Chapter 50

4.1K 67 8
                                    


This is the last chapter guys.Epilogue na ang susunod Aidan's POV

---

Naiiyak akong tinatanaw siya sa loob ng isang cafe na pagmamay-ari niya.

Sa halos pitong buwan ng paghahap nila ay natagpuan na rin siya sa wakas.At pitong buwan na rin itong nasa sinapupunan ko.

Kung tinatanong niyo kung nasaan siya ngayon.Andito lang siya sa Bohol.Hinanap namin siya sa ibang bansa at himalang natagpuan ni Hector dito sa Bohol ng nagkaroon siya ng taping sa lugar na toh.

Ito ang naging panghanap buhay niya sa loob ng pitong buwan.Binili niya ang two storey building na ito at nagsilbing tirahan niya ang ikalawang palapag.

"Pumasok ka Mika"sabi ni Marcelo saka nginitian ako.
"Pumasok ka na dun para makita niya yang ginawa niya sayo!"sabi naman ni Imeley.
"Marami pang tao"tanging nasabi ko.

"Edi haharangin natin ang mga customer na gustong pumasok!"sabi naman ni Imeley kaya sumang-ayon sina Annica at Kacy.

"Lakad na at pumasok ka"sabi ni Kacy saka nginitian ako ng matamis.
"Ito na ang pinakahihintay mo madame"sabi naman ni Warren saka inakay ako papuntang pinto ng cafe.

"Goodluck po madame"tanging sabi niya saka binuksan niya ang pinto para sakin.May mga dalawang customer lang ang nasa loob.

Pagkapasok ko ay lumingon ako sa kanila Annica na humaharang sa mga gustong pumunta dito.

May kung anong sinasabi ito at saka boluntaryong umaalis ang mga customer nito.

Naluluha akong pumapasok na tinatanaw si Maarte na nakatuon ang atensyon sa kaha.He's the cashier of his cafe.

Marahas kong pinahid ang luha ko ng nasa counter na ako at kaharap niya pero siya ay nakatuon pa rin sa kaha at nagbibilang ng pera.

"What's your order?"tanong niya saka kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilang humikbi at humagulgol ng iyak.
"What's your order ma'am?"ulit niyang tanong saka inangat niya ang kanyang tingin at nagtagpo ang aming mga tingin.

Nabigla siya ng makilanlan kung sino ang nasa harapan niya.Of course, seeing me sends shock to him.

Hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko na hindi iniinda ang gulat niyang mukha.

"W-why are you here? Why are you crying?"mahinang tanong niya.
"Walanghiya ka"tanging sambit ko na ikinapanlaki ng mata niya.
"B-bakit ka nga andito?"naiiritang tanong niya sakin.
"Walanghiya ka! Iniwan mo pa ako ng souvenir!"singhal ko sa kaniya na ikinakuha ng atensyon ng mga tao na nasa loob.

May lumapit kaagad na waitress sakin kaya inirapan ko ito.

"Lumabas ka at palabasin mo yang mga customer"utos ko sa kanya na ikinanganga ng waitress.
"Kaya kong bilhin itong pipitsuging cafe na toh.Kaya lumabas na kayo bago pa ako magalit"sabi ko sa waitress na nakanganga at yung mga customer rin.

"What the hell are you doing?!"singhal ni maarte sakin.
"HINDI PA RIN BA KAYO LALABAS?!"galit kong singhal sa kanila at walang limang segundong nagsilabasan sila ng cafe at walang ni isang naiwan.

"Iyan ba ang nangyari sayo huh"sabi ni maarte saka umiling-iling.
"HINDI! ITO ANG NANGYARI SAKIN!"singhal ko sa kanya at humakbang paatras hanggang sa makita niya ang malaking umbok ng tiyan ko sa counter.

Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang naluha.

"Congrats! Buntis ka!"sabi niya sabay pahid sa luhang dumaloy.
"ANONG CONGRATS?! CONGRATS DAHIL NABUNTIS MO KO?! OKAY LANG EH! KUNG DI MO INIWAN!"singhal ko sa kanya.

Mother's Last Will Testament(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon