Chapter 11.5

222 9 1
                                    

Yvanna POV
Abat iniwan niya ako dito para humarap sa mga magulang namin?

Nahihiya ako sa kanila lalo na sa mga ina namin na mukhang excited .

Nagpakawala ako ng buntong hininga "Pasensya po, kausapin ko lang saglit si Kaixer "tumango naman sila kaya umakyat na ako.

Kakatok sana ako ng napansin kong hindi naka sara ang pinto. Pinihit ko ito tapos nakita ko siyang naka upo sa kanyang bed habang may laptop sa kayang harapan .

"Lets talk"maikling sabi ko.

"About what? "Malamig na turan nito.

"I ahm ah... "nakakaasar naman bat parang nahihiya ako magsabi

"Kung importante yan sabihin mo na, as you see busy ako"bigla tuloy akong nainis sa sinabi nito.

Huh, sabagay ano nga ba namang importanteng sasabihin ko kung tungkol lang naman ito sa proposal niya. Mas mahalaga nga naman kasi yang ginagawa niya ngayon.

Sa inis ko bigla kong kinuha yung Laptop sa kanya at tinignan kung anong pinagkakaabalahan niya na mas lalo kong ikina inis. So ito pala.

"Hiyang hiya naman ako. Sige saka ko na sasabihin tutal busy ka yata sa paglalaro mo ng CANDY CRUSH"binalik ko sa kandungan niya yung laptop

"Oh hayan tuloy mo na, saka ko na ibibigay ang sagot ko sa proposal MO" tapos nagkunwaring nag-iisip naman daw ako"ay huwag na pala, PAKASALAN KO YANG CANDY CRUSH MO NA YAN. "tapos humakbang na ako papaalis sa silid niya.

Pipihitin ko na sana yung door knob ng may pumigil sa akin tapos namalayan ko nalang nasa bed na ako habang nasa ibabaw ko siya.

"I want to hear your answer NOW" using his Alpha tone

"Yah,get off me. "habang tinutulak siya paalis sa harap ko pero sadyang malakas talaga siya.

Hmmm, ang bango talaga ng mate ko ..Tss. nagawa mo pang lumandi habang naiinis ako sa mate mo?

Correction MATE NATIN
Yeah what ever..

"Hindi ako aalis dito hanggang wala akong nakukuhang sagot, at ayaw ko rin na salungat sa gusto kong sagot ang isasagot mo"nakangising pahayag nito.

Abat, parang wala ako choice sa sinabi niya.

Ginamit ko lahat ng lakas ko hanggang sa maalis siya sa ibabaw ko. Naitalsik siya malapit sa pinto.

Nanlilisik ang mga mata nitong sumalubong sa mga mata ko.

Akala ko ay aalis siya kasi hinawakan niya ang serudera pero nagkamali ako kasi sinusian niya ito. Nanlaki ang mga mata ko ng nag sink in sa isipan ko na sinarado niya ito at yung susi na makakapag bukas lang nito ay hawak niya.

Napabaling ako sa mga binta dito sa kwarto niya ,napangisi ako ng makita.

Makakaya kong basagin yan kahit na maglikha ito ng ingay ,wala akong pakialam.

Gamit ang abilidad ko bilang isang lobo mabilis akong tumakbo pero ng babasagin ko na sana ang bintana niya nakaharang na ito sa akin.

"Kung kakayanin mo mabasag yan hindi kita pipigilang maka alis pero pag hindi kinakailangan mo akong harapin"

"Minamaliit mo ba ako? "ngumisi ito at tumabi na parang hinahayaan niya ako gawin ang balak ko.

Hindi ako tanga para hindi mapansing gawa sa matataas na klase na materyales ito gawa kaya hindi ito madaling mabasag.

Hindi niya namalayang nakuha ko sa bulsa niya ang susi ng pinto. Ibubulsa ko na sana ng may pumigil sa sa kamay ko.

"I can read what on your mind, so. "hinimas himas pa niya ang baba niya"You think you can escape? "

"Akala mo ba , mauuto mo ako ,gusto ko lang namang makuha ang sagot mo pero bakit ba gustong gusto mo nagpapakipot" napabaling ako ka agad sa sinabi nito pakipot ako.

"A-ako? Pakipot? "hindi makapaniwalang tanong ko.

Mabilis namang siyang umoo.

Pakipot ka naman talaga eh, hindi ba yung naman talaga ang plano kanina kaya ka pumasok sa kwarto niya para sagutin siya pero heto ka andaming kaartehan pa.

"See, pati ang inner wolf mo sumasang ayon sa akin"nakangising sabi nito

"Che ,tabi nga. "

"Hindi mo naman sinabi gusto mo lang pala akong makatabi, pero ayoko nga"Napatanga nalang ako sa pinag sasabi nitong lalaking to.

Naramdaman ko nalang na pumunta siya sa likod ko at yumakap na ito sa akin.

"Mas gusto ko ang ka yakap ka kesa ka tabi lang"

"Sorry about for what i did a while ago baby" pinatong nito ang baba niya sa balikat ko at humalik sa pisngi .

"I want to make up to you baby,"napangiti tuloy ako.

"Really? "masayang tanong ko

"Oo, ill be very happy to do that baby, just tell me if you like if hard or rough "sabay kagat sa tenga ko.

Pulang pula ako ng makawala ako sa yakap nito. Pinaghahapampas ko rin siya dahil sa kung ano ano nalang ang naiisip niya.

Hinuli niya ang mga kamay ko tapos niyakap ulit ako"Just joking baby, but just tell me kung gusto mo ng ganun ill be very generous hahaha "hayy. nakakaloka talaga itong lalaking to.

Bakit ba ang dali lang naming magka ayos ,parang kanina lang ay inis na inis ako sa kanya. Hindi ko yata kaya na matagal kaming may away.

"I love you "
"I lo--0________0 ,anong sabi mo? "nanlalaki parin ang mata nito wariy hindi makapaniwala sa binitawan kong salita

"Walang ulitan. haha"sumimagot tuloy siya.

Unti unti kong itinaas ang kamay ko hanggang sa sapo ko na ang magkabilang pisngi niya.

"Kailan kasal natin? "nakangiting tanong ko sakanya?

Ilang beses niyang kinurot ang sarili niya tapos bigla nalang siyang nagtatakbo tapos biglang nasa harap ko ulit.

"Did you mean?.... you? "

"Yes"maikling sagot ko.

"I love you baby"
"I love you too Kaixer"

Nakangiti ako habang pinangmamasdang ang kamay namang parang nakaglue .Nakasuot na rin sa akin ang isang napaka gandang singsing.

"Be ready baby, magiging asawa mo na ako bukas "

"ha? "

"Bukas na ang kasal natin, its all set. Sagot mo nalang talaga ang hinihintay "hindi naman halatang planado masyado.

"Plinano mo talaga ito ano? pano kung di hindi oo ang sagot ko? "

"Alam ko namang hindi mo ako matatanggihan "tss

------
sorry sa errors.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected mate (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon