Habang pababa ng hagdan napansin niyang may isang lalaking nakatingin sa kanya sa labas ng bintana na hawak-hawak ang isang piraso ng putting rosas.
“A 4th year?” Bulong niya sa sarili.
Nilapitan niya ito sabay sabing, “Kuya ikaw po ba yung naglagay ng rose sa locker ko? Maling locker po yata yung nalagyan niyo.”
Inabot ng binata ang rosas kay Kristel. Humarap ito sa kanya tapos ay naglakad paalis.
“Deadma?!” Sabi ni Tel. Bumaba na siya at hinanap ang kapatid para sumabay pauwi.
“Kuya, sino yung lalaking nakatayo sa laabas ng room niyo kanina?” Tanong ni Kristel.
“Bakit sa akin mo tinatanong? Malay-malay ko ba sinong nakita mo dun. Baka multo pa yun e.” Sagot ni Senn.
Tinignan ni Tel ng seryoso ang Kuya niya at sinabing,
“Kuya , gago ka ba? Ang tanda tanda mo na naniniwala ka pa sa multo.”
At isang solid na sapok ang binitawan ni Kristel.
“Manahimik ka na, Kristel.” Inis na sinabi ni Krisenn.
Pagdating sa bahay, nagbasa na agad ng libro si Kristel habang kumakain ng chocolates. Bigla naman pumasok si Krisenn na hindi man lang kumakatok. Umupo siya sa tabi ng kapatid niya at kinalbit ito sa ulo.
“Hoy, penge nga.”
Tinignan siya ni Tel at sumagot ng,
“Pwede ba? Wag kang madugas, ang dami daming chocolate na pinadala ni Papa. Kumuha ka sa Ref!”
“Ayoko!” Sagot ng binata sabay batok tapos kinuha lahat ng chocolate na kinakain ng kapatid.
Dumila pa ito bago lumabas ng pinto.
“Tsss, parang bata. Problema nun?”
“Tel! Labas muna ako.” Paalam ng ni Krisenn. Narinig niya ng umalis ang Kuya niya gamit ang motor.
Lumabas siya ng kwarto at napagisip-isip na pasukin ang kwarto ng kapatid.
“Wow, ang ayos, parang babae pala kung maglinis si Kuya, wala ni isang kalat.” Pamanghang sabi ni Kristel.
BINABASA MO ANG
What Matters Most (When a Star Shines...)
Teen FictionA young love story of a wish and a wish commander, a brokenhearted and a love seeker ♥