Chapter 4

26.1K 843 144
                                    

Arabella's POV

Friday morning.

"Mmmmmmmm!" Bumangon ako tapos nagunat-unat

YESSS FRIDAY NGAYON WOOOOOOOOOTTTTT

Pagtingin ko sa orasan 5 palang pala eh 7 pa pasukan namin

Tinry ko ulit pumikit pero di na ako makatulog

"Hay makanood na nga lang" sabi ko sa sarili ko

Binuksan ko yung tv namin pero ang papanget ng mga palabas kaya pinatay ko nalang din. Sayang pa sa kuryente


"Maglilinis na nga lang ako ng cabinet ko"

Pagbukas ko ng cabinet ko, nakita ko yung paper bag na fabuloza

Napangiti naman ako kasi naalala ko si bes. Pinagtanggol niya ako kahapon at once in a blue moon ko lang yun naranasan.

Kinuha ko ito at binuksan susukatin ko sana pero nung makita ko yung price tag..









18,000 PESOS?

SERYOSO BA TO

SABI NIYA MURA LANG

EH ANG MAHAL NITO!

PWEDE NA TO PANGTUITION KO SA DATING SCHOOL KO EH BAKA HANGGANG COLLEGE PA

"Ibabalik ko nalang" tinupi ko siya tapos nilagay ko sa bag

Sakto natapos ako maglinis ng 6 am kaya bumaba na ako para kumain

"Oh anak gising ka na pala halika na kumain na tayo" pagaaya sakin ni mama sabay bigay sakin ng plato na may tocino at kanin

Simple lang ang pamumuhay namin kaya di ako nageexpect na engrande yung magiging almusal namin

"Mama si papa?" Tanong ko sakanya

"Ay anak nauna na kanina pa mag bago daw silang project dun daw muna siya tutuloy for 3 days"

"3 daaaaays? Si papa naman eh di manlang nagpaalam. Mamimiss ko kaya siya" sabi ko tapos nagpout

"Hoy manang hindi bagay sayo nagpopout. Panget ka na nga mas lalo ka pang pumapanget" sabi ni kuya habang pisil pisil yung lips ko

:3

"Hmm! Kuya naman eh!" Sabi ko sakanya tapos bigla niyang kinuha tocino ko

Antakaaaaw hmp!

"Akin yun eh!" Sigaw ko sakanya

Siya nga pala si Jaydee Cruz Lopez ang kuya kong pinakamagaling mambully at mangasar sa kapatid. Lagi yan tuwing nagkikita kami inaasar ako. Alam niyo ba nung birthday ko nga last year gusto ko kasi ng nike na sapatos tapos niregaluhan niya ako ng nike

Literal na shoe box nga lang tapos yung laman niya tsinelas

Hindi bagong tsinelas ah? Yung ginagamit kong tsinelas araw araw

Funny diba? Kaya pala hanap ako ng hanap dati kasi favorite ko yun eh

So back sa katangian ni kuya

Mapangasar, matangkad, magalig magbasketball at HEARTTHROB daw siya kaya laging nagfefeeling diyan

"Ts manang ka" sabi niya tapos nagbelat then umakyat sa kwarto niya

Bastusan eh no?



Di ko nalang siya pinansin at kumaim na kami ni mama

"Sige mama thank you po sa masarap na almusal! Magaayos na po ako para pumasok" sabi ko kay mama tapos kiniss ko siya sa cheek then umakyat na ako



Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon