Chapter 1

10.9K 112 3
                                    



Twelve years later

"UUWI na ako. " Sabi ni Vivienne pagkalabas nila ng opisina matapos ang kanilang Christmas party.

"Naku, huwag muna. Maaga pa. Sumama ka na lang muna sa pupuntahan namin." Sagot naman ni Kaye, isa sa mga officemate niya't kaibigan.

Umiling siya. "Next time na lang. Medyo nahihilo na ako, eh."

"Ano? Dalawang beer in can lang naman ang nainom mo. Nahilo ka na sa lagay na iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Khrysstyna. "Ako nga tatlo iyong nainom ko pero mukha ko lang ang uminit." Natatawang dugtong pa nito.

"Khryss, hindi kasi sanay uminom si Vivienne kaya madaling tinamaan." Depensa naman ni Kaye.

"Actually, first time kong uminom." Medyo nahihiyang amin ni Vivienne. "Buti nga at hindi ako sumuka."

"Gano'n ba?" Napa-tsk si Khrysstyna. "Kaya lang kung magmumukmok ka lang naman sa apartment ninyo, mas mabuti pang sumama ka na sa amin, para sumaya ka naman. At para makalimutan mo kahit sandali ang panloloko ng buwisit mong ex."

"Tama si Khryss, Vivienne. " Sang-ayon ni Kaye. "Saka malay mo, may makilala tayong guwapo doon. Makakahanap ka na ng ipapalit mo kay Pierre."

Naisuklay ni Vivienne ang dalawang kamay sa buhok niya. "Sa ngayon ay wala muna sa isip ko ang makipag-relasyon. Galit ako kay Pierre at sa lahat ng kalahi niya. Pare-pareho silang manloloko. Kapag hindi nakuha ang gusto sa iyo, basta ka na lang iiwan at maghahanap ng iba. Anong klaseng mga lalaki iyan?"

Naka-tatlong boyfriend na siya at pare-pareho ang mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang mga ito sa kanya. Hindi kasi niya isinuko ang Bataan na iniingat-ingatan niya. Ngayon lang niya napag-isip-isip na katawan lang pala niya ang habol ng mga lalaki sa kanya. Ang saklap naman ng kapalaran niya.

"Tumpak. Bulls-eye ka diyan, bes. Walang matinong lalaki. Kaya magpakasaya na lang tayo at kalimutan ang mga walang kuwentang kalahi ni Adan. Girl power pa more!" Itinaas pa ni Khrysstyna ang nakakuyom na palad. Hindi na siya nagtaka sa inasal ng kaibigan. Kilala kasi ito sa pagiging manhater.

"Sinabi mo, eh. Kaya tara na para makarami tayo." Natatawang sabi ni Kaye at nagmamadaling tinungo nito ang parking lot kung saan naroon ang kotse ni Khrysstyna.

Nag-aalangan man ay napilitan na rin siyang sumunod sa mga kaibigan.

PAUWI na si Railey nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa dashboard ng minamaneho niyang kotse. Patamad na dinampot niya ito at sinagot ang tawag.

"Hello! I'm driving. Speak up quickly." Walang kagatol-gatol niyang sabi.

"Railey, bro! Inuman tayo. Libre ko. Hintayin ka na lang namin sa Bachelor's Place."

"Sino 'to?" Hindi niya makilala ang boses ng tumatawag.

Humalakhak ang nasa kabilang linya. "Aha! Hindi ka pa rin nagbabago, bro. Sumasagot ka pa rin ng phone mo nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. It's Archie. Kararating ko lang kahapon kaya maglilibre ako. Just don't bring your girlfriend. For the boys lang ito, bro."

He smiled. "Copy that. Magbibihis lang ako and I'll be on my way."

"Ok. See yah!"

Nang mawala ang kausap niya sa kabilang linya ay muli niyang ibinalik ang phone sa dashboard. Sinulyapan niya ang suot na relo. Seven-thirty pa lang. Maaga pa. May oras pa siyang maligo at kumain ng light dinner. Hindi niya ugaling uminom ng walang laman ang tiyan. Mas madali kasi siyang malasing kapag hindi siya kumain. Knowing Archie, ang kababata niya at bestfriend, magpapainom ito hanggang hindi sila gumagapang sa kalasingan. Masyado itong galante pagdating sa inuman. Siguradong aabutin sila ng closing time ng bar. Mabuti na lang at Biyernes ngayon kaya wala siyang pasok bukas.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon