Aria
Napabalikwas ako ng bangon pagkarinig ko sa alarm clock ko. Naupo muna ako sa kama ko at tumingin sa orasan kung anong oras na 9:30am na pala. Kailangan ko ng kumilos at baka ma-late pa ako. Tumayo na ako at iniligpit ko muna ang hinigaan ko. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Binilisan ko lang maligo at nagbihis na. Nang matapos ako ay nagtungo na ako sa kusina upang magluto ng umagahan ko. Tumingin ako sa wall clock ko sa kusina pagkapasok ko 10:12am na at 11:30am ang pasok niya. Makapagluto na nga. Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako. Mamaya ko na ito huhugasan nagtungo na ako sa sala ko at kinuha ko ang pouch ko at nag lagay ng baby powder sa mukha ko at lip gloss sa labi ko nang matapos ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko at ni-lock ko na ang pintuan.
"Nanay Lory! Aalis na po ako." sigaw ko habang naglalakad palabas ng gate.
"Mag-iingat ka anak!" sigaw din nito sa kanya. Nilingon ko si Nanay Lory at nakita ko itong nakatayo sa tapat ng mga halamanan nito. Late na ata itong nagising dahil ngayon palang ito nagdidilig sa mga halaman nito.
Si Nanay Lory ang may ari ng tinutuluyan niyang apartment. Magta-tatlong taon na siyang nakatira doon kaya malapit na sila sa isa't isa. Naalala niya tuloy ang Nanay niya. Nang makalabas ako ng gate ay nag abang na ako ng jeep. Tumingin muna ako sa relo ko 11:18am na pala. Sumakay na ako sa jeep ng may huminto sa harapan ko.
Haven's Coffee Shop
Sa backdoor na ako dumaan hindi pa naman ako late. Nadatnan ko si Alianna na nakasimangot. 9:00am ang pasok ni Alianna at kaya siguro ito nakasimangot ay dahil sa damit ng costumers sa loob base sa nakita niya kanina. Nagtungo siya sa locker at inilagay yong bag niya at nagpalit ng damit pang trabaho.
"Nandito kana pala." ngumiti ito sa kanya. Biglang simangot ulit.
"Bakit nakasimangot ka?" tanong niya dito.
"Nakakainis kasi... Ang arte ng babae kanina." Sanay na naman ako sa mga ganoong uri ng mga bumubili sa coffee shop. Si Alianna lang ang hindi baka dahil sa bago pa ito sa trabaho.
"Masasanay ka rin. Sige pasok na ako sa loob ah. Time ko na." ngumiti ako dito at naglakad palabas.
Nagtungo ako sa counter upang malaman ko kung anong gagawin ko.
"Good morning, Ma'am Maggie." bati ko sa manager namin at ngumiti naman ito sa kanya.
"Aria, ibigay mo nga muna to sa table 7." Abot nito sa kanya ng tray na naglalaman ng black coffee at chocolate Oreo cheese cake. Inabot naman niya ang tray at naglakad na papunta sa table 7. Nang medyo malapit na siya sa table 7 ay naaninag niya ang isang babae na busy sa cellphone nito.
"Here's your black coffee with Chocolate Oreo Cheese Cake, Ma'am." Nilapag niya ito sa mesa at akmang tatalikod na ng bigla itong magsalita.
"Gosh! Its you, Ate!" Napanganga naman siya dito dahil nakatayo narin ito at hawak siya sa magkabilang balikat niya. Nagulat naman siya ng bigla itong yumakap sa kanya.
"I miss you so much. Even mom and dad misses you too." Nakayakap parin ito sa kanya. Nahimasmasan na siya sa pagkabigla kanina kaya medyo lumayo siya dito.
"Excuse me, Ma'am." may distansya na sa kanilang dalawa. "May trabaho pa po ako." Tumalikod na siya at naglakad palayo dito.
"C'mon ate! Don't play hide and seek with us. You won. Just please go home." Napalingon siya ng medyo sumigaw ito sa kanya. Pagkakaalam niya ay wala siyang kapatid na babae. Kapatid na lalake ay meron siya at nasa Canada ito ngayon at nagtatrabaho. Lumapit ito sa kanya.
"Please come home. I'm begging you." Nakikita niya sa mga mata nito ang kalungkutan.
"Sorry. Pero hindi ko po kayo kilala." naaawa na siya sa itsura ng mukha nito. Pasimple niya itong tiningnan mula ulo hanggan paa. Mukhang mayaman naman ito at sigurado siyang hindi ito takas sa mental. Nakasuot ito ng printed na dress na sunflower ang design na 3inch below the knee at 2inch wedge na kulay cream at sa tingin niya ay nasa 5'4 ang height nito without those 2inch wedge.
"Ate naman. Hello! Its me Candice." sabi nito sa kanya na naka-ngiti na.
"Baka iba po ang hinahanap niyo. Hindi ko po talaga kayo kilala." ang kaninang ngiti nito sa labi nito ay biglang nawala.
"Sige po ma'am at may trabaho pa po ako." tumalikod na ako at naglakad na papunta sa counter. Nasa counter na siya at napansin naman niya yong babae na Candice yong pangalan na nasa gilid na niya ngayon. Sumunod pala ito sa kanya. Ang kulit naman ng babaeng to. Sinabi na niyang hindi niya ito kilala. Tumingin ako dito mukhang naiinis narin ito.
"She's resigning. Let's go! Gosh!" Nagulat talaga ako ng bigla nalang akong hilahin palabas ng coffee shop. Anong resign? Siraulo ba tong babaeng to. Huminto kami sa tapat ng sasakyan at sa tingin ko ay sa kanya.
"Get in!" ang mukhang anghel nitong mukha kanina ay mukhang monster na ngayon kaya napasunod nalang talaga siya at pumasok sa kotse nito. Pumasok naman ito sa driver seat. Lumapit ito sa kanya at inilagay nito ang seatbelt. Gulay! Ang bango niya. Nakaka-tomboy naman itong babae to. Napakapit ako ng biglang pinaharurot nito ang sasakyan. Papatayin ba ako ng babaeng to. Halos sampung minuto ata siyang nakapikit. Dumilat lang siya ng huminto ang sasakyan. Nasa tapat na sila ng isang bahay. Bahay? Mukhang bahay ba itong nakikita niya. Palasyo ata ito sa sobrang ganda at laki nito.
"Bumaba kana." Nakababa na pala ito ng sasakyan at naka-ngiti na ito ngayon sa kanya. Bipolar ata ito. Bumaba na siya ng sasakyan.
"Bahay mo?" tanong niya dito habang naglalakad sila papunta sa front door.
"Stop playing games with us. You're giving me a hard time especially mom." Ang kulit naman ng babaeng ito. Hindi ko nga siya kapatid. Huminto kami sa tapat ng malaking pintuan. Nakabukas naman ito kaya medyo nasisilip niya ang loob.
"Tara na sa loob. For sure mom and dad will be surprise." excited nitong sabi sa kanya.
"Wait ah! Kanina kapa kasi. First of all hindi kita kilala. Second hindi kita kapatid. Ang kulit mo naman kasi. May kapatid ako pero hindi babae. Lalake ang kapatid ko. Malinaw na ba?" mahaba niyang litanya dito.
"Niloloko mo naman ako." natatawang sabi nito sa kanya.
"Miss. Seryoso ako. Pwede na ba akong umuwi. Baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho nito." napabuntong hininga siya.
"Ate na---" hindi nito naituloy ang sasabihin ng biglang may nagsalita sa likuran nito. Biglang lumapit sa kanya.
"Oh my! Is that really you, Cassey?" niyakap siya agad ng ginang at sa tingin niya ay ito ang mama ni Candice.
"Ah. Eh. Hindi po ak---" hindi niya naituloy ang sasabihin. Bigla kasing nag salita si Candice.
"Yes, mom. Ang kulit nga niyang si Ate. Ayaw pang sumama saken pauwi. Gosh!" Humarap ito sa mama nito. Naloloka na ba ito.
"Hmmm. Excuse me po. Mag uusap lang po kami." Hinila niya palayo si Candice don sa ginang.
"Ate ano ba! Hindi ka ba natutuwang makita si Mommy? Ugh!" Sapakin ko kaya ito para magising sa katotohanan.
"Miss naman! Ang kulit mo naman kasi. Hindi ko siya mommy at hindi kita kapatid. Okay!" naiirita niyang sabi dito. Nakakainit talaga ito ng ulo. Tsk.
"Pero kasi... Kamukha mo talaga siya. Hindi ako pwedeng magkamali." malungkot itong nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tamed By Abcd's Charm (Ongoing)
General Fiction"Pilit kong kinakalimutan pero pilit din bumabalik sakin. Masakit na sa tuwing pipikit ang mga mata ko naaalala ko siya. Please don't say you're sorry kasi lalo lang lumalalim yong sakit na nadarama ko. Hindi ko na alam kung mapapatawad pa kita." Th...