In sixteen years of Akiko living in this world ay masasabi niyang naive siya sa mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig o kung anuman.She just wanted to be pretty and sexy sa paningin ng mga tao. Gusto niyang magustuhan siya ng mga tao sa paligid niya . Gusto niyang laging mag-pa-impressed sa mga kaklase niya. Gusto niyang nililingon siya dahil para sakanya na lumaking walang pagmamay-ari at nakikihati lamang kay Heaven ay dapat na lagi siyang maganda para kaiingitan siya kahit yun lamang ang mayroon siya.
Hindi nalang pinansin ni Akiko ang pagtawa at pang-aasar ng mga kaibigan kay Ivo. Kinuha na lamang niya ang phone niya at nag-browse sa social sites niya.
Naramdaman niya ang mga tingin ng kaibigan kaya nag-angat siya ng tingin at saka napansin na tumahimik na pala ang mga ito.
"Bakit?" Takhang tanong niya.
Hindi siya sinagot ng mga ito kaya napailing na lamang siya. Muling tumugtog sina RJ at Vin sa mga gitarang hawak nila habang si Hunter ay kumakanta.
Wala sa sariling nilingon niya ang gawi kung nasaan si Ivo at bahagyang napasinghap nang masalubong ang tingin nitong nakatitig sakanya. Inirapan na lamang niya ito para itago ang pagkagulat niya saka umayos ng upo.
"Akala ko ba crush mo si Ivo? Diba you told me before?" Tanong ni Heaven nang silang dalawa na lamang sa bahay na iyon.
"Wala naman akong sinabi na crush ko siya. Ang sabi ko lang ay gusto ko ang pagiging tahimik niya ngunit hindi na ngayon."
Napailing na lamang si Heaven sa tinuran ng kaibigan saka hinawakan ang kamay nito.
"Kung 'yan ang sabi mo, Aki."
Hindi siya pinansin ni Akiko at tinignan na lamang ang tablet na hawak niya saka iyon inagaw sa kamay niya. Kasalukuyan kasi siyang tumitingin ng mga cocktail dresses na maaari nilang gamitin sa prom nila.
"Anong color ba ang gusto mo, Heaven?"
"Pink. Ikaw?" Sagot sakanya ng kaibigan.
"Blue o gold." Kibit-balikat niya at nakisilip sa tinitignan ni Heaven.
"Gold nalang. Mas bagay yun sayo." Sabi naman ng kaibigan na ikinatango nalang niya dahil ito naman ang bibili ng dress nilang dalawa. Napag-usapan na rin nila kung saang salon magpapa-ayos at kung anong klaseng ayos ang nababagay sakanila. Pati ang sapatos na gagamitin at mga accessories ay napag-usapan nalang nila at bibilhin na lamang ang mga iyon kinabukasan.
"Kasama ba 'yung lima sa mall, bukas?" Tanong niya.
Umiling si Heaven at tinignan siya. "Hindi. 'Yung kambal ay may pupuntahan kasama si Tita Eliza, habang yung tatlo ay hindi ko alam."
Hindi na muling nagtanong si Akiko at lihim na nagpasalamat dahil walang mga magugulo na kasama nila bukas sa pamimili. Kahit na matagal na niyang kasama ang mga iyon ay hindi parin siya nasasanay sa kaingayan ng mga iyon sa hindi niya malaman na dahilan.
Pagbukas pa lamang ng mall kinabukasan ay nandoon na agad sina Heaven at Akiko para mamili ng mga dresses nila dahil wala silang nagustuhang design sa online. Balak din sanang magpatahi ni Heaven sa isang sikat na fashion designer but Akiko refuses and suggested na sa mall nalang.
Una nilang pinuntahan ang mga sikat na boutique at hindi naman sila binigo. Si Heaven ang unang nakabili ng dress niya na color dark pink na tube and above the knee. Simple lamang ang disenyo ngunit bumagay iyon kay Heaven at nagmukhang elegante nang suotin niya. May malaking ribbon iyon sa likod at may pair of pink hand gloves na pareho nilang ikinatuwa dahil ang ganda tignan kay Heaven. Nagmukha itong prinsesa na para bang kokoronahan.
BINABASA MO ANG
The Necklace (H2B Series #3)
Romance(H2B Series #3) Ivo has a thing towards Akiko eversince they were young, but the problem is wala sa bokabularyo ng dalaga ang ma-inlove dahil abala ito sa pag-abot ng mga pangarap nito. But Ivo is willing to wait until Akiko is ready to accept him...