| Arena|

8 0 0
                                    

/L A V E N D E R/

Naglalakad na kaming tatlo papunta sa arena. Nasa likod nila ako habang silang dalawa ay nangunguna sa paglalakad.

Habang naglalakad pinagmamasdan ko yung nasa paligid at yung mga estudyante na naglalakad rin papuntang arena. Ang iba sakanila ay pinaglalaruan yung mga magic nila at yung iba naman ay nagkwekwentuhan lang.

Naloloka ako sa layo ng arena dito ha!

Pagkatapos ng mahaba-habang lakaran ay nasa harapan na kami ng arena.

Napakabongga naman ng arena na to! Isang pintuan lang ah!

Yung arena kasi dito ay yung hindi typical na arena. Iisa lang ang pintuan nito at yung pintuan? Ordinary door lang. Yung door lang ng kwarto mo, ganon. Tapos pipila kayo para makapasok kasi may scanner something ata don. Jusko! Malay ko ba don eh baguhan lang ako dito. Yun yung naririnig ko sa tabo-tabi eh.

Medyo malapit na kami sa pintuan, yung tipong limang tao nalang yung nasa harapan namin ng biglang may sumigaw.

"Tabi kayo dyan! Dadaan ang mga prinsipe at prinsesa!" napalingon naman kami sa sumigaw at nakita ang isang butler at tatlong kawal na naglalakad patungo dito.

Syempre, kami si mabait ay tumabi kami. Malamng, kailangang sundin ang mga utos nila kasi sila ang nakakataas. Hmp!

Mga ano tong mga to! Hindi naman marunong maglinis!

Habang nadaan sila, nayuko din yung mga estudyante. Palapit na sila saamin kaya nakita kong yumuko tong dalawa sa tabi ko at ako naman ay nakatingin parin sa kanila at hindi yumuyuko

"Psst. Ano ba Lav! Yuko!" bulong sakin nito ni Sab. Inirapan ko lang sya at tumingin sa mga royals ng walang emosyon at nakita ko naman sila na nakatingin saakin at nginitian ako.

Nung nasa tapat ko na sila bigla silang huminto sa harapan ko at kumaway kaya yung mga estudyante naman ay pasulyap-sulyap kasi nga nakayuko sila at may naririnig pa akong nagbubulungan na ang bastos ko daw kasi di ako yumuko at nagbigay galang sa mga nakakataas.

Kaloka. Bumulong pa kayo.

"Sabay ka na samin. Tutal ka-dorm ka naman namin diba?" tanong ni ateng cute. Umiling ako sakanyang sinabi kasi ayokong sumabay sakanila at ayokong mapalapit sakanila

"Bakit naman?" tanong nung isang lalaki. Tumingin ako sakanya at yinuko ang ulo ko ng saglit at tumingin ulit sa mga mata na parang nagsasabi na ayokong sagutin yung tanong nila

"Mga prinsesa at prinsipe, kailangan na po nating makapasok ng arena kaya kung maari ay bilisan na natin. Pasensya na po. sabi nung butler na kasama nila kaya tumango na lamang ang royals.

Nung nakapasok na sila at pumila na ulit kami. Pagkatapos ng ilang minuto ay kami na din. Nauna si Sandy at tumayo ito sa harapan ng pinto at para syang iniscan nito. Iniiscan ka ng pinto para malaman kung saan ka uupo sa loob ng arena. Para daw organized ganon.

daming arte ng school na to eh.

Pagkatapos ni Sandy ay ako na kaya tumapat ako sa pinto at hinintay na matapos ang pagscan nya sakin.

"Seat number 8. Royals row." napairap nalang ako sa sinabi ng pintuan at binigyan ito ng masamang tingin kais ba naman kasasabi ko nga lang na ayaw kong makaibigan ang royals tapos eto ako at katabi pa sila!

Nakakainis! Nakakainis kang pinto ka! Pag ako talaga napuno sayong pintuan ka, sisirain talaga kita!

Naglakad na ako paloob at may nakita akong isang babae na parang may naghihintay kaya di ko nalang pinansin. Lalagpasan ko sana sya ng bigla nya ako tinawag.

SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon