One of a kinds

315 1 0
                                    

Kung papansinin mo, mas mahirap mag luto kaysa mag bake...

Sa pagluluto, nakakatakot kapag natalsikan ka ng mantika, mapaso, masunog.(yung niluluto).

Ganoon din naman sa pag be-bake...

Pero kung iisipin mo logically, mas mahirap mag bake kaysa sa magluto, pag magluluto ka, lalo na ng mga fried, hindi mo na kailangan na masyadong tansyahin (tancha), at minsan dinidipende mo nalang sa panlasa mo, minsan tinatanong mo sa iba o pinag-tatanungan ka na "okay na ba? Tikman mo nga!". Isa pa, pag nagkamali ka, pwede mo pa gawan ng paraan di ba?

Eh sa pag be-bake, strikto!! May measurement, pero kailangan mo iyon sundin, dahil kapag nagkamali ka,, sigurado ako na iba ang kalalabasan niyan. Bawal ka mag-dagdag, mag bawas, dapat kung ano lang ang nasa measurement. (Parang pagibig, kung sino lang ang nandiyan, makuntento ka na! Ok?!)

Pero sa dalawa, alam mo kung ano ang pinaka madaling gawin??

Napakadali!! KUMAIN!!
Syempre, sino pa ba ang aayaw kumain?
Halimbawa nga sa mga desserts eh nag mimix pa lang ng mga ingredient eh gusto mo na kainin.

Pero minsan talaga, naiisip ko na parang ang corny ng mga sinusulat ko...

Pero pabayaan na natin dahil hindi ko naman pinipilit na basahin itong nakakagutom na libro...

Grabe nga eh noh? Hi-tech na talaga ngayon, pati libro, sa gadget nalang rin. Eh para saan pa ang library?

Ngayon kung gutom ka na...

May mga sinasabi silang mga mayaman na pagkain at mahirap. Pero huwag kang maniwala sa kanila.

Chocolate sprinkled cookie cake
Strawberry short pants cake
J3j3m0N C4K3
Cookie dipped in a milk

Sinasabi nung iba na itong mga nasa itaas na kakabasa mo palang, mga pangmayaman.

HINDI!! Pang maarte lang yan, para sa iba kasi, ang pag e-english ay pangmayaman pero hindi, tulad nga ng pagkain, ang lengguahe din ay walang pinipili, mayaman, mahirap, pangit, guwapo, maganda, payat, mataba, etcetera, etcetera.

Ang mahalaga, kumakain ka! Tignan mo sarili mo, ampayat payat mo na! Pupuyat pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Food PornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon