Chapter 3

22 2 0
                                    

Aria

Sa haba ng pag-uusap nila kanina ni Candice sa kwarto nito at sa haba ng paliwanag niya. Wala rin naman siyang nagawa kundi ang mapapayag siya. Kasalukuyan siyang nasa dinning area na at nakikinig sa kwento ng mga magulang ni Candice. Hindi naman niya kailangan sumagot dahil bukod sa siya ang pinag uusapan o tamang sabihin na si Cassey ay wala din naman siyang maikwekwento sa mga ito. Kaya kumain nalang siyang ng kumain. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang kagalakan sa pagbabalik niya.

"Cassey, kamusta naman ang naging buhay mo?" tanong sa kanya ng Daddy ni Candice. Naiilang siya pag tinatawag siya nitong Cassey.

"Aria po." tugon niya dito. Ngumiti naman ito sa kanya. "Okay naman po ang naging buhay ko." sagot niya sa tanong nito.

"Kung ganoon ay saan ka ngayon nanunuluyan?"tanong naman ng Mommy ni Candice. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan ng tanungin siya.

"Sa isang apartment nangungupahan po." magalang niyang tugon. Magsasalita pa sana ulit ito na mapansin nito ang lalaking papalapit sa kanila. Matangkad ito at sa tantya niya ay nasa 6ft ang height at ang hubog ng katawan nito ay parang sa mga modelo binagayan pa ng maalon na buhok nito na lagpas sa seryosong mukha nito.

"Cloud maupo kana sa tabi ni Cass---Aria." Utos ng Mommy ni Candice. Si Candice naman sa tabi ng Mommy nito.Hindi niya alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman niya itong umupo sa tabi niya. 

" Siya ang Kuya Cloud mo. Naalala mo ba?" tanong sa kanyang.

"My, paano naman siyang maaalala ni Cassey, they're not even close." pahayag ni Candice kaya napatingin siya rito.

"I remember that. I don't know why but since the two of you were young hindi na talaga kayo close you didn't even speak to each other. Unless its parts of your school matter." mahabang pahayag ng ginang.

Nakakapagtaka pero hindi nalang niya inintindi. Itinuloy nalang niya ang pagkain niya. Nabigla pa siya ng biglang magsalita ang katabi niya.

"She's not my sister." maawtoridad nitong pahayag at nagpatuloy sa pagkain.

"Cloud, what are you saying? Of course she is." turan ng Mommy nito.

"I'm done." tumayo na ito at naglakad palayo sa kanila.

"Pag pasensyahan mo na at pagod lang sa trabaho ang isang iyon." paliwanag sa kanya.

Ano ba kasi itong napasok niya. Hindi rin nagtagal ay natapos din sila sa pagkain at kasalukuyan siyang nasa kwarto ni Candice.May pag-uusapan daw silang mahalagang bagay. Malawak ang kwarto nito na nakukulayan ng kulay bughaw. Pansamantalang nakaupo siya sa sofa at sa katapat naman na sofa si Candice.

"Sorry talaga at napasok kapa sa gulo na ito. Hindi ko lang kasi matiis sila Mommy at Daddy na nakikitang malungkot." pahayag nito.

"Nasaan at anong nangyari sa kapatid mo?" takang tanong niya.

"Bago yan magpapakilala mTuna ako." nakangiti nitong hayag sa kanya na sinuklian naman din niya ng isang ngiti. "I'm Candice Mari Hua Heinrich." wika nito.

"Ako naman si Mittianna Aria Gotth Plenn." Ewan ko naman kasi sa mga magulang ko at ayan pa ang ipinangalan sakin. Dapat isa langang ipinangalan ng mga ito sa kanya. Aria lang naman kasi ang tawag sa kanya ng karamihan at tanging mga magulang niya lang ang tumatawad sa kanya ng Mittianna.

"Your name suits you. Ayon na nga its almost a decade na when Cassey went missing. Our parents are in Hawaii that time and Kuya. Kami lang yong nasa bahay ni Cassey when she suddenly run outside the gate of our school. I was about to check her in her classroom. Hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan." tumayo ito at may kinuha sa drawer. Lumapit ito sa kanya at may iniabot na agad naman niyang tinanggap. Tiningnan niya ang litrato at parang nakita niya ang kabataan niya sa litratong iyon.

"She was ten years old in that picture." mahihimigan niya sa boses nito ang kalungkutan.

"She really looks like me when I'm also ten years old except for the eyes." paliwanag niya. Her eyes are dark brown but cold. The eyes in the picture are also dark brown but unlike her its full of happiness.

"Yes. Kanina ko lang din napansin thats why Kuya didn't believed that your Cassey. Can I see your back?" tanong nito. Nagtaka naman siya pero tumalikod parin siya. She has a mole at the upper right of her back and its two dots.

"Its really you!" nakangiting sabi sa kanya ni Candice.

Isang buwan na ang nakalipas ng mapunta siya sa pamilyang Heinrich at pakiusapan ni Candice na manatili nalang doon. Hindi naman siya makatanggi dahil naaawa siya sa mag asawang Heinrich. Isang buwan na nga siyang nanunuluyan pero hanggang ngayon ay hindi parin siya matanggap ni Cloud. 

Hanggan ngayon ay hindi niya parin nababanggit sa Kuya niya siguro sa pag uwi nalang nito. Hindi niya kasi alam kung paano ipapaliwanag alam niya kasing paniguradong magagalit ito sa kanya. Lumipat narin pala siya ng school pero iginiit niya parin na magtatrabaho parin siya sa coffee siya. Pumayag naman ang mga ito sa desisyon niya. Unang araw niya pala ngayon sa bagong school niya. Ang alam niya ay doon din nag aaral si Cloud samantalang si Candice naman ay sa ibang school.

Bumaba na siya para kumain ng agahan. Naabutan niyang siya nalang pala ang kulang kaya naupo na siya sa katabing silya ni Cloud.

"Hindi kana namin ginising at unang araw palang naman ngayon." saad ng Mommy niya. Nakasanay narin naman siyang tawagin itong Mommy.

" Okay lang po." magalang niyang sabi. Kumuha na siya ng pagkain at nagsimulang kumain.

"Ate si Kuya Cloud na ang maghahatid sayo ah. Pareho lang naman kayo ng school." nakangiting sabi sa kanya ni Candice. Tumango siya lang dito at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Why don't you transfer in their school, Candice." rinig niyang tanong ng Daddy kay Candice.

"I don't want to see Kuya's face the entire day." napansin naman niya tumingin ang katabi kay Candice.

"He's already taken." sagot ni Cloud kay Candice habang seryoso ang mukha.

"Don't start Cloud." saway ng Mommy nila. Crush siguro ni Candice ang tinutukoy nito.

Minsan naman ay kinakausap siya ni Cloud. Pero sobrang ikli lang magtatanong lang naman ito kung kamusta ang araw niya. Ayaw niya tawagin itong Kuya bukod sa naiilang siya ay ang Kuya Avien niya lang ang tinatawag niya ng ganon.

Kasalukuyan na siyang nasa sasakyan ni Cloud. 9am pa naman ang start ng class niya mapapaaga lang siya ng kalahating oras dahil 8:30am ang klase ni Cloud. 

"You can sit in." napalingon siya rito. Seryoso lang itong nagmamaneho.

"Okay lang?" tanong naman niya. Ayaw rin naman kasi niya tumambay lang. Makikinig nalang siguro siya sa klase nito.

"Just behave." sagot nito sa kanya. Halos kalahating oras din ang byahe nila papunta sa school. Medyo nahiya pa siya ng naglalakad na sila ay madaming tumitingin sa kanila. Maybe because of Cloud, I heard to Candice that Cloud is quiet famous in their school. He's a basketball player while president in their school council.

"Is she the girlfriend?"

"Wala na tayong pag asa."

"Sh*t! Look pare may dyosa."

Hindi ko alam kung bakit nagbubulungan pa sila kung naririnig naman niya. Some of the students are pointing at her and Cloud.

"Don't mind them." hinila nalang siya nito ng mapansin na ang bagal na ng paglalakad niya. Sana naman ay maging tahimik ang pamamalagi niya rito. Nang makarating na sila sa classroom ni Cloud ay bigla nalang tumahimik ang klase wala pa naman ang Prof.

Sumunod lang siya kay Cloud na naupo sa pinakadulong upuan kaya naupo narin siya sa tabing upuan nito. Kinuha nalang niya ang libro sa bag at nagbasa. 


Tamed By Abcd's Charm (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon