Chapter 7

23 7 0
                                    

Wow! Yun lang ang nasabi ko. Di ko alam kung ano ang ire-react. Sobrang laki ng campus. In fact, nasa labas palang kami kung saan ay nakatayo sa harap ng malaking gate. Naka ukit sa metal ang pangalan ng Academy. Sa loob nito ay kailangan mong lakarin ang mahabang pathway bago mo marating ang main building, pero bago mo marating yun ay sasalubong sayo ang higanteng fountain.



Bumalik ako sa aking ulirat ng may bumusina sa likuran namin. Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Bago ko pa makita ang bumaba sa mamahaling kotse ay may bag na lumilipad papunta sa akin. Konti nalang ay tatamaan ako sa mukha, pero dahil magaling ako ay nasalo ko ito. Ngumiti naman ang may-ari ng bag.



"Good thing you were able to catch that, mas mahal pa yan sa buhay mo" bigla niya akong binangga. Takteng Superman na walang brief, ang kapal ng mukha!!! Ako Pa talaga pinagdala ng bag niya?

"Good morning, Matt" bati ni Charlene. Tinanguhan lang siya nito. Kapal talaga!!! Dala-dala ko yung bag niya habang sinusundan namin siya. Sa bawat hakbang namin ay parami ng parami naman ang tili ng mga babae.

"MATTTT!!! AAAAAAHHHHH" tili ng isang babae.

"MATTTT!! BABY, WELCOME BACK!!!" Tili naman ng isa.



"MATTT!! YUNG PANTY KO NALAGLAG, PAKIPULOT PLEASSSSE?" Tili ng isang Lal-? Binabae. Grabe? Famous pala to? Ma add nga sa Facebook.

Nangangalahati na kami sa hallway ng tumigil si Matt. Nagsitahimikan naman yung mga babae. Dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa akin at tiningnan ako sa mata. Tiningnan ko din siya, the color of his eyes is like an ocean, it's hypnotizing. His brows is thick which made him more sexier. His jawline is perfect, like Jc de Vera? Ngumiti siya at umiwas ng tingin tsaka kinuha yung bag. Nang nakuha na niya yung kailangan niya ay binigay niya ulit yung bag sa akin tsaka lumapit...Sobrang lapit sabay bulong sa tenga ko.

"Ingat ka. Baka malunod ka, pero wag kang mag-alala, sasagipin naman kita" ngumiti siya ng pagkalaki-laki. 

Isinalampak niya sa tenga yung earphone tsaka nag lakad ulit na parang walang nangyari, yung maingay na senaryo kanina ay naging tahimik. What the? What was that? Nabato ako sa kinatatayuan ko. 

"That was fast!! Matt!!! Hintaaaaay! Uy! Ano sinabi mo Kay Sammy?" Lakad-takbo ang ginawa ni Charlene mahabol lang si Matt. Tss, Kahanginan lang naman, Charlene. Kahanginan lang.

Narating namin ang malaking fountain kung saan maraming estudyante ang nandun. Mas maganda ito sa malapitan. Yung iba kinukuhanan ito ng litrato, yung iba naman parang walang pakialam. Pero, kakaiba ang ganda nito. 


"Welcome Centrios! I am Endymion Kyle  Benavides your SSG President. " Nagsitilian yung mga babae, pati si Charlene. Basi sa hitsura nito ay mas matanda pa siya ng isa o dalawang taon sa akin.  He's got that brown skin adonis look, dark eyes which make your knees weak, and he's slim, muscular, with an almost perfectly symmetrical face.   He's a God-like. Bagay na Bagay yung pangalan nya sa kanya, so Masculine. 

"Silent" he said in a very serious tone. "The Director is about to announce something. Please proceed to the Central Hall of Freedom by 7:30 or else.."  Napako yung tingin niya sa akin. Yung tingin na kinikilala? ako na mismo ang umiwas dahil sa mapamatay na titig ng mga nakapaligid. "You'll dead" dagdag niya habang nakatingin pa din sa akin.

 Umalis siya kasama yung kasamahan sa SSG. Nagkalat naman yung ibang estudyante kung saan pupunta, yung iba naman nagtatanong kung saan yung Central Hall of Freedom. Pero, tinulungan naman sila ng higher year at ng SSG officers. 

"Charlene?" tawag ko sa kanya? pero tila wala ito sa sarili. 

"Charlene?"tawag ko ulit habang winawagayway yung kamay sa harap ng mukha niya.

"Let me" bahagya niya akong tinulak. Sarap itapon ng bag niya, ni hindi man lang sinabing excuse me. tss Walang modo.

He fold his blazer at umaaksyon ng paulit-ulit na sampal sa mukha ni Charlene. Dadampi na sana yung kamay niya ng umiwas si Charlene.

"Tara na?" ani Charlene

Tumango ako at tinungo namin ang CHF. Ginabayan naman kami ng ilang SSG officer. Bumungad sa amin ang isang sliding glass door. Binuksan ito ng isa pang officer at sinalubong kami ng engrandeng Vintage Lobby. May nakasabit na mga picture sa bawat dingding, at may sculpture din. Sa gitna nito ay may maliit na fountain at napapaligiran ng couch. This is amazing! Akala ko ito na ang CHF ng nagbukas ulit ang isang wooden door.

"Wow" ito lang ang nasabi namin. 

"Welcome to Central Hall of Freedom" di namin pinansin ang nagsalita dahil ang atensyon namin ay mismong nasa kisame. Isang malaking Chandelier ang nasa kisame, sobrang ganda nito na parang isang brilyante na kumikislap. 

"Thank you, A-tells band for the wonderful performance." late na yata kami, Tapos na kasing mag perform ang nasabing banda. Puno ng sigawan at tilian ang hall.  Gosh! Sana di kami makita ng SSG President! nakakatakot pa naman yun pero harmless naman...sa palagay ko. 

"And before we end this short program, Mr. del Vega, the director of Central Academy is here to bid you a Goodluck. Mr. del Vega?!" tawag ng Emcee.

Tumayo ang isang mid-40's na lalake at ngumiti, sinalubong naman siya ng SSG President at Vice-President. Nakipag shakehands ito at humarap nsa crowd.

"Central Academy 2 years ago is not in a good condition. We experienced crisis because of the incident happened, which  force us to close the Central Academy. I would like to sincerely apoligize to those students whom I failed, whom I disappoint." Bakas sa boses nito ang lungkot.

Ilang minuto ang nakakabinging katahimikan ang lumipas, ay tsaka nagsalita ulit ang Director, pero sa pagkakataong ito, ay may pananabik at kasiguraduhan.

"But for now, well make sure na hindi na ito mangyayari! For now, i'll assure all of you that you'll in peace here. I promise" Pagkatapos nitong magsalita ay sinalubong siya ng palakpakan. I wonder what happened 2 years ago? hmm. 

Napunta yung mga mata ko ng magsalita si Matt. "Liar."  he looked at me with anger and sadness, kinuyom nya yung mga kamay niya.  "Wag kang maniwala sa kanya, kung ayaw mong magaya sa kanila" then he left.

May alam ba siya? Bat ang laki nalang ng galit niya sa Director. Ang hirap mong basahin Matt!!

"Bessss, bilis dumating yung vocalist ng A-Tells Band. Bilis ang gwapoooooo" tili ni Charlene, agad siyang nakipagsiksikan sa mga tao habang hila-hila niya ako.

"Sorry po" naapakan ko yung paa ng babae, tinaasan lang ako ng kilay.

"Sorry" sabi ko ulit.


Di ko namalayan na nasa harap na kami ng Vocalist. Tumahimik yung paligid. Nanlambot yung tuhod ko at nagsimula ng magsituluan yung mga luha ko.


It's him.


"Ezra"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing SamanthaWhere stories live. Discover now