Chapter 5

2.1K 57 3
                                    

"Magsalita ka naman, Akiko..."

Hindi umimik ang dalaga at nanatiling nakatitig sa kasayaw. Bigla ay napatigil din siya at wala sa sariling napahigpit ang hawak sa balikat nito.

Napaisip siya, paano nga ba nagka-gusto sakanya si Ivo? Si Ivo na nag-iisang anak at tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng pamilya nito. Si Ivo na simula pagkabata ay hindi nagkaroon ng interes sakanya. Ni hindi nga siya nito pinapansin at ayaw pa siyang kalaro hindi katulad nila RJ. Si Primitivo Angeles, ang binatang ayon kay Heaven ay pangarap maging isang sikat na chemist gaya ng mga magulang nito.

Eh siya? Isa lamang siyang anak ng caretaker ng nabiling bahay nila Heaven sa village na iyon. Magsasaka ang mga magulang niya na napadpad dito sa Metro at nagka-ibigan hanggang sa mabuo siya at ipanganak. Nakakapag-aral siya sa mamahalin at sikat na paaralan sa tulong ng Ama ng matalik na kaibigan kapalit ng pag-aalaga nila dito. Nalalasap niya ang masaganang buhay dahil sa kaibigan.

Kaya bakit siya nagustuhan nito gayong wala pa sa kalingkingan ang meron ito at siya ay talagang walang-wala. Magkaiba ang mundong gagalawan nila sa oras na makatapos siya ng pag-aaral dahil hindi naman pang-habambuhay ang pagtulong sakanila ng pamilya ni Heaven at alam niyang darating ang araw na iyon kaya kailangan niya iyon paghandaan.

Muli siyang tumingin kay Ivo kasabay nang pagkabog ng malakas ng dibdib niya.

Hindi niya gusto ang binata, pero espesyal ito sakanya dahil isa ito sa mga kaibigan niya kahit na may pagka-masungit ito.

Pero, hindi pa siya handa sa mga bagay tulad ng sinabi nito.

Marami pa siyang priorities at ang magkaroon ng love life ay wala sa listahan niya.

"Akiko..."

"Ivo..." Magkasabay na bigkas nila. Napalunok siya nang masuyo itong ngumiti saka marahang pinisil ang bewang niya. Bahagya siyang napailing at bumuntong hininga.

"Huwag, Ivo..." Mahinang wika niya. Naglaho ang ngiti ng binata at mataman na tumitig sakanya.

Dahan-dahan siyang umiling saka tinanggal ang mga kamay sa balikat nito pagkuwa'y ang mga kamay nito sa bewang niya. Humugot siya ng malalim na hininga saka tinitigan ang mga mata nito.

"Huwag kang maghihintay para sa akin, Ivo.  Huwag mo akong ligawan. Huwag ako..."

Agad siyang tumalikod pagkatapos niyang bigkasin ang mga katagang iyon. Wala siyang balak panuorin ang pagbabago ng ekspresyon ni Ivo at wala din siyang balak na manatili pa malapit rito.

Hindi niya maintindihan ang nadarama matapos makapasok sa hulihang cubicle ng restroom na mabilis niyang tinungo. Napahawak siya sa dibdib ng maramdaman ang paninikip niyon sa hindi malamang dahilan.

Alam niyang tama ang ginawa niya. Alam niyang matatanggap iyon ni Ivo dahil sino nga ba siya para gustuhin ng binata? Maaaring gusto siya nito ngayon ngunit nakakasisiguro niya na magsasawa din ito sa paglipas ng panahon. At isa pa, talagang magka-iba ang mundo nila. Mayaman ito at mahirap lamang siya.

Nauna siyang umuwi kina Heaven dahilan sa kawalan ng gana sa prom nila. Nabungaran niya ang naka-bi-binging katahimikan sa buong mansyon. Agad siyang nagtungo sa kwarto niya, diretso sa bathroom at mabilis na tinanggal ang kanyang mga saplot. Huminga siya ng malalim saka tumayo sa ilalim ng shower. Napapikit siya nang maramdaman ang malamig na tubig na nang-gagaling doon kasabay nang paglandas ng maiinit niyang luha.

"AYOS KA LANG, Ivo?" Tanong ni Vin nang bumalik ang kaibigan sa mesa nila.

Sina RJ at Vin lamang ang nabungaran niya sa mesa dahil may mga kasayaw parin ang kambal na kaibigan.

Nagpakawala siya ng buntong hininga saka sumulyap sa lugar kung saan nagtungo si Akiko. Muli siyang huminga ng malalim saka sumandal sa upuan.

"Basted?" Tanong naman ni RJ na walanh bahid ng pang-aasar. Seryoso siyang nakatingin sa kaibigan at tila inaantay ang maaaring gawin nito.

Bahagyang tumango si Ivo saka inis na ginulo ang buhok nitong mahigit tatlong oras na inayos.

"Tama iyong sinabi ni Heaven na maraming priorities si Akiko..." Turan naman ni Vin at pinanuod din ang kaibigan.

Hindi kumibo si Ivo hanggang sa matapos ang prom. Tahimik silang anim na sumakay sa van na maghahatid sakanila pauwi.

"Teka, nasaan si Akiko? Bakit hindi ko na siya nakita?" Biglang tanong ni Heaven nang akmang isasara na ng Tatay ni Akiko ang van.

"Nagpaalam hija na mauuna na..." Paliwanag naman nito kaya napabuntong hininga na lamang si Heaven.

Tuluyan ng sinara ang pinto saka pumwesto ito sa driver's seat. Tahimik ang buong van hanggang sa maihatid sila sa kanya-kanyang kabahayan.

"SI AKIKO?" Bungad na tanong ni Heaven nang hindi makita ang kaibigan sa hapag, kinaumagahan. Naupo siya sa upuan na nakalaan sakanya saka sinulyapan ang Ina ng kaibigan.

"Maagang pumasok, hija. May isang project pa raw siyang hindi natagapos." Sagot naman nito na ikinatango niya.

Matapos kumain ng breakfast ay agad siyang nagpahatid sa eskwelahan nila. Agad siyang nagtungo sa library at napangiti nang makita doon ang kaibigan na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Masaya siyang lumapit dito at naupo sa harapan nito.

"Hi bessy!"

Nag-angat nang tingin si Akiko nang maramdaman ang pag-upo ng kung sino sa harapan niya. Tipid siyang ngumiti ng makita ang magandang mukha ng kaibigan saka ibinalik ang tingin sa binabasa.

Napahawak siya sa buhok at marahang sinabunutan ang sarili. Isang oras na siyang nagbabasa at nagbabakasakaling may maidagdag pang impormasyon sa report na ginagawa niya ngunit hindi maalis sa isipan niya ang nangyari lamang kagabi.

Ni hindi siya nakatulog buong gabi dahil laging nagre-replay sa isipan niya ang mga ngiti at sinabi ni Ivo. Hanggang ngayon na nasa eskwelahan na siya. Muli niyang sinabunutan ang sarili at this time ay madiin na. Narinig niya ang pag-tawa ni Heaven kaya nag-angat siya ng tingin dito.

"Bakit?" Tanong niya.

"Para kang ewan, Akiko. What just happened to you? I mean what happened last night?"

Napabuga siya ng hangin. Yumuko siya at hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan. Hindi naman na nangulit pa ito at nanatili silang tahimik hanggang sa marinig nila ang pagtunog ng bell.

Mabilis silang kumilos ni Heaven at tinulungan pa siya sa pag-sasa-ayos ng mga gamit niya. Sabay silang dalawa na lumabas sa library at nagtungo sa building nila.

Ngunit, dahil sobra kung maglaro ang kapalaran dahil nasa hallway pa lamang sila nang makasalubong ang limang kaibigan.

Agad na lumapit si Hunter kay Heaven at kinintilan ito ng halik sa pisngi. Nanatili ang mga mata ni Akiko sa kaharap na seryoso ang tingin sakanya hanggang sa nauna na siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi niya alam kung bakit siya nahihiya dito. At hindi din niya alam kung bakit kinakabahan siya.

Hindi na siya nagulat nang lagpasan lamang siya ng apat na lalaking kaibigan habang tinanguan siya ni Hunter at sumabay pa sakanila sa paghatid sa room nila. Hindi niya alam kung bakit naiiyak siya sa mga inasal ng mga ito pero paninindigan niya ang sinabi niya kay Ivo.

Mas matimbang parin sakanya ang mga pangarap kesa sa kahit na anong bagay sa mundo.

She sighed again. She closed her eyes then smiled. Tama lamang ang naging desisyon niya.

--------------------------------------------------------------

YOU CAN READ THE FULL STORY ON DREAME APP. JUST SEARCH MY USERNAME @heyembee. THANK YOU SO MUCH. ❤️❤️❤️

The Necklace (H2B Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon