Mabilis lang naman lumipas ang oras. Nandito ako ngayon sa isang bench nakaupo habang hinihintay si Cloud mas maaga kasi ang uwi ko kumpara sa kanya. Tinext ko nalang siya na hihinntayin ko siya at sabay na kaming umuwi. Katulad ng kanina sa room nito ay nagbasa nalang siya ng libro.
Hindi rin naman niya maiwasang mag angat nalang ulo sa tuwing napapansin yong mga tao sa paligid niya na halatang siya ang pinag uusapan. Nagulat nalang siya ng biglang may tumabi sa kanya.
"You must be the new student?" tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung magsasalita ba siya o ano. Nahihiya kasi siya kaya ang ginawa nalang niya ay tumango.
"I'm Sean." naglahad ito ng kamay sa kanya. "Don't worry I'm harmless." tumawa pa ito bago ulit inilahad ang kamay sa kanya.
"Aria." tinanggap naman niya ang pakikipag kamay nito. Ngumiti ito sa kanya. Nang akmang magsasalita pa ito ay sakto naman na parating na si Cloud kaya tumayo na siya. Hindi niya maaninag kung galit ba ito o hindi sa kanya. Ang sama kasi ng tingin.
"We're going home." kasabay non ang paghawak sa kamay niya ng makalapit na ito.
"Easy Mr. Heinrich. Hindi ko naman siya kakainin ng buhay." napalingon siya sa sinabi ni Sean. At ang siraulo ay nakangisi pa. Napansin niya na humigpit lalo ang pagkakahawak ni Cloud sa kamay niya.
"Not her Mr. Villamor." tumalikod na si Cloud kaya napasunod na siya kasi hawak niya parin ang kamay ko. Isa rin tong siraulo. Naglalakad na sila patungo sa parking lot. Nang makarating na sa parking lot ay pinagbuksan siya nito ng pintokaya sumakay nalang din siya agad.
"What was that?" tanong nito sa kanya.
"Ano?" tanong din niya.
"You're talking to a Villamor." humarap ito sa kanya.
"Whats wrong with that?" walang emosyon niyang tanong.
"He's a Villamor, Ianna and He's a f*cking playboy." Akala ko naman kung ano ang sasabihin niya. Siraulo talaga. Ito lang ang bukod tanging tumatawag sa kanya ng Ianna(Yana).
"Cool!" sagot niya rito sabay pikit ng mata.
"What?!" napataas ang boses nito. Kaya napadilat siya.
"You're my brother and you're just concern. I undrerstand." pahayag niya.
Nagulat nalang siya ng bigla siya nitong hawakan sa magkabilang braso niya. Sh*t na malamig ay mainit pala. Bumilos ang tibok ng puso ko. Mataman ito nakatingin sa mga mata niya kaya umiwas siya ng tingin.
"YOU. ARE. NOT. MY. SISTER." Magaling, ipinagdiinan talaga. Ganon ba siya kainis sakin para hindi niya ako matangggap bilang kapatid niya.
"You will never be." binitawan na nito ang braso niya at nagsimula ng magmaneho. Lagi na itong iginigiit sa kanya ni Cloud na siya kahit kailan man daw ay hindi siya nito matatanggap bilang kapatid.
"Kung hindi ko lang nakasamang lumaki si Cassey ay iisipin kong iisa lang sila." Nagsasalita ito pero hindi naman niya gaanong maintindihan. Nang maramdaman niya huminto ang sasakyan ay agad na siyang bumaba. Hindi na niya hinintay pa na pagbuksan pa siya nito ng pinto. Naglakad na siya papasok at malayo layo pa naman siya sa main door ng kanilang bahay ay tanaw na niya ang Mommy niya kaya tumakbo na siya palapit dito. Naging close narin naman sila ng ginang at dahil narin siguro namimiss na niya ang Nanay niya kaya ganon.
"Mommy." tawag niya rito at yumakap siya ng mahigpit.
"Ang baby ko naglalambing." kumawala na ito sa pagkakayakap sa kanya at iginaya na siya papasok ng bahay. Napansin naman niya si Cloud sa likuran nila.
"Kamusta naman ang araw mo?" tanong sa kanya ng Mommy niya.
"Maayos naman po." masaya niyang sagot.
"Mabuti naman kung ganon. Magbihis kana at ng makakain na tayo." utos sa kanya.
"Sige po." naglakad na siya papunta sa kwarto niya. Nagbihis lang siya ng short na hindi naman ganon kaikli at pinarisan niya ng t-shirt. Nahiga muna siya sa kama niya. Napapaisip siya kung itutuloy niya ang pagpapangggap nakokonsyensya kasi siya.
Hindi naman siya nahihirapan kasi hindi naman inuungkat ng mga ito ang mga nangyari sa kanya nong bata pa siya. Sadyang si Cloud lang naman ang ayaw tumanggap sa kanya. Napabangon siya ng maalala ang Kuya Avein niya siguro mamaya ay tatawagan niya ito.
"Aria maupo kana at pababa narin naman ang Daddy mo." katulad ng dati katabi niya parin si Cloud samantalang sa tapat na niya ang Mommy niya katabi si Candice. Ipinaghila pa siya nito ng upuan.
"Mabuti naman at magkasundo na kayong dalawa." nakangiting sabi ng Mommy nila. Tumingin lang siya kay Candice na abala sa celllphone nito. Nag angat naman ito ng ulo at ngumiti sa kanya. Nakakapagtaka minsan na hindi naman ito naiinis sa tuwing nakikita siya nito na sobrang close sa mga magulang nito.
"Bakit hindi pa kayo kumakain?" napalingon siya sa Daddy nila na kasalukuyan naglalakad palapit sa kanila.
"Maupo kana para sabay na tayong lahat kumain." Naupo naman si Dad at si Candice ang nag lead ng prayer.
"Hows your day, Cloud?" tanong ni Dad kay Cloud na sa mga oras na ito ay akala mo may kaaway sa isipan. Hindi kasi na naman maipinta ang mukha nito.
"Not good." Hindi man lang nito nilingon ang Daddy nito. Bastos na bata! Patuloy lang ito sa pagkain.
"Yours Candice?" tumingin naman ito kay Candice. Hindi rin maipinta ang mukha nito. Ano bang meron ngayon sa magkapatid.
"Do something, Dad." Napatingin naman siya dito. Samantalang ang Mommy nila ay tahimik lang din na kumakain. Tungkol na naman ata ito sa crush nito. Kakaiba rin itong magkapatid. Napansin naman niyang tumingin sa kanya ang Mommy nila kaya ngumiti nalang siya rito.
"How about you Aria?" Sh*t na malagkit. Kasali pala ako sa roll call. Tumingin naman ako kay Dad bago sumagot.
Pinipilit niyang maging komportable talaga sa mga ito lalo na kay Cloud. Kahit na close na sila ni Mommy ay minsan naman ay nahihiya parin siya.
"Okay naman po." Ngumiti siya rito bago ipinagpatuloy ang pagkain niya. Pero sa totoo lang gusto niyang sabihin na hindi talaga ayaw lang niyang dumagdag sa dalawa na akala mo pinagbagsakan ng lupa.
"Good to hear." Hindi naman na ito nagtanong pa at kinausap naman nito ang Mommy nila.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos na silang kumain at nagpaalam na siyang gagawa pa ng mga takdang aralin niya. Nahiga muna siya sa kwarto sa kama niya at iniisip parin sa ngayon kung tatawagan na ba niya ang Kuya niya o hindi pa. Napapaisip na rin naman siya kung paanong naging magkamukha talaga sila ni Cassey sa pagkakaalam naman niya ay wala naman siyang kakambal o kapatid bukod sa Kuya niya. Hindi rin naman niya maisip na ampon siya ng tunay niyang magulang kasi hawig naman niya talaga ang Nanay niya. Baka naman look-a-like lang talaga sila nong kasi. Uso naman yong ganon ngayon may palabas pa nga sa tv.
Ang isa niya pang iniisip ay kung paano talaga magpapaliwanag kung sakaling magkabukingan na. Bumangon nalang siya para magawa na ang kung ano man dapat niyang gawin. May study table naman kasi sa kwarto niya.
"Paano ba kasi ito?" kausap niya sa sarili niya. "Dapat kasi nirecord ko kanina yong lecture ni Sir." Kanina pa siya sa calculus baka nga bigla nalang lumipad yong mga papel sa kanya. Dahil sa dami na ng nasayang niya. Hindi rin kasi niya talaga maintindihan. Bakit pa kasi nauso ang Math pahirap sa pag aaral. Kung sana ay nandito ang Kuya Avein niuya ay paniguradong tapos na ito.
Napalingon naman siya sa pintuan ng biglang bumukas ito. Bastos talaga ang isang ito hindi man lang kumatok.
BINABASA MO ANG
Tamed By Abcd's Charm (Ongoing)
Ficción General"Pilit kong kinakalimutan pero pilit din bumabalik sakin. Masakit na sa tuwing pipikit ang mga mata ko naaalala ko siya. Please don't say you're sorry kasi lalo lang lumalalim yong sakit na nadarama ko. Hindi ko na alam kung mapapatawad pa kita." Th...