A/N: Klik klak barabing bara boom! Bultoune payr tugsh tugsh tugsh payr te tenen te tenen ne ne! Nababaliw na namern si Miss Chubby! Sige na! Magbasa na kayo :D
Amethyst
Matamlay akong umuwi sa bahay namin at sinalubong naman ako ng aso kong si Tootsie.
Tumahol siya at dinilaan ako sa mukha. Napangiti naman ako sa inasta niya. Mahal na mahal ko talaga ang asong ito.
Lumuhod ako tapos bigla akong natumba dahil tumalon siya sakin.
"I miss you too Tootsie." Sabi ko at hinalikan ko siya sa cheeks niya.
"Arf! Arf!" Dinilaan niya ulit ako. Kanina lang ang tamlay ko tapos ngayon makangiti na wagas eh.
Kinarga ko siya at sinabing, "I love you too." Tumahol ulit siya. I love my pet very much!
"Ate?" Napatingin naman ako sa kapatid kong kagigising lang. Her name is Penelope Kath Lustre. She's 10 years old and she is my one and only sister. But...
"Yo my older sister!" Sabi naman ng kapatid ko din na kakagising lang din. Aba't nagsipagtulog pala ang mga chikiting.
His name is Pax Kevin Lustre. Oh diba ganda ng name niya? Nyahaha XD
Kung tatanungin nyo kung nasan na ang parents namin well nasa heaven na sila. Kaya ako ang nagsilbing ama't ina ng aking mga kapatid.
Actually sina Penelope at Pax ay twins sila. And they are studying at the same public school and they're classmates too.
Tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko. Tumahol ulit si Tootsie kaya ginulat ko siya.
Napaatras naman sya. Haha! Magugulatin talaga itong pet ko!
Pumasok na ako at sinarado ang gate. Lumapit naman sakin ang twins at hinalikan nila ako sa pisngi.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila at sabay kaming umakyat sa hagdan papasok ng bahay.
Medyo may kaliitan ang tahanan namin ngunit ito'y payapa at malinis tignan. Nirerentahan lang kasi namin ito at ang bayad dito every month ay P3,000 kaya ito na yung pinili ko. Tsaka ang importante naman ay may nakakain ang mga kapatid ko at ang alaga naming aso.
"Yes Ate! Kaya lang Ate kanina pa yun eh." Sabi ni Lope at hinahawakan pa ang tyan niya. Nagpout pa ang loko!
"Ang sabihin mo matakaw ka lang! Ang dami dami mo kayang kinain na biscuits." Sabi ni Kev at dumila pa kay Lope.
"Excuse me! Di kaya ako matakaw! Ikaw yun!"
"Ikaw!"
"Ikaw nga sabe eh!"
YOU ARE READING
My First Kiss
FantasyNo Boyfriend Since Birth. That's me! My name is Phoebe Kate Lustre, 22 years old and I'm working as a cashier in the Oh Candies Store. Hard to get din ba kayo like me? Well kung parehas tayo diba yung unang-una na priority natin ay ang family. Pero...