Chapter 13

420 26 14
                                    

**One week after**



Kisses' POV

Hindi ko alam kung paano ie-explain sa inyo iyong ginawa namin these past few days. Napaka-busy. Guestings, mallshows at kung anu-ano pa. Buong magdamag sina Edward, ate Maymay, Vivoree, Heaven at Christian lang ang kasama ko.

Dumami ang supporters ko/namin lalo na nila Maymay at Edward. Nagulat nga ako na may 'KissWard' pala. Nabalitaan ko nga din kay Ms. Darla na nag aaway-away sila sa social media na ikinalungkot ko. Me and ate Maymay were friends at alam niyang simula pa lang, ako na talaga ang humahanga kay Edward.

Speaking of Maymay at Edward, magkakaroon na sila ng new single titled "Baliw". I'm so proud of them! Todo support at hiyaw nga ako kapag nagpe-perform sila on stage - hindi ako namamlastik, pangarap kasi ito ni ate Maymay. Atsaka ang sabi niya pa sa akin, 'wag daw ako mag alala kasi friends lang sila ni Edward.

Ngayon lang ulit kami nakapag-pahinga, miski noong nakaraang linggo ay walang oras na nasasayang dahil aligaga lang kami sa industriya. Hindi nga talaga biro ang buhay ng showbiz.

Bigla naman tumunog ang telepono ko hudyat na may nag message...

From: Jameson Blake
Are you free today? You went out on kuya's house but I still haven't see you.

Si Jameson pala. Dahil nga aligaga kami ay hindi ko na siya nakikita o nahahagip man lang. Kapag napapadaan naman ako ng Showtime studio, wala din siya.

To: Jameson Blake
Yeah, I'm free today... why?

To: Jameson Blake
I'm sorry. Busy lang talaga these past few days, hindi pa nga din ako makapaniwala eh.

Agad din namang nag vibrate ang cellphone ko,

From: Jameson Blake
Can we talk? I just miss my little dora. Do you miss me, don't you?

To: Jameson Blake
I miss you too, swiper. But please don't be pasaway and makulit!

From: Jameson Blake
Yes, boss! Hahahaha. Okay, I'll just pick you up around 7:30pm.

Hindi na ako nagreply pa. Naligo na ako kaninang umaga pero maliligo na lang ulit ako. I miss Jameson the boots slash swiper!

Nang nakahanda na ako ay agad akong bumaba. "Mom, dad, mukhang hindi na po ako dito magdi-dinner. Jameson invited me to go outside," pagpapa-alam ko.

"Sinong Jameson? Iyong Jameson na kalaro mo dati?" Tanong naman ni daddy.

"Yes po. Nag artista din po s'ya and kasali na din s'ya sa Showtime as a Hashtag member."

Sakto naman ay biglang may tumunog na busina ng sasakyan, "Andyan na yata siya..." Ani mommy.

Bumaba si Jameson sa sasakyan niya. Aba! Mas pumogi pa s'ya ah, dati may balbas pa ito eh!

"Good evening po, tito and tita," sabay beso niya kila mommy and daddy. Ngiti naman ang iginawad nila.

"Ang laki mo na, tutoy ah!" Sabi pa ni Daddy. Hahahaha! Nagbabalik si Tutoy! Humagikhik ako tapos siningkitan niya ako ng mata. Ayaw niya kasing tinatawag siya no'n.

"Uhm.. Pwede ko po bang hiramin sa inyo yung babygirl niyo? Kakain lang po kami saglit sa labas," sabi ni Jameson bilang ganti niya.

Once She Was a Fangirl | KissWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon