J i m i n
"pakshet ka, anong pakulo yan?" natatawang sabi ni Jungkook sakin, sinamaan ko sya ng tingin.
"chismoso." humagalpak sya sa tawa.
"what the fuck dude, are you gay?" tanong ni Rapmon sakin, naabutan ko syang nakatingin sa phone ko.
"mga hangal! eh kasi, nato-torpe ako dito sa gusto kong ligawan. gusto ko sana syang maka-close kaya eto, nagpanggap akong bakla." nagkatinginan si Taehyung at Jungkook. parehas silang humagalpak sa tawa.
"tangina, ang baduy ng trip mo pare!" sabi ni Taehyung sabay hampas sa balikat ko.
"pakyu, yabang neto porket sinagot ka na ni Irene? walang forever pre, maghihiwalay rin kayo. itaga nyo yan sa bato!"
"gago ka, gusto mong sapakin kita?" umamba syang sasapakin ako. inirapan ko lang sya. tumawa naman yung ibang gago.
"sa lahat ng pwedeng pakulo, bakit 'yan pa ang naisip mo?" sabat ni Suga habang umiiling.
"wow ha, nanghingi kasi ako ng tulong sainyo diba? tapos wala namang pumansin sakin!" sigaw ko, kinamot ni Jin ang batok nya.
"sino ba naman kasing matinong tao ang tatawag ng alas tres ng umaga at magtatanong kung 'pano pumorma sa babae? hangal ka ba? malamang 'di ka namin papansin, sinira mo tulog namin!" sigaw ni Jhope pabalik. i glared at him.
"kahit na! dapat tinext nyo manlang ako pagkagising nyo nung hapon.." i heard them groan.
"ano nang plano mo?" sabi ni Jin sabay akbay sakin.
"itutuloy ko na muna 'to, aamin nalang ako kung kelan kaya ko na."
BINABASA MO ANG
gay // p.jm & k.sg
Short Story"hai prenny q! crux qta ;)" "muka mo!" in which Jimin pretended to be a gay just to be friends with his crush. [written in Taglish] • gender series #2 • date started - 12.30.16 date finished - 12.31.16