Angel's POV
Grabe ilang linggo ng di tumatawag si merainne,ibabalita ko pa naman sana sakanya na kapangalan niya yung isa sa member ng bagong ni-release na girl group ng BigHit na ASPIRE
Angel, Danielle! Dali may bagong post ang 1theK Official sa youtube!" Dali dali kaming pumunta kay aurora at tiningnan yung bagong post na video sa youtube
I need you dance cover by ASPIRE
Kinlick agad ni aurora yung video at halos lumuwa ang mga mata namin ng makita naming kamukha ni merainne yung isang member nila
Tawagan mo si rainne! Mamaya siya na pala yan!" Tinanguan ko sila tsaka ko kinuha sa bulsa ko ang cellphone at tinawagan ko kaagad si merainne
Calling Merainne...
Nakangiti kaming lahat habang nag ri-ring yung telepono pero parang pinagbagsakan kami ng langit at lupa ng pinatay ni merainne iyon
May problema ba siya? Gusto niya ba mapag isa? Hindi niya naman siguro kami iiwan diba?
Tinawagan ko ulit siya at sa pangalawang beses ay pinatay niya ulit ito, galit ba siya samen? Mangiyak ngiyak na hinawakan ni danielle yung cellphone ko at tinawagan niya ulit si merainne,nakahinga kami ng maluwag at agad na kinamusta si merainne
Rainne akala namin galit ka sa---
Pwede ba! Busy ako wag niyo na akong tawagan!" Bigla nalang kaming naiyak ng sabihin samen ni merainne yun, ano bang nangyayare sakanya? Ayaw niya na ba samen?
Merainne's POV
Dalawang beses akong tinawagan ni angel at pinapatay ko lang ito, di ko pa kaya, mas lalo lang akong nasasaktan kapag makikita,maalala o kung ano man ang maalala ko na konektado sakanila
Tumunog ulit ang cellphone ko at tumawag ulit sila ng pangatlong beses na, pinahid ko muna ang luha ko tsaka ko sinagot ang tawag nila
Rainne akala namin galit ka sa----" Pinutol ko na ang sinabi ni danielle at sinigawan ko na siya, ang saket.
Pwede ba!Busy ako wag niyo na akong tawagan!" Binitawan ko ang cellphone ko atsaka ako nagtago sa ilalim ng kumot,walang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak
Sila ang tumanggap saken, sila ang tinuring akong parang isang kapamilya, sila ang naging kasangga ko, sila ang kasama ko sa lahat. Ang tanga tanga ko, ang tanga tanga ko na iniwan ko sila at ipinagpalit sa career ko
Big Hit o Kaibigan
Naiyak nanaman ako at hinayaan kong makatulog ako
Courtney's POV
Nandito kami sa tapat ng kwarto ni Merainne at rinig na rinig namin na may kinausap siya at sinigawan niya yun, papasok na sana kami ni Rich Ann unnie ng narinig namin siyang umiiyak.Hinayaan na muna namin siya at maya maya ay tumahimik na rin siya, dun na namin naiisipan ni Rich ann unnie na pumasok
Makalat ang kwrato niya at ang magandang mata niya ay nawala at naging namamagang mata, hawak hawak niya ng isang maliit na picture at kinuha iyon ni Rich ann
Sila ba yung kaibigan ni rainne?" Tanong ni Rich Ann unnie saaken, umiiling ako kaagad dahil diko naman kilala ang mga kaibigan niya
Gigisingin ba natin siya? Kailangan na tayo sa Big Hit" Sabi ko at umiling naman kaagad si Rich ann unnie,ngayon kasi yung mag ko-cover kami ng kanta para maipaalam na din ni Bang PD Nim ang mga posisyin namin
Nataranta kami ng gumalaw si merainne at mabilisan kaming nagtago sa gilid ng kama niya
Lumabas na kayo diyan unnie" Basag yung boses niya kaya panigurado kaming hindi na matutuloy iyong pagkanta namin ngayon dahil kulang kami ng isa
A-ahhmm sorry rainne,pinuntahan ka lang namin dito kasi nga diba ngayon tayo mag ko-cover ng kanta? hehe" Tumakbo si rainne sa kusina at uminom ng uminom ng tubig?
Grabeng pag iyak yan rainne ah, nauubos ba lahat ng tubig sa katawan mo kaya ganyan ka kauhaw?" Tumawa siya ng mahina atsaka umiling
Para maayos yung boses ko mamaya, hindi ko naman kayo pwedeng idamay sa ka-dramahan ko" Napaka bait niya talaga,sigurado akong magiging close kami nito, ang bait ko kasi eh
Tara na! mag ayos kana at isang oras nalang pupunta na tayo sa Big Hit" Hinila namin si rainne at saka siya nag ayos ng sarili, ang ganda niya talaga nakaka tomboy!😂
Yoongi's POV
Grabe pagod na pagod na ako! Miss na miss ko na si mareng kama. Bakit ba kasi sinama pa ako ng mga unggoy na to sa pag gagala nila
Omayghad! Iyan na ba ang dagat?!" Binatukan ni jimin si V
Tungaw swimming pool yan!" Nagtawanan sila, maliban saken syempre kasi baka mawalan ako ng Swaeg!
Uy gilagid-- este yoongi,kanina ka pa hikab ng hikab ah nanood ka nanaman ba kagabi" Binatukan ko si pandak--este jimin
Tulad mo ko sayo!" Nag pout siya kaya nairita ako at kumuha ng bato at binato sa kanya
Yoongi-lagid--este hyung! Maliit na nga yan pinapaliit mo pa!-V
Atleast di malaki ilong!" Tinignan ni jimin si jungkook sabay ngisi
Atleast di badjao!" Tinignan naman ni kookie si namjoon na kasalukuyang nagsusulat habang naglalakad
Ako tigil tigilan niyo ah! Baka gusto niyong baliin ko leeg niyo!" Nanahimik naman sila kaya napangiti ako at akmang uupo na at matutulog kaso
Kyaaahh may birdie! Ang laki!" Kailan ba tatahimik to? Please naman antok na antok pa ako!
Third Person's POV
Tumakbo si V sa isang statwa ng angry bird at sumakay dun,nakisali na rin sina jimin at jungkook sa kabaliwan ng isa nilang ka member
Kailan ba titino yang mga yan?" Saad ni jin kela suga,j-hope at namjoon
Wag mo sabihing kailan, dapat ang itanong mo kung TITINO PA BA YAN?" Nagtawanan sila namjoon at tiningnan ang tatlong maknae na kasalukuyang naglalaro ng Pak Ganern
Tumayo na si J-hope at hindi nakatiis at tumakbo palapit sa tatlong maknae
Yah may kabayong papalapit satin! Takboooo" Nag habulan sila j-hope, jimin, jungkook at V, samantalang naglalambigan naman si Jin at Namjoon at si Suga ay natutulog na
Ayoko na!" Napa upo si j-hope at tumabi sakanya sila jimin na hingal na hingal
Uy si pinocchio!" Sigaw ni jimin at tinuro ang isang statwa ni pinocchio
Nang iinsulto ka ba?" Tanong ni jungkook kay jimin na kasalukuyan tumayo at tumakbo palayo
Natamaan ka naman? HAHAHA" Nag habulan si jimin at jungkook at naiwan naman si V at j-hope na naka upo sa damo
Hihiga na sana si V sa binti ni j-hope ng tinanggal niya ito
Pahigaaa!" Tinanggal ulit ni j-hope ang ulo ni V sa pagkakahiga sakanya at tumayo
Huy kabayo pahiga!" Nag habulan na din si j-hope at V kaya naman nagising si Suga at binato sila
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
**************[A:N]Okay ang sabaw ng update ko HAHAHA nabitin ako sa hwarang!😭
Vote and Comment po.KAMSA😍😘
![](https://img.wattpad.com/cover/91495646-288-k857818.jpg)