Make Him Fall Inlove •3•

146 3 2
                                    

Kahit pa hindi pa siya nakakamove-on sa inis dahil sa nang yari kahapon ay inihanda na niya ang sarili para sa araw na ito. Dahil ito ang araw ng move number 3 niya.

OPERATION: MAKE DEAN FALL FOR ME!

Sinabi niya sa sarili niya na kapag ito ay hindi pa gumana at kapag ito ay hindi pa naging dahilan upang mapansin siya ni Dean ay susuko na siya. Naisip niya na kapag hindi pa ito gumana ay malamang na hindi para sakanya ang lalaki.

Bumilis agad ang pag-tibok ng puso niya nang makita ang lalaki na pumasok sa loob ng silid-aralan nila tsaka ito umupo sa sariling upuan. Kahit na walang ginagawa ang lalaki ay parang napaka-cool nito sa paningin niya.

Kailangan na niyang simulan ang kanyang plano.

Pumangalumbaba siya sa armchair niya then started staring at him. Yes! Ito ang pinaplano niya, ang titigan ang binata!

Ang sabi kasi sa research niya ay kailangan niya daw titigan ang kaniyang minamahal upang mahulog ito sakanya. May narinig din siya sa na ang mga mata ang daan patungo sa puso ng minamahal. Ang corney pero naniwala nalang siya.

Tsaka nais din niya namang titigan ang napakakisig na lalaking ito.

Hindi siya napansin ni Dean noong una dahil abala ito sa kung saan. Maya-maya'y kinalabit na ng isa sa kaklase nila ang binata tsaka siya tinuro. Ito yata ang nakapansin sa pagtitigniya sa lalaki.

Agad na nadagdagan ang pag bilis ng puso niya nang mag-tama ang mga mata nila ng kanyang lubos na hinahangaan. Napaisip nalang siya kung ganoon din ba ang nararamdaman ng binata.

Ngunit nasagot ang tanong niya nang mag-iwas agad ng tingin ang lalaki pagkatapos ng limang sigundo. Parang walang nang-yari. Malamang ay wala ngang naramdaman na spark ang binata gaya ng nararamdaman niya.

Ouch yun ah! Pero hindi pa ako pwedeng sumuko. Hindi ako susuko hangga't hindi natatapos ang araw na ito!

---

Buong araw siyang nakatitig kay Dean. Wala na siyang pakialam kung napapansin na ito ng kanyang mga kaklase.

Kung minsan ay napapatingin din sakanya ang binata ngunit agad din na umiiwas ng tingin at parang walang nakita.

"psst, may gusto ka ba kay Dean?" classmate1

"Oo nga! Kanina ka pa namin nakikitang nakatitig sakanya e" classmate2

"nakuuu! Kahit may gusto din ako kay Dean, mas gusto ko nang kayo ang magkatuluyan kaysa sa mga babaeng makakapal ang make up na mukha namang mga clown!" classmate3

"sabagay, bagay nga sila eh. May nakikita akong chemistry sakanila kahit hindi sila nagpapansinan"classmate1

Pinapaasa nila siya! Mabuti pa sila ay may nakikitang chemistry sakanilang dalawa ngunit ang binata ay wala!

*kriiiing-kriiiiing*

Para siyang nanlumo nang marinig niya ang bell. Uwian na, hudyat na dapat na niyang tapusin ang nararamdaman niya para sa kanyang gusto.

Ilang minuto pa ang lumipat at wala nang tao sa loob ng kanilang silid... Sila nalang dalawa ni Dean ang nasa loob. Hindi niya batid kung bakit nasa loob pa ang binata, ang tanging alam niya lang ay ayaw gumalaw ng mga paa niya.

Muli niyang tinignan ang binata ngunit nakatitig lang ito sa kawalan, tila ba malalim ang iniisip. Maya-maya'y tumayo na si Dean at naglakad palabas ng silid.

Guess...It's the end

Natapos na ang araw pero hindi pa din niya siya napapansin... Siguro nga ay napaoansin siya ng binata--- ngunit hindi siya nito ginugusto na pansinin.

Siguro para sa binata ay katulad lang siya ng napakaraming babae na humahanga sakanya. Wala siyang pinagkaiba sakanila. Katulad lang siya ng mga ito.

Ang akala ng iba ay napaka swerte niya dahil halos nasakanya na ang lahat... Ngunit mali sila dahil wala sakanya ang lalaking gusto niya. Sa dinami-rami ng lalaking humahanga sakanya ay doon pa siya sa lalaking hindi siya kailanman napansin nagkagusto.

Bakit ba ganito ang mundo? Kung sino pa ang ginusto mo, iyon pa ang ayaw sayo.

Siguro nga dapat na sumuko na siya. Dapat na lumayo na siya. Sana magawa na niyang kalimutan siya.

Umaasa lang sayo (A SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon