Chapter One

8 0 0
                                    

My Long Time Stalker

Chapter One

Azi POV

"Azi! Gising na! Malalate tayo sa mass." Kuya Zandrous

"Opo! Kanina pa akong gising! Patapos na ako!" Sagot ko.

Yun si Kuya Arche Zandrous Villaruiz. 18 years old. Grade 12 student ng Montecello Academy. Pilosopo, Basketball player, 3 of the 4 children at hate niya ang strawberries at mas hate niya ang tawagin siyang ZANDY.

At ako? Let me introduce myself,  my name is Aeon Zandrel  Montecello Villaruiz. 17 years old. Dakilang snob, I admit that. Grade 11 student ng Montecello Academy ngayong opening. 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagsisigawan kami ni Kuya kanina kasi sa pinto lang siya ng kwarto ko, nilock ko kasi. Diri-diritso kasi yun pagpumasok. Walang katok-katok. Pupunta kami sa Church ngayon kasi Sunday. Every Sunday talaga nagsisimba kami para magpasalamat, hihingi nang gabay at Good health sa Diyos kasi si ako may asthma.

Bago ako umalis sa kwarto tiningnan ko muna ang repleksiyon ko sa salamin Kung okay lang ang suot ko(picture sa taas👆👆)

"Okay na siguro to. Mag attend ako sa mass para magdasal, hindi magpaganda. Okay na to!" Sabi ko sa sarili ko.

Pumunta na ako sa Dining room para kumain nang cereals, nadatnan ko sila Mama, Papa, Kuya Zandrous at Kuya Drick na kumain na ng cereals. Ba't Wala dito ang dalawa? Bahala na yun sila. Kung saan-saan nalang pumupunta eh.

"Ba't matagal ka nagising?" Tanong ni Mama.

"Nagbasa po kasi ako kagabi nang bagong librong binigay ni Dad." Sagot ko ni Mama.

My Dad's name is Zach Villaruiz. My mom's name is Christina Fen Montecello-Villaruiz.

Kung nagtatanong kayo, ang tawag ko sa Mother ko ay Mama o Mommy at sa Father ko Papa o Daddy.

Mukhang masarap kumain nang cereals with strawberries ah.

"Kuya Zand, pakikuha nang strawberries, please? Ikaw kasi ang Malapit." Pakiusap ko kay Kuya Zandrous.

"Yack Kelly! Wag ka ngang kumain niyan." Sigaw nya.

"Kuya naman eh. Sige na?" Pakiusap ko ulit kay Kuya.

"Ako na nga lang kukuha! Ang arte mo naman Zandrous." pagrerepresenta ni Kuya Drick.

Siya si Kuya Ace Zandrick Villaruiz. 1st year college. 19 years old. Ma pressional, Gwapo, Mabait, Matalino at Gentleman. Yun nga lang walang lovelife. Ewan ko ba Kung bakit Wala siyang girlfriend Hindi naman kami pinagbawalan nila Mom at Dad tungkol sa ganun. Hindi naman siya bakla. Perfect package nga siya eh. Baka may hinihintay. Sana si ate Kate yun.

Pagkatapos Namin kumain ay sumakay na kami sa kotse.

"Ate Kris! Yung-" Sigaw ko ni Ate Kris na hindi na naman ako pinatapos.

"Yung e offer natin na prutas sa Altar? Dala-dala ko na." Sabi ni Ate Kris na dala-dala ang prutas na nakabalot sa water cellophane.

Siya si Ate Athena Kris Rodriguez. Pinsan ko na laging ready. 1st year college. 19 years old. Nagmomodeling. Simula 1 year old pa, sa amin na siya nakatira. Kasi iniwan sila nang biological father niya at nag Asawa ulit ang Mama nya. Dala-dala niya ang apliyedo nang papa nya. Sinusoportahan parin siya nang mama at papa nya. Yun nga lang may kanya-kanyang pamilya ang mga magulang nya. Malungkot man ang nangyayari sa kanya, laging positive si Ate. Yan ang gusto ko sa kanya eh. Positive mind.

"Ma? Sa'n si Jake?" Tanong ni Kuya Drick.

"Here I come!" Sigaw nang batang makulit na kakadating lang at umupo na sa upuan sa kotse.

Long Time StalkerWhere stories live. Discover now