-Chapter 1-

36 6 4
                                    

A/N: Haloueeeee readers! I'm back! Nyahaha sinipag ako ngayon dahil inspired ako kay crush. OMO! Sige na! Magbasa na kayo and I hope you will enjoy this chapter. Love lots!

Childhood Friend

"Alam ko na! Gusto mong magkaroon ng boyfriend right?"

She said and that made me shocked. OMO! How did she know???

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Masyado bang obvious na gusto kong magkaroon ng boyfriend?

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango ako.

Nagulat na lang ako ng may 5 cards ang nag-appear sa counter. Nakalapag siya pero nakabaliktad ito. My god! What's happening to me? Or baka naman isa siyang magician? Well if she's a magician, she never fails to amaze me.

Ngumiti ulit siya sakin. Tumingin naman ako sa kabilang side ko at nakita ko si Kith at Kristine na nagchi-chismisan. Binaling ko ang tingin ko sa dyosang babae na nasa harapan ko.

"As you can see, there are 5 cards at the top of the counter right?" Tumango ako, "Each card has a picture of a man. Now you should pick 1 card." Medyo naghesitate pa ako kasi di ko alam kung seryoso ba talaga siya o pinagloloko niya lang ako.

"I'm not kidding around." She said at nagulat na naman ako. Ilang beses na ba akong nagulat ngayon? Ah, maraming beses na ata. Ewan ko.

I should trust her, right? Okay, I picked 1 card na nasa ikatlong pwesto at pinakita ko sa kanya. Titignan ko sana kaso nagsalita siya, "Don't." Edi hindi ko na tinignan, "Nice choice. Just keep those cards with you but don't ever lose them. Now dear, you will meet the man that you picked in just 30 seconds." 

30 seconds?

29, 28, 27...

Tinignan ko ulit ang card. Sabi nung dyosa wag kong tignan kung ano yung nandito kaya susunod na lang ako, "Pero-" pagtingin ko ay wala na siya sa harapan ko. Huh? San siya napunta? Inikot ko ang paningin ko sa buong shop pero wala talaga eh.

15, 14, 13...

I glared at Kith and Kristine who's talking with each other like there's no tomorrow. Ano naman ang gagawin ko ngayon? Hihintayin na matapos ang 30 seconds?

5, 4, 3, 2...

Baka nagsisinungaling yung dyosa na yun. Hey! Di imbis na maganda siya ay maloloko na niya ako! Hmp!

Napatingin naman ako bigla sa entrance ng shop. There is a handsome, tall man walking towards my direction. 

OMO!!!

He's so hot! And not to mention that he's smiling! Aaaaahhhhhh!!! 

Wait... sure ka ba na ikaw pupuntahan niya? Baka naman si Kith at Kristine talaga ang pakay niya. Napatingin ulit ako sa card. Pinasok ko siya sa drawer at nilock ko ito. Napatingin ulit ako sa lalaki.

Oh my God! Nandito siya sa harapan ko!!! Phoebe! Kalma, kalma, kalma. Don't panic.

"Hi! Ikaw si Phoebe Kate Lustre right?" He said and nagulat na naman ako. How did he know my full name? Eh ang nakalagay lang naman sa name tag ko ay 'Phoebe'. 

Tumango na lang ako kasi I really don't know what to say!

"Get dressed up cause we have a date today. I'll be waiting at the parking lot." He said while smiling. Bes ang gwapo niya!!!

My First KissWhere stories live. Discover now