*Love Bug* 09 >>Secret Hugger<<

188 2 1
                                    

"Raiz, ano ba kasing nangyari?"

Umiiyak pa rin ako, sinabi ko na kay Andrea lahat ng nangyari..pati ang puno't dulo ng pinag-awayan namin ni Cassy.

"Kasalanan niya naman pala eh..tsk. " Sabi sakin ni Andrea. Hindi na lang ako umimik.

"Oh! 12:30 na! I gotta go!" Pagtayo niya.

"San ka punta, Andrea?" Nabiglang tanong ko.

"There's a lunch fellowship ngayon sa church namin, gusto mo sumama?"

"Ah..wag na. Hehe." Matamlay kong sagot.

"Ok..so..pano yan? Wala kang kasama dito? Ok lang ba yun sayo?"

"Oo naman. Wag ka nang mag-alala sa akin." Then ngumiti ako sakanya, para assurance na okey lang talaga ako.

She smiled back at me naman.

"Raiz, namamaga yung kaliwang pisngi mo, oh! Kailan pa yan? Ngayon ko lang napansin, ah."

"Ok lang yan. Naku, Andrea, mauna ka na, ayos lang ako dito."

"Sure ka ha? You know, I feel sorry for you talaga..sige..bye..careful ka dito ha." Ngumiti siya sakin then umalis na. Tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko..papasok na ako ng room, wala akong pakialam kung pagtinginan man nila ako, ang mahalaga, nag-aaral ako.

Habang naglalakad ako..nasalubong ko sina Iva, Kathleen, at Sophie..Binangga ako ni Kathleen ng malakas. Natumba ako agad,nanghihina pa rin kasi ako.

"Oh, poor little Princess.." -Kathleen.

"Wala na ngang Cassy, wala na ngang Jayson, pinahiya pa ni Stephen..huhu.." Sabi sakin ni Sophie na nang-iinis.

Nung narinig ko yun..naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko. Naramdaman ko yung sakit, na mag-isa ka na lang at walang lalaban para sayo. Tama nga sila. Kaya na nilang gawin sakin lahat ngayon dahil wala nang magliligtas sakin. Wala na akong kakampi.

Nakabagsak pa rin ako sa lupa,umiiyak.

"So, pano ba yan, pwede na naming gawin sayo lahat ngayon,WALA ka nang Saviourrr!" Nanggagaliting sabi sakin ni Kathleen.

"MAKIKITA MO ANG BANGIS NAMIN NGAYON NA MATAGAL NA NAMING TINATAGO!" -Sophie

"Tama na, please." Pagmamakaawa ko sa kanila, sinubukan kong tumayo, pero binagsak ako ni Iva gamit yung paa niya.

Binangon naman ako ni Kathleen gamit sa paghila niya sa buhok ko..Crud! Ang sakit!

"Araay ko...tama na..!" Umiiyak na pagmamakaawa ko..Someone! Tulungan niyo po ako. Hindi ko alam kung mga tao pa ba o demonyo tong kayang gumawa nito!

"Awww..namamaga ang pisngi ni baby Princess..gusto mo paduguin naman namin??" -Kathleen.

"Princess, alam mo ba? Sa huling school na pinasukan namin, may isang babae doong sobrang kinaiinisan din namin.We gave her a lesson, the hard way... at simula nun, hindi na namin siya nakita pa. Maybe, for sure, she got freaaakin' scared..for her life. Because, we almost got hers. Sa bangis namin, kaya naming pumatay ng tao..hindi kami MABABANGIS for just nothing..we're WILDER than LIONS.."

Bulong naman sakin ni Kathleen.

Bumilis yung tibok ng puso ko sa kwentong binitiwan niya. Feeling ko,sa mga salita't kilos nila, kaya talaga nila akong patayin.

"Tama na please, ayoko.." Iyak ko sa kanila.

Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ko. Hindi ko talaga alam kung anong mabigat na kasalanan ba ang ginawa ko sa kanila para magalit sila sa akin ng ganito.

Pinikit ko yung mga mata ko. Naramdaman ko, binitawan na yung buhok ko, tapos may yumakap sa akin. He smelled like a guy.

Kahit nakapikit ako. I don't know why, but I felt safe...on these arms.

Minulat ko yung mga mata ko. Pagtingin ko, nakabagsak na sa lupa sina Iva, Kathleen, at Sophie.

At pagtalikod ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakilala ko.

Itutuloy..

***********

A/N:Kyaaaaa~~nakikilig ako.. >.< Sino kaya yung mysterious  guy na yung yumakap kay Princess?? :"D

Love BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon