Hinihiling ko na sana makayanan kong maibalik ang mga panahong nakaraan na. Hinihiling na sana'y maibalik ang mga bagay na nawala sa'kin. Tanging gusto ko lang ay makabalik at itama ang lahat ng mga bagay na nagawan ko ng pagkakamali.
Mahigit tatlong taon na ang nakakalipas, when she walked away. Fresh pa rin sa isipan ko ang huling pag uusap namin. Hindi ako tumigil sa kakatawag ng pangalan niya no'n - pakiramdam ko'y huminto ang buong paligid, at tanging nakikita ko lang ay kung paano siya naglakad palayo sa'kin. . . palayo sa buhay ko.
Hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sa sarili kung nangyari nga ba talaga 'yon. Imposible. Labing isang taon, natapos lang nang gano'n. Napaka imposible. Why I hadn't seen it coming?
Simula nang nagyari ang lahat ng 'yon ay palagi na akong nagtutungo sa orphan - not everyday, kapag lang hindi talaga ako busy sa trabaho at kinakaya ng oras ko na isingit 'yon. Gusto ko kasi na nando'n ako sa oras ng kaniyang pagbabalik. Minsan umuupo lang ako sa playground kung saan kami huling nagkita. Bitbit ang pag asa na sana'y bumalik siya. Kahit hindi na ulit sa buhay ko, kahit makita ko lang siya - okay na ako.
Kaya nga laking tuwa ko nang malaman ko kay Anne na lilipat na sila dito sa Manila. Nagpatayo sila ng bagong studio. The threekings photography - 'yan ang pangalan ng bago niyang studio.
Matagal ko na talagang plano na patayuan siya ng studio. Siya lang talaga ang may ayaw. 'Yun pala iba ang gusto niyang kasama sa pagpapatayo nito.
Ilang taon kong hinintay na makita siyang muli. Masaya ako kasi sa wakas ay nakita ko na siyang muli. Ngunit kaakibat nito ang kirot - dahil ang katotohanan na may iba na siya ang nag paluha sa'kin.
Kung tutuusin maikli lang ang tatlong taon, pero sobra-sobra akong nakaramdam ng pangungulila sa kaniya. At sa loob ng tatlong taon na 'yon, hindi ko alam na may sarili na pala siyang pamilya.
Sa totoo lang, dapat masaya ako ngayon. Dahil may anak na silang dalawa. Ito talaga ang pinapangarap niyang mangyari. Ang magkaroon ng sariling pamilya.
"Uh. . . sir Vice?" Naglaho ang mga iniisip ko, dahil sa tinig na nagmula kay Steph.
Hinarap ko siya at gumawa ng ekspresyon - na nagpapahiwatig kung bakit. "Ngayon po kasi ang araw na makikila niyo ang bagong chemist. Nakakahiya naman po kung pag iintayin natin siya sa board meeting." Pagpapaliwanag niya.
Matapos ko siyang tignan ay binalingan ko naman ang driver ko - tinanguan ko siya na wari bang sinasabi ko na tumuloy na kami.
Lahat nang madaanan kong tao dito sa kumpanya ay binabati ako ng magandang umaga. Hindi ko alam kung may gaganda pa ba ang umaga na ito - matapos kong makita siya na kasama ang lalaking pinili niyang makasama. . . kaysa sa'kin.
"Good morning, Mr. Viceral. My name is Santa Esquivelle, your new chemist. I'm glad na ako ang napili niyong mag handle sa mga upcoming perfume dito sa Viscent. I will do anything para mapaganda ang design, mapabango ang mga perfume at higit sa lahat mapataas ang sales nito." Mahabang introduksyon ng bago kong chemist.
Itong negosyo na 'to ang naipamana sa'kin ng aking ina. Kaya gagawin ko ang lahat para lang tumagal ito, hanggang sa kaya ko pang ipaglaban ang kumpanya na 'to - gagawin ko. The Viscent is my life.
"Welcome to my company, Miss Esquivelle." Pagbati ko sa kaniya.
Hindi nagtagal ay natapos ang meeting. Bukas ng umaga ang simula ng lahat. Simula ng paggawa ng bagong perfume at simula ng pagtatrabaho kasama ang bago kong chemist.
"Anne, kamusta siya?" Tanong ko.
Bumisita silang dalawa ni Vhong dito sa office ko. Kaya naisip ko na ito na rin ang pagkakataon na tanungin ko siya patungkol kay Karylle.
BINABASA MO ANG
OTF: Crestfallen smile
Fanfictionin the mess of my life, i found her - the calm after a hurricane