Huwebes
Kisses' POV
Isang napakagandang umaga. Nag-unat ako ng mga buto ko at ngumiti. Siguro naman alam n'yo kung bakit maganda gising ko di ba? Dahil sa nangyari kahapon! Hehehe!
"Ang ganda yata ng gising mo?" Tanong ng katabi ko sa higaan na si ate Aura. Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko't tinanguan na lang s'ya. I just woke up and I haven't toothbrush yet eh.
Pumunta muna ako sa comfort room at do'n nag-toothbrush. Pagkatapos ay nakita kong nagluluto na ng breakfast si kuya Wil-pancakes and eggs.
Nagtoast ako ng tinapay at nagtimpla na din ng kape. Nang matapos na magluto si kuya Wil ay nagtipon kami sa kitchen para kumain.
"Malapit na kayo lumabas ah," sabi ni ate Cora sabay subo ng kanin.
"Oo! Mami-miss namin kayo!" Ani ate Maymay.
"Akala ko ba may task sa inyo si kuya?" Suhestiyon ni kuya Jerome.
"Oo nga po eh, wala pa din." Sagot ko. Tama din ito para matamaan si kuya. Hehehe, joke!
Habang kumakain kami ay nagk-kwentuhan ng pabulong sila ate Cora at Edward-sa gilid ng mata ko ay nakikita ko silang nakatingin sa 'kin, na para bang pinag-uusapan ako.
Hala! Anong pinag-uusapan nila? Pinaguusapan ba nila yung friendly-date kahapon? Siguro boring ako kausap? Hmp! 'Wag naman sana.
"House guests, pumunta sa confession room." Saad ni kuya. Oh em gee! Ngayon na kaya magsi-simula? Excited yet nervous.
(A/N: Habang iniiscreenshot ko 'to, kinikilig ako eh! Hahaha. Bagayyy!)
Hinintay muna namin na magsalita si Kuya. Habang naghihitay ay hinanda ko muna ang sarili ko-nag-ayos ako ng buhok gamit ang daliri dahil may salamin naman sa harapan.
BINABASA MO ANG
Once She Was a Fangirl | KissWard
Fanfiction"The way I feel about you, I've never felt with anyone else." KissWard Fan Fiction (ON-HOLD) © 112716 | mysteriousfangirI