Chapter 14

362 26 24
                                    

Date continued: Feb 3, 2017 · yo hahaha

--

Kisses' POV

"Kisses, I-I... like you."

"KISSES!" Nilingon namin ang sumigaw ng pangalan ko sa likod. Si Jameson! Napatingin ako sa dala-dala niyang boquet ng bulaklak... Dahan-dahan siyang lumapit sa amin ng nakangiti ng nakatutok lang ang mata niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? At-Atsaka bakit may dala kang bulaklak... Para kanino?" I asked with curiousity.

Inilahad niya sakin ang bulaklak nang hindi man lang pinapansin ang kasama ko. Hindi ko rin naman narinig ang sinabi ng kasama ko dahil bigla nalang dumating si Jameson.

"For you..." Ngumiti siya. "Kisses, I want you to know that I like you- No, scratch that. Kirsten Danielle Delavin, I love you. Simula pa lang nung bata pa tayo... Pwede ba kitang... ligawan?" Tanong niya ng nakahawak sa kanang kamay ko. Oh my God! WHAT?!

Tinignan ko naman sa gilid ko ang kasama ko kaninang lalaki...

Bigla siyang nawala! Inikot ko ang paningin ko... pero hindi ko pa din siya makita... Nasaan na siya? Wait, Sino ba siya?






*Tok Tok Tok Tok*

"Ma'am Kisses, nandito na po iyong kaibigan ninyo... Jameson daw po." Rinig kong sabi ni Yaya habang kumakatok. Gusto ko pa sanang matulog ulit para balikan yung panaginip ko dahil sa kuryosidad pero nandito na si Jameson.. The real Jameson.

Tumayo ako para buksan yung pinto. "Susunod na lang po ako, yaya. Pakisabi po sa kanya maliligo muna ako. Kakagising ko lang, eh."

"Okay po, ma'am."

Bumaba na si yaya at sinara ko na ulit yung pinto. Hindi pa din ako maka-get over sa napanaginipan ko kanina, siguro naman wala lang 'yon! Si Jameson Blake na childhood bestfriend ko manliligaw sakin? Hindi 'no! Imposible!

Pero ang pinagtataka ko lang ay kung sino yung kasama kong lalake dun sa panaginip... Hindi ko kasi maaninag ng maayos yung mukha niya, kung makita ko man, siguro nakalimutan ko lang. Dahil ang sabi ni google, 80% daw ng panaginip mo ay makakalimutan mo once na magising ka.



Tapos na akong maligo at magbihis. Hindi ko nga lang alam kung pa'no haharapin si Jameson lalo na't ang weird ng panaginip ko tungkol sa kanya. Walang choice, e.

Nang makita niya akong bumababa ay agad siyang tumayo at ngumisi na para bang isa akong prinsesa. "Late ka ng thirty minutes." Aniya.

Tumawa ako ng bahagya, "E, ikaw lang naman itong namimilit!"

"Sorry na, haha! Para naman 'yon sa ikabubuti niyong dalawa ni Heaven... Ano... tara na?" Sabi niya sabay lahad ng kamay. Ay, wow, gentleman ka na pala ngayon!-- Pero naalala ko nanaman yung panaginip ko... Nevermind!

"May pa-kamay pa talaga? Kaya ko na sarili ko, ikaw talaga!" Tumawa ako ng peke para hindi mahalata na nabo-bother ako sa kinikilos niya. Binaba naman niya yung kamay niya.

"K, fine."

"Saan ba magme-meet?" Tanong ko nang makasakay na kami ng sasakyan.

"At the convinience store near ABS," Sagot niya. Convinience store? Baka may makakita sa amin at gawan ng issue!

"I disagree to that! Baka may makakita sa atin... Delikado." Delikado.. kasi alam niyo naman ang masa, papaniwalaan lang yung nakita nila kahit hindi alam yung totoong nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once She Was a Fangirl | KissWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon