Calliana's POV
Nagising ako nang bigla kong marinig ang sigaw ng aking tiyahin.
"Calliana Zelistine !!!!! Gising naaaa !!! Anong oras na oh" sigaw ni Tita Myra habang niyuyugyog ako.
"Five minutes Tita ! Promise babangon na ako" giit ko
"Hayyy naku namang batang to oh" sabi niya sabay kamot sa ulo
"Sige na nga basta magaagahan ka muna ha bago ka umalis mamaya" sabi pa niya pag katapos umalis na siya at nagtungo na ng sala.
Pag kaalis na pag kaalis ni tita sinubukan ko ng tumayo at sinimulan na ang araw ko ng may ngiti at good vibes na aura.
Pagkatapos kong maghanda ng aking sarili lumabas na ako ng kwarto para saluhan si tita sa agahan.
Tahimik lang kaming kumakain ni tita nang bigla niyang naipaalala ang makakapagpasira ng araw ko!!!
"Zel excited ka na ba sa first day mo??" Sabi niya at tumingin sa akin ng may kislap sa kanyang mga mata pero sa halip na sagutin ko siya sumimangot lang ako.
"Hindi ka ba masaya Zel?? Makakapagaral ka na sa magandang paaralan.""Ehh kasi naman Tita maiiwan ko kayo ni Tito dito, mamimiss ko po kayo😔" katwiran ko naman.
"Mamimiss ka rin nman namin ng Tito Loui mo, tska para rin naman ito sa kinabukasan mo kaya wag ka nang malungkot"
"Alam mo Tita kung hindi lang
talaga maganda ang offer nito hindi talaga ako tutuloy ehh kasi naman alam mong ayaw na ayaw ko makihalubilo sa mga mayayaman, tapos malalayo pa ako sa inyo ni Tito" totoo naman kasi ehh kung hindi lang talaga maganda ang makukuha kong benefit sa school na yun ay hindi ako mag aaral doon, ehh nag kataon lang tlaga na naghihirap kami ngayon ni Tita Myra at Tito Loui kasi kakaretire lang ni Tito sa trabaho niya tapos medyo nalulugi na yung tindahan ni Tita kaya kailangan ko ng Scholarship sa pag aaral , ehh sa lahat ng inapplyan ko na scholarship ito lng na school na ito ang may magandang offer."Alam namin yun Zel, kaya nga nung una di kami pumayag diba pero napagisip isip din namin na makakabuti din yun sa iyo" malungkot na sabi ni tita
"Bisitahin mo nalang kami dito pag Christmas o New Year o kung kailan ka man pwede para di ka na malungkot, tsaka matatawagan mo naman kami diba" sabi niya na medyo nakapag pasaya sa akin.
"Basta siguraduhin mo lang na matataas ang grado mo palagi ha! para naman hindi tayo mapahiya sa mga nag papaaral sayo ha!!" panenermon niya pa.
"Naku tita wag ka magalala :) sisiguraduhin kong gagraduate ako sa school na yun ng Batch Valedictorian ang nakukuha kong parangal" pagmamalaki ko ng may kasama pang confident laugh sa dulo.
"Abay yan talaga ang gusto ko sayo mahal na pamangkin ehhh!!" pamumuri niya with matching proud na proud na boses.
YOU ARE READING
Callarina University
Teen Fiction"The moment they met each other, Both of their worlds changed"