Chapter 1

86 5 1
                                    


Karlos Lorenzo's POV




Umalis kami sa bahay. Nadamay ko pa ang pamilya ko sa problema ko.

Nandito ako ngayon, nakaupo sa isang tabi. Nag-iisip ng malalim kung bakit siya pa? Pwede namang ako?


Oo nga pala, nahuli nga pala ako ng dating. Natakot kasi akong mawala ang lahat ng kung anong meron tayo kapag umamin ako, pero ngayon ko lang naisip na kapag nagkaroon ka ng bago ay mawawala ka rin sa 'kin. Mas masakit pa pala ito kaysa sa unang naisip ko. Nasa huli nga ang pagsisisi.



Wag kang mag alala, Pat. Babalik ako. Babalik ako, yung tipong wala na akong nararamdaman sa 'yo. Babalik ako para sa 'yo, para sa bestfriend ko. Nangako ako, ako pa ang unang nangako. Ako rin pala ang unang papako. Sinabi ko sa 'yong walang iwanan pero ako, eto, iniwan ka nang walang palaam.



"Anak, hindi ka pa ba kakain?" tanong sa akin ni mama.

"Hindi, ma!" sagot ko kay mama.

Week have passed, hindi pa ako nakakakain nang maayos.

Isang beses sa isang araw, kung minsan nga ay hindi na ako kumakain.

Hindi ko alam ganto pala magiging epekto mo sakin.

Akala ko, hindi totoo ang sinasabi ng iba, na ang magbestfriend na babae at lalaki ay imposibleng mahulog sa isa't isa.

"Kagabi ka pa di kumakain, anak. Pwede ba akong pumasok?" tanong ni mama.

"Pasok po, Ma." sabi ko.

Ppumasok si mama sa loob at umupo malapit sa headboard ng kama ko.

Sa dami-daming magkakaibigan. Ako pa, ako pa ang nahulog. Yung tipong ako, ako lang pala yung nagmamahal. Mahal mo nga ako pero hanggang kaibigan lang.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni mama.

"Opo, okay lang ako. Malakas ako eh. Anak mo kaya ako." Pabiro kong sabi sa kanya.

Ayokong nakikita ako ni mama na ganito dahil mas masasaktan siya kaysa sa akin.

Pinilit kong magpakatatag pero hindi ko kinaya.

Saan ako kukuha ng lakas?

Kung ang lakas ko ay siyang iniiwasan ko? Life is always unfair.

Kailangan ba akong masaktan ng ganito?

Ganito ba ako kabait para masaktan ng paulit ulit?



"Anak, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Siya, nandun at nasasaktan sa pagalis mo. Hindi ba't nasasaktan ka rin dahil ayaw mo siyang nakikitang nalulungkot lalo na nang dahil sa 'yo? Bakit hindi mo subukang harapin ang consequences ng pag amin mo? Bakit iniwan mo siyang walang alam sa nangyayari sa inyo? Anak, mas mahihirapan ka kung hindi mo pa gagawin 'yan ngayon." sabi ni mama.

Ma, kung alam mo lang kung ilang beses kong sinubukan pero palaging wala sa timing.

Nandyan ang boyfriend niya. Ano pa ang laban ko? Kaibigan lang naman ako.



"Just one more week, ma. One more week para paghilumin ko 'tong sakit na nararamdaman ko." sabi ko kay mama.

Tumayo na ako at ganun din si mama. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti.

One week. One week lang ang kailangan ko. Babalik na ako, pat. Alam kong di mo agad ako mapapatawad pero sana hindi iyon magtagal dahil masakit isipin na may sama ka ng loob sa akin pero kasalanan ko naman to eh. 'Di kita masisisi.



Free FallWhere stories live. Discover now