Chapter Two|FIRST MEET💓

7 0 0
                                    

Rez POV

Nandito ako ngayon sa harap ng bulletin board kung saan makikita kung saan room at section.

Ganun parin nung dati, lahat ng honors ay iisa ng room, ang iba mix na. 5 section in each grade level. Bali iisa ng room ang mga honors tapos yung iba, saan-saan na room, pwede kang kasali sa room nang honors matalino ka man o hindi. Mix lahat ng meron sa isang classroom may bobo, katamtaman at matalino.

Pumunta na ako sa room na nilagay sa bulletin board na katabi ng name ko. Zues ang name ng section namin. Ang Grade 7 ay Colors like Aqua, Scarlet, Black, Indigo and Blue. Sa Grade 8 ay yung name ng element sa Periodic Table like Lithium, Barium, Argon, Neon and Helium. Sa Grade 9 ay Zodiac Sign like Cancer, Taurus, Aquarius, Capricorn and Pisces. Sa Grade 10 ay name of gods and goddesses like Zeus, Aphrodite, Hermes, Ares and Demeter. Ang Grade 11 at Grade 12 ay by strand o by schedule. Bale iba-iba classmate every Subject.

Pagpasok ko sa room ay may tao na pero Lima pa. Lagi akong maaga pumasok sa school kasi ayaw ko nang may tumitingin sa kin. Maypagka Anti-social ako eh. Mahiyain/Snob. Pero basta kailangan, kailangan Kong humarap.

Umupo ako sa likuran yung Malapit sa bintana, kasi ang classroom namin ay sa second floor gusto ko kasi tumingin sa mga Puno, napaka breathtaking kasi nila. Narerelax ang mind ko kapag tumitingin ako sa kanila, makapag-iisip ako ng mabuti sa lectures ng mga Teachers namin.

Dumami na ang mga tao sa classroom. Sinuot ko ang Bonnet at earphone ko. Lagi ko tung ginagawa. I do this to ignore them, ayaw kong mahawa sa excitement, sadness at happiness nila. As I observe, ang gulo nila. Ayaw ko nang ganito basta Wala ako sa mood. Sumasabay naman ako sa trip nila basta mabuti yung mood ko. Mawawala naman 'tong pagiging ganito ko Kung May Activities. Lalo na kapag kailangan.

Biglang silang kumalma at nagsisilabasan. Inalis ko ang earphone ko at lumabas din.

"Good Morning Students and welcome back!" Bati ng nasa speaker.

Sa school may di masyadong malaki na speaker sa mga ding-ding. Mga 10 meters ang layu sa isa't isa.

"Students, please form your line in order of your section in the assembly area right now!" Sabi sa speaker.

Pumasok ulit ako sa classroom para ilagay sa bag ang iPod, Cellphone at earphone ko.

"Again! Students, please form your line in order of your section in the assembly area right now!"

Lumabas na kami sa classroom lahat at pumunta sa assembly area. Bago pa ako lumabas sa building sinuot ko muna ang bonnet ko kasi ang init, Buti nalang nag jacket ako.

Nandito na kami sa assembly area nag line na. Psh! Mga 20 minutes na kami dito nag line. Ang init talaga! Baka Hindi ko kakayanin to. May sakit pa naman ako. Kayanin ko to! Hanggang kaya.

Nagstart na ang Morning Prayer, parang nanghihina na ako.

Biglang may nagbigay sa'kin ng Tubig at panyo.

"Ano to?" Tanong ko sa lalaking kakadating lang na nag line sa mga kaklase Kung lalake. Classmate ko s'ya?

"For you, namumutla kana. May Asthma ka Diba?" Sagot nya.

Ba't nya Alam ang sakit ko. Tinatago ko lang ang sakit ko sa iba ah? Wala akong pinagsabihan na schoolmate o classmate ko. Teachers at si Nurse Jean lang ang may alam dito.

"Pa'no mo nalaman?" Tanong ko.

"You ask too much." Too much?! Dalawa pa yung Tanong ko ah?! "Go to clinic, the nurse waiting for you." Sabi nya sabay turo sa likuran ko. Lumingon ako sa likuran ko, Nakita ko si Nurse Jean sa hindi kalayuan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Long Time StalkerWhere stories live. Discover now