*Love Bug*08>>Bestfriend's Quarrel<<

185 2 0
                                    

Kinabukasan...

Hayy..salamat Cassy! Pumasok ka na rin! Pagagalitan ko pa tong babaeng to, kaya pala hindi sinasagot yung mga tawag ko kay may kalandiang lalake! Grrrrrr!!!

"Hoy Cassy G. Myurra!"

"Princess!! >.<"

Yayakapin na sana ako ni Cassy kaso..

"Hep! Hep! Hep!"

Namewang ako at tinuro ko siya.

"Bakit hindi mo sakin sinabi na may boyfriend ka na pala ha?!"

"Uh..hehe.."

"Kaya pala hindi mo sinasagot mga tawag ko sayo dahil nakikipagharutan ka dun sa kung sino mang lalaki yun!? Mas inuuna mo pa siya kesa sakin!? Sa sarili mong bestfriend!?"

"Ha!? Tumawag ka ba sakin nakaraan!?"

"Oo!"

"Tumawag ka pala!?"

"Oo nga! Ulet-ulet!?"

"Shungaa ka, Princess! Eh sira yung cellphone ko eh! Tunge!"

"Ha!? Sira!? Eh kabibili mo lang ng cellphone diba dahil nasira yung luma ngayon sira nanaman!?"

"Uo!"

And then, I suddenly felt it. Blood inside my body rising. And it's the rising blood of anger!

"Hay nako, Cas! ANG BURARA MO NAMAN! Pano na lang kung emergency yung tawag ko sayo, edi ngayon patay nako?!"

"Eh malay ko ba!"

"Tapos hindi ka pa masyadong pumapasok! Ano!? Masyado ka nang busy dyan sa lalake mo!? Inuuna mo pa sya kesa sakin!? Kesa sa school mo??"

"Cess! Ano bang pinagsasabi mo!?"

"Cassy!! ANG LANDI MO!! ANG LANDI LANDI MO!!"

Sobrang lakas ng pagkasabi ko duon banda, eh kanina pa kaya kami nagsisigawan. I..I just lost it. I lost my temper! Eh kasi naman tong babaeng to! Parang wala na ako sa buhay niya kung umasta siya at balewalain na lang ako! Ang tagal-tagal na naming bestfriends ngayon niya lang ginawa sakin to!

Nagtinginan lahat ng mga tao samin..

*SLAP*

Hinawakan ko yung kaliwang pisngi ko, pakiramdam ko namula, ang sakit ng sampal niya, parang suntok,napaiyak ako, bakit ko nga ba sinabing malandi siya? Bakit? Did I oversaid things? Hindi ba totoo? May tumulong luha mula sa mga mata ko, ang sakit talaga. Pisikal at emosyonal.

"Raiz!"

Agad akong niyakap ni Andrea.

"What happened!?"

Hindi nagsasalita si Cassy, ako umiiyak lang.

"Hey! You, Cassy! Bakit mo sinampal si Raiz!? Raiz, let's go! Umalis na tayo dito."

Pakiramdam ko naging statwa ako..inalalayan na lang ako ni Andrea sa paglalakad, pakiramdam ko kasi,pag naglakad ako, matutumba ako.

"I hate you...Cassy.."








Itutuloy....

*************

Love BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon