edi..."

"Yes, Sab. That will happen. And I've accepted it ever since I knew it." Sabi ko dito sabay tayo.






S A B R I N A

Tiningnan ko yung likod ni Lav na papa-alis sakin.

Sobrang dami nyang responsabilidad at hindi lang basta-basta ang mga yon.

Lav, we've known each other for 3 years now. But, it looks like I don't really know you.

You have a beautiful name, unique.

One, falsified name.

And one name that's forgotten by many.

Lavender Titana Maeve. The truth is yet to unfold, be prepared my dear bestfriend.


SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon