Chapter 2: Know More

91 6 0
                                    

(A/N: Sorry po talaga. Sana po basahin nyo pa rin po itong story. Di ko po mapopromise na agad-agad yung update. Basta mag-comment or message na lang po kayo if you like me to continue ;))

Kung makatingin yung dalawa. Pssh. Umagang-umaga parang nakakakita ng sila ng isang napakarumi at nakakadiring bagay.  Hayy nako. Yaan sila. Sila papanget. Mwahahahaha!!!

Ansama ko rin minsan. Sorreh. :P

"Babaita, ikaw, Rian, lika na. May klase pa tayo. Mamaya ka na mag-isip ng kung ano-ano. ;D"

"Kahit kelan talaga Mitch. Alam mo, PANIRA KA NG MOMENT! >:( Haist!!!"

"Ayy, nagtampochuchut agad siya?! Ayieeeee!!! Tatawa na yan! >:)"

"SHE'S GONNA SMILE!!! :D"

At ako'y............. ngumiti na para manahimik ang bruha.

*Klase ni Ms. Dissi Plinarian*

Pssh. Etong klase na ito ang ayaw ko ehh. Si Ms. Dissi kasi, napakaSUNGIT! Talo pa si King Kong kung magalit. Hayy sha. Explain-explain ko muna buhay ko. Ang nanay ko, Amerikana, napakaganda daw sabi ni Tatay. Halos malaglag daw panga niya nung nakita niya si Nanay. Paano nga pala sila nagkakilala? Ang tatay ko kasi, isa lang simpleng police officer. Napakabait ngunit strikto siya. Isang beses daw, may na-report na party. Eh meron daw may dalang baril. Si Tatay ay naka-duty noong gabing yun. Eh di dali-dali siyang pumunta kasama yung dalawa pang officers na naka-duty noon. Si Nanay daw takot na takot. In state of shock nga daw. So, dinala nila sa hospital si Nanay. After nun, di na daw nakalimutan ni Tatay si Nanay. Palagi niya daw napapanaginipan. Na-love at first sight daw siya. :) Humingi siya ng sign kay God. Any sign daw.

After 1 week, tumawag ang parents ni Nanay. Tuwang-tuwa daw sila at naligtas ang anak nila. Si Nanay, tinanong si Tatay kung pwede makipag-usap in private. Eh di lumabas daw si Lolo at Lola dun sa library nila. Oo, mayaman sina Nanay. Di sinabi ni Tatay kung anong pinag-usapan nila. After nun, lagi na lang silang magkasama. Natuto lalo si Nanay mag-Tagalog. After 1 year, naging sila na. Nagalit noon si Lolo at Lola. Against their will....After 2 years, nagpakasal sila. Itinakwil ni Lolo at Lola si Nanay. Kaya nga lang nagmamahalan talaga sila. Nabuhay ng mapayapa sina Nanay at Tatay. Kahit maliit ang sweldo ni Tatay, napapagkasya naman. Ilang years old pa lang ako, ng isang gabi, nakita ko na nag-aaway si Nanay at Tatay. Sawang-sawa na daw si Nanay. Nag-impake siya nun. Bago siya umalis, sabi niya sakin...

"Rian, dear, babalikan kita. That's a promise."

Napaiyak si Mommy nun. Nung lumabas siya ng pinto, umiyak ako. Niyakap ko si Tatay. Nakatulog na ako sa kakaiyak. Sabi ni Tatay, "Anak. Ssh, wag ka na umiyak. Kaya natin ito. Tiwala lang. Di kita iiwanan."

Ang sakit pa rin maalala. Hindi ko nga lang alam kung anong ibig sabihin ni Nanay tungkol sa babalik siya. Nagugluhan pa rin ako ehh. Pssh. Naiiyak nanaman tuloy ako. Rian, kontrolin mo yan. Whew. So, simula noon hanggang ngayon, kaming dalawa lang ni Tatay ang magkasama at magkatuwang sa buhay. Kahit mahirap lang kami, kinakaya naman namin. Nagsipag talaga akong mag-aral. Eto na lang kasi ang puhunan ko ehh. Di man ako maganda, sexy, flawless, mayaman or almost perfect kagaya ng iba dito sa Montenegro High, at least, masasabi ko naman na matalino ako. Kasi, simula 1st year high school, tatlo kami palagi na Dean's Lister. Ako, si Mitch at si Daniel. Hay o sige, tama na sa life ko.

Si Mitch naman. Si Mitch, well, parang ang bilis namin naging close. Siya kasi yung una kong kaibigan dito ehh. Yung iba, di ko naman close. Si Mitch, ang pinaka, well, let's just say na...

PAG NAKITA YAN NG LALAKI, PSSH. MAIINLOVE AGAD. Ilan na ba ang binusted ni Mitch??? 100+50+2-1+65-9+3=210. 210 guys na ang binasted ni Mitch-Mitch. 100 sa France noong elementary days niya daw. Pssh. Kebabata pa ehh. 110 dito. High schol kasi 60 guys. Pssh. 50 guys naman ngayong college na kami. Yang babaeng yan, bilang na bilang. NBSB kasi yan ehh. Ang immune lang dyan, ang two of the hottest guys in school.

Si Daniel, na crush ko.

At si Patrick Winston Florido na bestfriend ni Mitch.

Dito sa school kasi, I try na wag masyadong makilala. Well, oo, Dean's Lister ako at friend ko pa ang isa sa most popular girls in school. Pero si Mitch, kami lang talaga laging magkasama. Never ko pang narinig na may crush yang si Mitch. Andaming nagsasabi na choosy siya pero, wala lang siyang pake. Hinahanap niya daw ang tama para sa kanya.

Nuxx. Bestfriend ko talaga. :)

Si Daniel naman. Pano ko naging crush yang poging yan? Kasi, uhmm, nung first day ko dito, nagkabangaan kami. Tinulungan niya naman ako pulutin yung mga books ko na nahulog na dapat ilalagay ko sa locker ko. Antagal din namin di nag-kita. Oo, batchmates kami pero, di kami magka-section. Kinilig ako nung day na yun kasi, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. How? Kasi kung siya ba naman ang pinakakilala na lalaki sa buong MH, eh di syempre, madaming fans. Narinig ko lang ang chismisan. :D Hahaha. Ang yaman-yaman daw niyan. Commercial model pa ng maraming businesses etc.

Hayy. Sino ba naman di magkakacrush? *-* Pero, langit naman siya. Ako, lupa lang. Hindi ko naman siya maabot. Lagi pa nga nilalandi ng kambal eh. Grr! Bwiset talaga sila. Kalma lang Rian. Pssh.

Dun naman tayo sa kambal. Si Anika at si Anneklein. Walang ibang ginawa ang dalawang yan kundi gawing miserable ang buhay ng bawat estudyante dito. Eh sa wala kaming angal. Sila anak ng may-ari. Ang magulang kasi nila, parehong nasa ibang bansa. Kaya gawang-gawa ang asal nung dalawa. Naghihirap sa pagtratrabaho ang magulang nila tapos sila, walang bang inintindi kundi party, paglalandi at pagpapahirap ng buhay. Nakakairita much. Ang target ni Anika, si Daniel. Ang target naman ni Anneklein, si Patrick. Nakakabwiset lang. Yang kambal, never nalagay sa top. Oo, popular sila. Pero kaya lang sila nilalapitan, dahil sa mga parties nila tsaka sa takot na mapatalsik sa school. Kakaiba lang. Bawal nga ang ginagawa nila ehh. Eh wala kaming magawa. Pssh. Para nga sakin, mas maganda pa si Mitch sa dalawang bruhang yun ehh. Pssh. Yung dalawang bruha kasi, grabe naman sa makeup. Pssh. Parang MAS MAKAPAL PA YUNG MAKEUP NILA KESA SA CALLO KO EHH. Hay sha. Oo na, sila na ang may blonde hair (Pssh. Pinakulay lang daw.), blue eyes (purple kay Anika. Hay nako. Halatang contact lens.), sexy figure (diet + gym ba naman?), flawless skin (ikaw kaya magpa-derma every week?) at almost perfect physical attributes. Compared to me?

Nasa 4 lang ako sa scale ng 1 to 10. Tss. Si Mitch, palagi akong kinukulit na maganda daw ako. Nasa akin na daw ang lahat. Pssh. Sapakin ko kaya siya? Siya ang dream girl ng bawat lalaki dito ehh. Except dun sa dalawa.

"Hello, Miss. Nakopya mo ba yung assignment natin?"

"Ay anak ni Petrang kabayo!"

"Miss, kalma lang."

"Anong assignment?!!!"

"Duh. Yung sinabi ni Sir???"

"Hindi ehh. Ikaw??"

"Ohh. Eto. Mukha kasing busy ka kanina sa kakaisip ehh. Hahaha. By the way, I'm Patrick Florido. Your name is???"

"Marian. Marian Fajardo."

"Oh, Marian, balik mo na lang sakin mamaya. Same lunch break naman tayo ehh."

"Pano mo nalaman?!"

"Ayan schedule mo ohh."

At tinuro pa ni Patrick yung schedule ko na nakapatong sa desk. Nice.

"Ahh, oh sige. Thanks pala. ^_^"

"Naku. Wala yun, Marian. Hahaha. Oh sige. Chemistry next ko ehh. Bye muna."

"Sandali. Chem din sunod ko ehh."

"Ahh ganun. Sabay na tayo. ^_^"

100 Days of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon