Pagtalikod ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakilala ko.
"J..Jayson?"
Binitawan niya naman ako agad, oo,galit pa rin nga siya.
"Ano? Yan ba ang tawag niyo sa sarili niyo!? Mabangis?! Parang nilapitan ko lang kayo nagsipagtumbahan na kayo. Pasalamat kayo dahil mga babae kayo, ah! Kundi, pambubugbugin ko talaga kayo! .." Naiinis na sabi ni Jayson sa kanila.
"Saktan niyo pa ulit siya! And I'll show you how I deal with girls like you." Pagbabanta ni Jayson sa kanila.
"J-Jayson...l-let's go Girls!" Halatang kinakabahan sila kay Jayson..bakit kaya? Kala ko ba mababangis sila? Pero, mabuti na yung may kinatatakutan sila, kesa wala.
Tumayo agad silang tatlo at nagsitakbuhan paalis.
"S..salamat Jayson.." Alam kong narinig niya yung sinabi ko, pero di niya ako pinansin. Naglakad lang siya paalis.
Hinabol ko siya at hinawakan nang mahigpit ang braso niya, umiiyak ako.
"Jayson, sorry, please! Wag ka nang magalit sa akin! Tama nga yung sinabi mo, na puro mali lang yung nakikita ko sayo, hindi ko na na-aappreciate yung mga magagandang bagay na ginawa mo para sakin, Jayson. Sorry, sorry.."
Sobrang higpit ng pagkapit ko sakanya. Sobra ding iyak ko,nagkaroon din ng ilang segundo ng katahimikan, at umimik na rin siya.
Humarap siya sakin, tinanggal ko na yung pagkakahawak ko sa braso niya.
"Sinong nanakit sayo? Ba't namamaga yang pisngi mo?"
Sabi niya ng paseryoso.
"W..wala.."
Nagulat ako nang bigla niya kong niyakap. May naramdaman ako bigla. Huh? Umiiyak ba siya?
"Sorry,Princess, hindi man lang kita kayang ipagtanggol.."
"A-ano bang sinasabi mo? Naipagtanggol mo kaya ako kanina mula kina Kathleen.."
Bumitaw na rin siya sa pagkakayakap niya sakin, at hinawakan niya ako sa kamay. Namumula yung mga mata niya. Bakit..bakit naman siya iiyak dahil doon lang?
"Halika, lagyan natin ng ice yang kaliwang pisngi mo! Ang pangit mo kasi tingnan, Dora.." Nakita kong ngumisi siya.
Tsk. Ang kulit niya talaga.
Kala ko titigilan niya na ako sa pang-aasar niyang yan! Aish! Grrrrrrrr.
Pagkatapos niyang lagyan ng ice saglit yung namamaga kong pisngi,dumiretso na kami sa room...sakto,kaka-start lang..as in kaka-start lang.Umupo agad kami ni Jayson. Ang sama ng tingin samin ng mga babae, lalo na yung Triplets. Nanggagalaiti talaga sila! Hindi sila makaget-over kanina? At bakit ba nila binibigyan ng malisya kaming dalawa ni Jayson? Ha? Pero, ang gaan na sa pakiramdam kasi nagkaayos na kami ni Jayson.
Nakita ko, andun din si Cassy. Hindi niya ko pinapansin, hindi ko rin siya pinapansin..bahala siya..I hate her na. Si Andrea na ang bago kong bestfriend. Hindi ko na kasi nararamdaman na may friendship pa kaming dalawa nitong si Cassy..
Si Stephen andun rin..ayoko siyang titigan, may galit ako dun..
Si Andrea wala..remember? May Lunch Fellowship raw dun sa church nila, for sure maya pa yun babalik dito sa school.
"Dora, Dora.."tawag sakin ni Jayson na pabulong.
Ay, hinampas ko nga siya ng malakas!
"Nang-iinis ka? Nang-iinis ka!?"
BINABASA MO ANG
Love Bug
RomancePaano kung DALAWA ang taong mahal mo? Pano ka nga ba makakapili kung dalawa silang matimbang sa puso mo? Hindi mo alam kung sinong pipiliin mo dahil baka magsisi ka at sabihin mo na sana yung isa na lang ang pinili mo. Read this Love-Comedy Story w...