"Ano iyan?" Mataray na tanong ni Akiko habang nakahalukipkip na nakaharap kay Ivo na may dalang box ng ferrero at pilit na iniaabot sakanya.
"Peace offering? Sorry na, Akiko."
Muling nanumbalik ang alaala noong nakaraang linggo kung paano nito nakawin ang first kiss niya. Muling umusbong ang galit na nararamdaman dito ngunit nang magtama ang mga mata nila ay parang bula iyong biglang naglaho.
"Sorry na, Aki." Anito pa at tipid na ngumiti.
Lihim na nagtatalon ang puso ni Akiko dahil sa sinseridad na nakita niya sa mga mata nito. Maybe Ivo is really nice at all, mukha lang masungit sa hindi niya malaman na kadahilanan.
"Bati na tayo pero hindi ko matatanggap yan." Nakakataba ang chocolate kahit na gaano pa yan masarap. She added in her mind. Ayaw na niyang bumalik sa dating shape ang katawan niya ngayon pang dalaga na siya. Gusto niyang manatiling maganda, at sexy para hindi siya mahirapan in the near future.
Magsasalita pa sana si Ivo nang sabay-sabay na dumating ang mga kaibigan nila. Mabilis lumingkis si Heaven sa braso ni Aki at hinila ito.
"Later nalang ulit, may meeting kami sa club." Wika ni Heaven na ikinatango nina Hunter at Homer.
Tahimik na naglalakad sina Aki at Heaven patungo sa club room. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi parin mawala sa isipan niya ang itsura ni Ivo lalo na ng sabihin niyang hindi niya matatanggap ang tsokolate na binibigay nito as his peace offering. And, she felt guilty.
"Why Aki?" Biglang dinig miyang tanong ni Heaven kaya nilingon niya ito.
"Anong bakit?" Ganting tanong niya.
"You always let a loud sighed. Ano ba ang iniisip mo?"
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din si Heaven. Hinila niya ito sa bench na nakita niya at naupo sila nang magkaharap.
"Heaven, kanina kasi bago kayo dumating ay hinarang ako ni Ivo.."
"Then?"
"May inaabot siyang box of chocolate na peace offering daw, sinabi kong bati na kami pero hindi ko matatanggap yung chocolate. At alam mo ang dahilan, Heaven!"
"Yeah. Takot kang tumaba o masira ang ipin mo." Patango-tangong wika nito.
"Pero Aki, you might hurt Ivo's feeling."
"Nakita ko ngang nalungkot siya." She sighed.
"Hayaan mo na. Para malaman din niya na sa susunod ay hindi na chocolates ang ibigay niya saiyo." Ngingiti-ngiti si Heaven na tumayo at hinila siya. Nagpatuloy sila sa paglalakad na medyo naguguluhan ngunit mas piniling huwag na lamang iyon isipin.
Matapos sa club nila ay nagtungo sila sa cafeteria to buy a tuna sandwich for their lunch. Wala ang limang lalaki na kaibigan nila na usually ay kasama nilang mag-lunch.
"Saan pala sila Hunter?" Tanong ni Aki nang mapansin na sila lamang na dalawa sa table na lagi nilang inuupuan.
"Practice. Next week na ang prom, diba?" Wika ni Heaven na bahagyang ikinagulat ni Aki.
"Seryoso bes? Bakit ngayon ko lang nalaman?!" Hindi niya mapigilang sumigaw. Prom was one of the occassion in middle school na pinaka-aabangan ni Akiko.
"Dahil hindi ka nagbabasa sa bulletin, Akiko. Matagal ng pinost yun doon."
The prom occupied her mind hanggang sa matapos ang klase nila. She let a sighed at naupo sa bus stop na mag-isa. She doesn't have a car at wala ang mga magulang niya ngayon sa bahay nila dahil sa relative nila na namatay sa probinsya kaya wala silang driver ni Heaven which is ang Tatay niya. Solo nila ni Heaven ang bahay at solo din siyang uuwi dahil hihintayin daw nito ang boyfriend na si Hunter na nagpapractice parin.
BINABASA MO ANG
The Necklace (H2B Series #3)
Romance(H2B Series #3) Ivo has a thing towards Akiko eversince they were young, but the problem is wala sa bokabularyo ng dalaga ang ma-inlove dahil abala ito sa pag-abot ng mga pangarap nito. But Ivo is willing to wait until Akiko is ready to accept him...