Desperadang Danica+Next Chappy

10 1 0
                                    

Aaron's POV

Ipinasok ko siya sa kotse ko at akmang isasara ko ang pinto ng bigla niyang hinila ang kamay ko at napa patong ako sakanya.

Hindi ko maiwasan ang titigan siya, sa totoo lang maganda naman siya, maputi, matangos ang ilong, mahabang pilik mata, manipis na mapulang labi. Tila namamagnet ang mukha ko sakanya, malapit ko na sana siyang halikan ng bigla nalang

*bbbbwwakkk!*

Napalayo agad ako sakanya.

"What the fuck?!" Gulat kong sigaw

Sshiit!! Taena! Bigla ba naman sinukahan tong mukha ko. Kadiri! Ang baho. Napamulat nalang siya nang mapagtanto ang nangyari

"Oh my god! Sorry sorry! I didn't mean it!" Tarantang sabi nito at iniabot niya ang panyo niya tsaka ko naman kinuha.. 

"Wait me here. Maghihilamos lang ako sa loob." Sabi ko. At mabilis naman itong tumango tsaka ko sinarado ang pinto.

Pumasok na ulit ako sa mansyon nila Danica. At hinanap agad ang banyo.

~~~~~~
Pagkalabas ko nang Banyo nakita ko si Danica na nakasandal sa wall sa harap ng banyo. Mataman niya akong tinitigan at lumapit siya sakin.

"Aaron." Sambit nito na nasa tonong nang aakit.

Eto nanaman siya. Ilang ulit na niya kong sinubukang akitin pero hindi ako tinatablan. Kaibigan lang talaga ang turing ko dito, at hindi na magbabago pa yun.

"Danica, stop it." Pigil ko rito at tinanggal ko ang mala ahas niyang kamay na pumulupot sa leeg ko.

"Why? Naakit ba kita baby?" Malambing na tanong nito. At ngumisi pa.

Binigyan ko siya ng malamig na titig.

"No." May diing saad ko.

Tinignan niya ako na parang di makapaniwala sa narinig niya. Kalaunan napalitan to ng nagtutubig niyang mata. She's been telling me na she would give up everything para makuha niya ako. But in the end. Hindi niya magawa gawa.

"Aaron why? Bakit di na lang ako? Ginawa ko naman lahat para sayo diba? Bakit di mo ko kayang mahalin? Kahit konti ba wala kang naramdaman para sakin? Aaron please, I Love You." Hagulgol nito. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinignan siya sa mata.

"Danica, listen, that's not love. Obsession na yan. So please, stay away from me. Yes, i had a feelings for you, pero bilang close friend ko. There's nothing more. I'm sorry."

Umiling iling ito at lumakas lalo ang iyak niya.

"Please, give me a chance para maipakita kong mahal na mahal kita." Pagmamaka awa niya at hinila ang suot kong polo.

"No. Give yourself a chance to be happy. Hindi yung umaasa ka na magkakaroon tayo ng chance na alam mo namang hindi yun mangyayari. Dahil sa ginagawa mong pag sunod sakin ay may nasasaktan ka. Hindi ako ang para sayo, may isang tao jan na minamahal ka ng lubos. Siya, siya lang ang alam kong hindi ka sasaktan." Pagkatapos nun. Tumigil siya sa pag-iyak at takang tumingin sakin.

"A-ano? Si-sino?" Uutal utal niyang sabi.

"Sabi ko na eh. Masyado mo kasing tinuon ang pansin mo sakin kaya hindi mo man lang siya mapansin." Makahulugang saad ko. Hindi ko pwedeng sabihing si Marco iyon. Hayaan ko na siyang dumiskarte.

Binitawan ko na siya at nagsimula nang maglakad papalayo. Pero napa iling nalang ako sa sunod na sabi niya bago pa man ako makalayo.

"Hindi ako susuko sayo, Aaron. Magkamatayan pa kami ng mga babae mo." Desperadang sabi niya.

ONCE UPON A DEAL (on going)Where stories live. Discover now