Make Him Fall Inlove •2

169 7 1
                                    

*kriiing-kriiiing*

Tumunog na ang huling bell para sa uwian. Nagsi-tayo na ang karamihan sa mga kaklase niya ngunit siya ay nanatiling nakaupo. Pinagmasdan niya ang binata mula sa kinauupuan niya. Maswerte siya at naging kaklase niya ang lalaking kanyang hinahangaan.

Nataranta siya nang mapansing tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan nito habang hawak ang napakaraming mga mga papel. Sa tingin niya ay mga love letters ang mga ito.

Hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari. Tila bumagal ang pag hakbang ng lalaki sa paningin niya habang ito ay patungo sa isang basurahan. At boom! Tsaka niya lang narealize na tinapon na pala ng binata ang mga love letters na binigay ng mga taga hanga niya. At malamang ay kasama doon ang love letter na nilagay niya sa locker ng lalaki.

Nang makalabas na ang binata sa silid-aralan ay agad siyang tumakbo patungo sa basurahan kung saan naroroon ang kawawang mga papel. Hindi siya makapaniwalang tinapon lang ng lalaki ang napakaraming love letters na iyon, parang tinapon na rin niya ang pagmamahal na ibinigay sakanya ng mga babaeng nagmamahal sakanya...

At kasama na siya doon.

Kung ganon ay napupunta lang pala sa wala ang pag-iipon ng lakas ng loob ng mga humahanga sa lalaki para lang maibigay ang isang sulat na iyon. Nag sasayang lang din ng tinta ng ballpen ang mga kababaihan!

Kung hindi nga lang sana kasama ang love letter niya sa tinapon ni Dean ay wala siya pakialam dito. Pero hindi! Malamang ay kasama sa tinapon ng binata ang love letter niya kaya isa siya sa nasayang ang tinta ng ballpen.

Dibale-- hindi pa huli ang lahat. Hindi ako susuko hangga't may nararamdaman pa ako para kay Dean. Mag-iisip pa ako ng iba pang paraan.

-------------

Kinabukasan

Maaga siyang pumasok para gawin ang pinaplano niyang move number 2. Siya palang ang tao sa loob ng silid-aralan kaya naman ginawa niya agad ang kanyang plano.

Idinikit niya ang maliliit na sticky note sa desk ng kanyang hinahangaan. Nakasulat rito ang nararamdaman niya para sa lalaki. Wala siyang pakialam kung mabasa ito ng buong klase dahil lantad na lantad talaga ang nakasaan dito. Malakas ang loob niya dahil hindi naman niya sinulat ang pangalan niya sa papel kaya malaki ang posibilidad na hindi agad mapansin ng mga kakpase niya ang nakasulat dito.

Pagkatapos niyang gawin ang kanyang misyon ay lumabas agad siya ng sili-aralan upang hindi mahalata na siya ang naglagay ng sticky note sa upuan ni Dean. Limang minuto bago magsimula ang klase nang maisipan niyang pumasok sa silid. Halos makumpleto na silang magkakaklase, napansin niya din na marami na ang nagkukumpulan sa paligid ng upuan ni Dean... Kung saan naroroon ang sticky note na kanyang nilagay.

Pero nang siya ay mapatingin sa upuan sa bandang unahan ay naroroon si Dean. WALA SIYA SA UPUAN KUNG NASAAN ANG STICKY NOTE NA NILAGAY NIYA. Tsaka niya lang naalala na iba pala ang naka schedule na sa first subject kaya iba rin ang seating arrangement nila.

Sinilip niya kung sino ang nakaupo sa upuan ni Dean. At halos gumuho ang mundo niya nang malaman na ito ay si Kalbo. Siya ang pinaka-feelingero sa section nila.

FEELING matalino
FEELING pogi
FEELING macho!
Basta! Lahat na ng feeling ay nasa kanya na!

"oh! Pano ba yan mga Tol! May secret admirer na ko. Ang gwapo ko kasi eh! Hindi makapag hintay yung chicks sakin! Liligawan ko nalang siya kapag nagkita kami! BWAHAHA" Pag katapos niyang sabihin iyon ay nag macho pose pa siya.

Grabe! Gusto ko siyang batuhin ng bag ko. Waaaaah!! DEAN NAMAN KASI EH! bakit ba hindi mo sinabi na hindi ka pala uupo sa upuan mo?

Tinignan niya sa Dean... Napapangiti ang binata habang pinakikinggang ang mga sinasabi ni kalbo. Oo na! Lalo na siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya... Pero wala si sa mood mamangha sa binata ngayon dahil sa pumalpak nanaman ang plano niya!

Umaasa lang sayo (A SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon