"SAAAAAAM!!!!!"
"SAMMMMMY!!!"
"SAMANTHA SANDOVAL!! PUNYEMAS!!! KANINA PA AKO SIGAW NG SIGAW !! PUMUNTA KA DITO AT MAY TAO SA LABAS!!" Fuck!! Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Tsk napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Tao? Sino naman kaya yun? wala akong inaasahang bisita. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko ang mga kalalakihan na hawak-hawak ang maraming paper bag.
"Goodmorning Miss Sandoval, kami ang mga pinadala ni Mr. Andrada" ani ng lalaking nakapang Formal Attire.
Salubong ang kilay ni Charlene habang nakatingin sa akin "A-ah? G-ganun po ba? Maupo muna kayo." anyaya ko.
"Maraming salamat pero hindi na. Pinabibigay lang talaga ito ni Mr. Andrada at pinapasabi niya rin na maghanda ka na para sa pasukan."
Pasukan? Ang bilis naman yata? Ilang araw palang matapos ang pag-uusap namin ay nakahanap na siya ng papasukan ko?
"S-sige po. Maraming Salamat." Yumuko muna sila bago umalis. Naiwan kami ni Charlene.
Katahimikan. Ito ang bumabalot sa amin. Di ko siya matingnan ng diretcho. Kinuha niya yung mga Paper Bag sa harap ko at isa-isang tiningnan ang laman. She raised her brows which made me shivers. What the fuck Charlene!
"What's this, Samantha? Ano to?" tinagalog lang e. "at sino si Mr. Andrada?" dagdag niya pa.
"Charle--"
"Paano mo nagawa saken to? Bat ka nagsinungaling? akala ko ba magkaibigan tayo? Ganito nalang ba? Magtatago ka ng sikreto? Di mo ba ako pinagkakatiwalaan?" puno ng hinanakit ang boses niya. Tangnang batman, Paano ako makakapag explain kung hindi ako pinagsasalita nito. I was about to touch her pero tinapik niya yung kamay ko.
"Dont. Touch. My. Shalala" hah? anong pinagsasabi nito.
"Charlene, Let me ex--"
"Yes! I deserve an explanation! I need an acceptable reason!" teka? ako ba pinagloloko nito?
"Charlene? pwedi b---" di pa ako tapos sa pagsasalita e.
"anong pwedi ba--"
"Pagsalitain mo naman ako?"
"Para ano? Para pagtakpan ang kasinungalingan ng isa pang kasinungalingan? Hindi!" tinalikuran niya ako.
"Punyemas Charlene! Yan ba nakukuha mo sa kakanuod ng pelikula? Letche!!! Umalis ka n--!" agad siyang humarap sa akin ngumiti at umakbay.
"So, ayun nga Bessy! Nahuli na si Shim Cheong buti nalang.. halika na, ipinaghanda kita ng kape na walang asukal HA HA HA" pekeng tawa niya.
YOU ARE READING
Chasing Samantha
General Fiction"Someone told me, not to forced someone to love you back. I was about to give up, but the more I see you, the more I want you. I won't give up. I'll chase you until there's nothing left on me. I'll chase you until you love me back. I'll wait."