Arabella's POV
Nagising ako ng 8 am dahil nagriring nanaman yung cellphone ko
Ara ang mama mo!
Ano ano ano pong nangyari kay mama? Sino po sila?
Ay hindi na importante iyon! Pumunta ka na dito sa tapat ng bahay niyo dali!
Agad kong ibinaba ang cellphone at tumakbo ako papunta kila mama nang makabangga ako
"Sorry po sorry po" kinuha ko ang mga bitbitin niya ar iniabot sakanya
"San ka pupunta?" Tanong ni Jerome
"Samahan mo ko kailangan ko agad puntahan si mama" pag aya ko sakanya
Agad naman kaming sumakay sa kotse niya
"K-k-kahapon si kuya ngayon naman si m-m-mama *hik* anong nangyayari?" Nanginginig kong tanong ang mga kamay ko ay patuloy na nanginginig
Hinawakan ito ni Jerome at masbinilisan pa niya ang pagddrive
Hindi nagtagal ay bumaba na ako"Babalik muna ako sa ospital" sabi ni Jerome
Nakita kong isinarado niya ang bintana niya
Nagsimula akong maglakad
Tumingin ako kay Jerome
Nakita ko siyang nakahawak sa mukha niya at nakakunot
Nagulat naman ako nang makita kong bigla niyang hinampas ng malakas yung manibela niya bago umalis
Sorry kung nadadamay kita sa problema ko..
Yan nalamang ang naisip ko bago ko makita ang babaeng nasa harap ko
"Ara mabuti at nandito ka na halika" sabi niya
"Tita kayo po yung tumawag? Asan po si mama?" Tanong ko tapos nakita kong nakahiga si mama sa kama
"Hinimatay ang mama mo"
"Ano po bang nangyari?" Tanong ko
"Ang karenderya niyo kasi sinunog at giniba" paliwanag niya
"Ha?? Eh sino naman po ang gagawa nun?" Tanong ko
"Hindi ko alam pero sa pagkakaalam ko ay wala namang utang at kaaway ang mama mo"
"Sige po tatawagan ko po agad si papa" sabi ko tapos tinawagan ko agad si papa wala pang 5 minuto ay dumating na siya
"anong nangyari dito?" Pagod niyang tanong halatang pagod na pagod siyaKinwento namin agad kay papa pagkatapos nun ay pumunta siya kaagad kay mama
"Tita salamat po dahil tinulungan niyo po kami ngayon" sabi ko tapos aabutan ko sana siya ng pambayad
Pero hinawakan niya ang kamay ko gamit ang mga kamay niya
"Ija handa akong tulungan kayo saiyo na iyang pera alam kong maskailangan niyo iyan lalo na't nasa ospital ngayon ang kuya mo isa pa, napamahal nadin kayo saakin" explain niya
Naiyak naman ako
"Titaaaaa *hik* salamat po talaga promise babayaran ko po ito" sabi ko tapos umalis na
BINABASA MO ANG
Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]
Novela Juvenil[COMPLETED] Highest Rank in Teen Fiction #13 🙈💕 Magkaiba ang NOON sa NGAYON kaya alam mo? sayang ka talaga eh. Alam mo kung bakit? Ang swerte mo na kasi sakin kaso pinakawalan mo pa ako. Ayan tuloy NGANGA KA NGAYON Ako nga pala si Arabella Serene...