Chapter 4

6.4K 110 5
                                    


NAPATINGIN si Vivienne sa suot na relo. Fifteen minutes bago mag-alas-otso. Alas-otso ang usapan nila ni Railey na magkikita sila sa mansiyon ng mga Antigua at ngayon nga ay papunta na siya doon.

Tatlong araw na mula nang magsimula siyang magtrabaho sa Antigua Navigations. Pagkatapos ipaliwanang sa kanya ni Railey kung ano ang magiging trabaho niya sa kompanya ay hindi na niya ito ulit nakita. Kaninang tanghali nga lang niya ulit ito nakausap nang tawagan siya nito at sabihing magkikita sila sa mansiyon kinagabihan. May importante daw silang pag-uusapan na hindi puwedeng gawin sa opisina. Gusto sana niyang itanong kung ano iyon ngunit naunahan siya ng hiya. Ang balak niya sana ay umuwi muna ng apartment niya ngunit nag-aalala siyang baka di umabot sa oras na sinabi ng boss niya kaya pagkagaling sa opisina ay dumiretso na siya sa mall. Pagkatapos niyang kumin ay nagpahatid na siya sa isang exclusive subdivision kung saan naroon ang tirahan ng mga Antigua.

"Sino po ang pupuntahan ninyo sa loob, Ma'am?" Tanong ng security guard pagdating ng taxi na sinasakyan niya sa entrance ng subdivision.

"Sa bahay nina Mr. Railey Antigua." Agad niyang sagot.

"Ano po ang pangalan ninyo, Ma'am?"

Ibinigay niya ang pangalan.

"Sandali lang, Ma'am. Tatawag po muna kami sa bahay nila." Tugon ng security guard.

Pagkaraan ng limang minuto ay bumalik ang security guard. "Ma'am, pakihintay na lang daw po iyong susundo sa inyo." Sabi nito.

"Susunduin ako?" Nagtatakang tanong niya. "Bawal bang pumasok ang taxi sa loob ng subdivision?" Hindi niya mapigilang itanong dito.

"Hindi naman po, Ma'am. Pero ang bilin po kasi sa akin ay paghintayin kayo dito sa guard house. Susunduin na lang daw kayo."

Gano'n? Napabuntung-hininga siya. Pagkatapos bayaran ang driver ay bumaba na siya ng taxi. Binigyan naman siya ng upuan ng security guard habang naghihintay siya sa tabi ng guard house. Wala pang limang minuto ay may humintong kulay pulang Bugatti sa mismong tapat niya. Bumukas ang pintuan sa tabi ng driver's seat. Nagulat siya ng makitang si Railey ang bumaba roon.

"Magandang gabi, Sir!" Bati ng mga security guard nang makita si Railey. Ngumiti lang ang binata.

"Good evening, Sir!" Bigla siyang napatayo nang mapatingin ito sa kanya.

"Good evening, Miss Vivienne!" Malapad ang ngiting sabi nito. "Halika na." Sabi nito saka binuksan ang passenger seat. Nang makaupo siya ay marahan nitong isinara ang pintuan bago ito umikot sa driver's seat.

"Late na ba ako?" Tanong niya rito nang nasa loob na ito ng sasakyan.

"No. You're just on time." Sagot nito habang ang mata'y nakatutok sa daan. "Kagagaling mo lang ba sa office?"

"No, Sir. Galing ako sa mall. Doon ako nag-dinner."

"Oh!" Natapik nito ang noo. "I'm sorry about that. Nakalimutan ko pa lang sabihin na sa bahay ka na lang mag-dinner." Sabi nito nang tumingin sa kanya.

"It's okay. Wala namang problema." Balewalang sabi niya.

"Hindi bale next time na lang. I'm sure marami pang pagkakataon."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon