Make Him Fall Inlove •1•

441 8 3
                                    

"Ayan nanaman! Ang dami mo nanamang regalo galing sa mga manliligaw mo! Haha"

"ayoko naaaa! Alis na nga tayo. Nakakainggit"

"ang ganda mo kasi e" pag-puna sakanya ng kaniyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa sila kapag may nagbibigay sakanya ng mga regalo. Palibhasa'y sila lang naman ang nakikinabang sa mga bagay na ibinibigay sakanya.

"maganda? San banda? Sa likod? Psssh! Ewan ko ba kung bakit may mga nagkakagusto pa sakin." Inis na turan niya.

"maganda ka nga kasi, girl. Bakit ba kasi panget na panget ka sa sarili mo? Look how gorgeous you are!"

"O sige. Let's just say na maganda nga ako... pero yun ba yung basehan para magustuhan nila ako? What if one day I lose my beauty, what if I became ugly? Edi ano na? Wala na? The forgotten girl nalang ganun? Aargh! Nakakabadtrip talaga kapag nalalaman kong may nagkakagusto sakin dahil lang sa hitsura ko"

"It's not just because of your looks. Look deeper inside you! You are kind tapos mahinhin kapa! Nakuuu! Kung lalaki nga lang siguro ako magkakagusto din ako sayo. Pero buti nalang at hindi. Yuck kayaaaaa" nais niya pang sumagot upang ipag-laban sana ang ikinapuputok ng butsi niya nang bigla siyang ma-stiff sa kinatatayuan niya.

Si Dean. Isang sikat na lalaki katulad niya. Biglang nag-bago ang mood niya nang dahil lang sa pag daan ng ultimate crush niya sa harap niya. Sinubukan niya pang amuyin ang pabangong naiwan sa ilong niya.

Haaay. Talaga namang nakakahanga ang 'sang niya!

Isa siyang sikat na babae ngunit tila nagiging normal siya kapag si Dean na ang pinag uusapan. Tila nagiging isa na siya sa mga nagkakandarapang kababaihan na nagpupumilit na mapansin ng binata. Pareho silang sikat ngunit nihindi manlang siya pinagtutuunan ng pansin ng lalaki.

Mas lalong lumalim ang paghanga niya sa binata nang makita at marinig niya ang pagsigaw nito sa babaeng lumapit sakanya. Kakaiba siya! Tanging nasambit ng kanyang isipan. Kahanga-hanga talaga ang binata dahil hindi ito tulad ng iba na nagte-take advantage kapag nalaman na may isang binibining nagkakagusto sakanya.

(warning: wag hayaang mairita si mr. Dean  Acosta)

Kapilyahan ang pumasok sa isip niya. Hindi maaaring iritahin ang isang Dean Acosta kung kaya't ito ang gagawin niya.

Naguguluhan ba kayo? Ang sabi kanina ay isa siyang mahinhin na babae, tama naman ito. Mahinhin siya ngunit nag-iiba ito pag dating sa lalaking lubos niyang hinahangaan. Kaya niyang magpapansin dito ng paulit-ulit para lang matuon sakanya ang tingin nito.

Nagpaalam na siya sa mga kaibigan tsaka tumakbo papuntang locker room. Alam niya kung nasaan ang locker ni Dean dahil madalas niya itong pagmasdan habang abala ang binata sa pagkuha ng gamit niya sa locker. Nang mahanap niya ang locker ng binata ay agad niyang nilusot ang isang papel. Papel na kanyang isinulat mula sa kaniyang puso, at buong pagmamahal.

Kinakabahan man ay tinuloy niya pa din ang plano. Buo na ang kanyang loob. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para mapansin ng isang Dean Acosta.

Umaasa lang sayo (A SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon