Prologue

196 11 1
                                    

Karlos' POV


"Lorenzooooooo!" masiglang bati ni Venice sa akin.

Nakangiti ako habang papalapit siya. Aamin na ako sa nararamdaman ko, di ko na kayang itago pa.

Pagharap niya sakin ay niyakap niya ako at agad ding bumitaw.

"May sasabihin ako!" sabay naming sabi.

"Sige. Ikaw na muna" sabay ulit kami.

"Jinx!" sabay naming sabi.

"Jinx again!" sabay ulit naming sabi pero magsasalita pa sana ako nang may dumating na isang lalaki. he called her "babe" napatingin ako sa kanya.

Anong ibig sabihin nito? Masasaktan naba agad ako? di pa ako nagsasabi sa kanya? talo na ba agad ako kahit hindi pa nagsisimula?

"A-ahh. Lorenzo, u-uhm. This is Jack, my boyfriend." sabi ni pat ng nakangiti.

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

"my boyfriend"

"my boyfriend"

"my boyfriend"

Huli ka na, Karlos Lorenzo. Huli ka na dahil 'di na siya pwede.

Parang gusto nang umalis ng mga paa ko pero hindi ko maigalaw.

"Hey, Mr. Ortega. Are you listening?" sabi ni pat at pumitik pikit ng kamay sa tapat ng mukha ko na naging dahilan ng pagbalik ng wisyo ko.

"A-Ahh! Hi, Jack. Nice to meet you, I'm her bestfriend since gradeschool." sabi ko at nakipagshakehands.

"Hi Karlos!" sabi ng boyfriend ni Pat na si Jack. Nginitian ko naman siya at tumingin kay pat saglit sabay iwas ng tingin.

Masakit, sobrang sakit.

Yung malalaman mo nalang na may boyfriend na pala yung mahal mo at sa mismong araw pa kung kailan dapat na aamin ka na.

'Di ko na kaya pang tingnan silang magkasama. Feeling ko, kumikirot ang dibdib ko.

"A-Ah, Pat, una nako. May gagawin pa pala ako" sabi ko.

Nice, Karlos. Ang galing mong magsinungaling. Sige, pagpatuloy mo para makaalis ka na.

Nginitian ko nalang sila. Tumalikod na 'ko at naglakad.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Tumutulo na yung luha ko nang di ko na mamalayan.

Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa balikat ko. Agad kong pinunasan ang pisngi ko bago lingunin ang humawak sa balikat ko.

"T-teka? 'Di ba may sasabihin ka pa?" tanong ni Pat.

"Sasabihin ko lang, Congrats sa inyo... at sa 'kin." sabi ko. Pabulong kong sinabi ang "at sa 'kin."

Nahuhulog na pala ako sayo nang hindi ko alam. Walang kamalay malay na hindi na pala bilang matalik na kaibigan ang nararamdaman ko para sa 'yo.

"Sabay tayong nahulog. Ako, nahulog sayo. Ikaw, nahulog sa kanya" pabulong kong sabi.

Ganun naman talaga diba?

Sa pagmamahal, palaging may isang kawawa. Nagmamahal nang patago, nagmamahal nang hindi alam at patago ring nasasaktan.

"Ano?" tanong ni pat.

Nandito kami sa park kung saan kami unang nagkita. Dito na niya ako naabutan. Sa park kung saan ko unang nakitang may luha ang kanyang mga mata. Sa park kung saan ako nabighani sa kanyang ganda. Sa park kung saan ko unang nakitang may kasama siyang iba at sa park kung saan ako unang nasaktan ng dahil sa kanya.

"Wala haha. Nababaliw ka na, kung ano-ano na ang naririnig mo" sabi ko.

"Pero may sinasabi ka eh." sabi niya.

"Wala, wala akong sasabihin. Kalimutan mo na yun." sabi ko at kunwaring tumawa.

'Di ako halos makatingin sa mata niya.

Para akong babae. Umiiyak sa isang pag ibig haha.

Ang saya lang 'no? mahal mo, may mahal nang iba.

"May problema ba?" tanong niya. 

Oo, meron.

Bakit ang bilis? Bakit ganun? Hindi pa ako nagsasabi pero talo na agad ako. Ang daya mo eh. Libre ngang mahulog pero di mo alam kung mamahalin ka din ba pabalik.

"Wala. Payakap nga, Pat." sabi ko.

'Di ko na napigilang yakapin siya nang mahigpit. Tumulo na naman ang luha ko pero agad ko namang pinunasan iyon at humiwalay sa yakap.

Lorenzo, kalalaki mong tao pero umiiyak ka.

"Okay, sige. Una na 'ko. Hinihintay na kasi ako ni Jack eh. See you nalang sa bahay niyo ni tita mamaya." sabi niya sakin.

Nginitian ko siya.

the bittersweet one...

Manhid ka, Pat. Ang manhid mo, sobra. 'Di mo alam nasasaktan mo na bestfriend mo. Ang bestfriend mong palihim na nagmamahal sayo.

Sana maging masaya ka sa kanya. Sana ito na. Sana ito na yung huling sakit na mararamdaman ko sa 'yo.

"Congrats, Pat. You never failed to hurt me since the day that I fell inlove with you." sabi ko habang nakatingin sa kanya na naglalakad papunta sa taong totoong mahal niya. 

Bagal mo kasi, Lorenzo.

Ayun! nakuha na ng iba. Nakuha na siya ng iba.

Umalis na ako at nagpakalayo layo.



Patricia's POV

1 week passed....

After ng pagpapakilala ko sa boyfriend kong si Jack kay Karlos, hindi ko alam na yun na pala ang huli kong kita sa kanya.

I miss my bestfriend.

I miss my human diary.

Kailan kaba babalik?

Wala na akong natanggap na balita sa kanya. Kahit kina tita, wala akong natanggap na balita tungkol kay Lorenzo. At ang hindi ko alam, ayun na rin pala ang huling pagkikita namin ng buong pamilya ni Lorenzo.

Hindi ko alam ang nangyari. He left me hanging. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari.

Are we still okay?

Pinunasan ko na ang luha ko.

Ang sabi niya sa 'kin, hindi niya ako iiwan. Ang sabi niya sa 'kin, hindi niya ako papaiyakin pero, ano 'tong ginagawa niya?

---


~-~-~×~-~-~-×-~-~-~×~-~-~-×-~-~-~×~-~-~-

Hello, JaDine Fans!
ENJOY READIING!

Ciao!

Free FallWhere stories live. Discover now