crstflln: 3

1.4K 77 34
                                    

Nakatayo ako sa hamba ng pintuan ng laboratory, habang hinihintay si Santa na matapos sa ginagawa niya. Balak ko kasing isabay na siya kapag kumain ako ng lunch, since wala naman na akong ibang kasabay kumain. . . why not na kami na lang dalawa ang magkasama.

Medyo nakakaramdam na ako ng pagkainip. Ang dami niya kasing ginagawang experiment, kung anu-ano. Salin dito, salin doon.

"Santa, matagal ka pa ba d'yan?" Humantong na sa puntong ubos na ang pasensya ko sa pag hihintay, kaya nasabi ko na lang ang mga salita na 'yon.

Hindi naman ako ganito dati. Matiisin akong tao. Mahaba ang pasensya ko. Pero simula nang mangyari ang bagay na hindi ko inaasahan, pakiramdam ko ang dami nang nagbago sa'kin.

"Sandali lang Mr. President, ah. . . patapos na ko dito." sagot niya sa akin, na nagbigay sa'kin ng dahilan para humaba ulit ang aking pasensya.

"Bilisan mo kasi nagugutom na ako." Kunyaring iritable kong sambit sa kaniya.

"Ito na nga e, patapos na." Sabi niya at mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung paano niya inamoy ang kaniyang. ginawa.

Nang matapos siya sa lahat ng kaniyang ginagawa ay lumapit na siya sa'kin. Suot pa rin ay kaniyang lab glasses. Pinagmasdan ko lang ang gagawin niyang kilos, nakita ko kung paano niya inangat ang kaniyang kamay at pinatong ito sa'king balikat. Binaba ko ang aking tingin, at doon ay natanaw ko kung paano siya tumingkayad.

"Ang mainitin naman ng ulo ng boss ko."

Sa ginawa niyang 'yon ay nalanghap ko ang sarili niyang pabango. 'Yung perfume na tanging sa kanya lang. Hindi nya binebenta.

"Alam mo girl ang bango mo." Wala sa wisyo kong sambit.

Ganito ba ang epekto niya sa'kin?

"Tara na nga boss," nag lakad kami palabas ng laboratory.

Habang tinatahak namin ang parking lot ay nag kwentuhan muna kaming dalawa, sinabi niya lang sa'kin ang dahilan kung bakit siya nagtagal sa lab. Nagkamali daw siya ng formula, kaya niremedyuhan pa daw niya.

"Are you still searching for your sister? " I asked her while walking at the hallway.

"Yeah," tipid ang kaniyang sagot. May pinag iipunan ata.

"Gusto mo samahan kita minsan." pag-aalok ko sa kaniya ng tulong.

"H'wag na, boss. Maaabala pa kita." Pagtanggi niya.

Minsan na nga lang akong mag alok, na reject pa. Ang saya din talaga e. Wala akong magawa, hindi mapakali ang kamay ko. Gusto ko talaga habang naglalakad ako may napapatungan ako ng kamay. Ewan ko ba. Ganito kami dati e. Dati.

Inakbayan ko siya, sa tingin ko naman hindi niya ito ikagagalit.

"Ano ka ba? We're friends," nakangiti kong tugon sa kaniya. 

"Yeah I know. . . pero ayoko naman na inaabuso ko ang friedship natin."

Nakarating kami sa elevator. Nakatingin ang ibang empleyado sa amin. Well mag kaibigan kami at wala naman sigurong malisya 'yon. Unless, kung bibigyan na lang nila ng kahulugan.

"Boss wag ka kasing makulit,"

"Basta kapag my free time ako, tutulungan kita." Pinal kong saad.

Pinag buksan ko siya ng pintuan. Ganito rin naman talaga ang nakasanayan ko. Marespeto ako sa lahat ng babae. "Saan tayo, boss?" Tanong niya, nang makasakay na ako sa loob.

"Tipsy Pig." sagot ko sa kaniya, habang kinakabit ang seatbelt. Tinapunan ko siya ng tingin, nakita ko siya na nagkakabit din.

"Ah, sa the fort."

OTF: Crestfallen smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon