Pasensiya na kung ang titulo ko ay hindi literal na bagay. Ngunit bagay din naman ang metamorphosis, hindi ba kaibigan? Metamormophosis dahil nakikita ko ang bagong taon na ito na oportunidad at pagkakataon para sa pagbabago upang itama ang aking mga maling nagawa sa kasalukuyang taon na ito.
Metamorphosis: Pagbabago
Kayrami mang pinagdaanan ngayong taon,
Hindi mawawaglit ang mga aral na idinulot nito,
Sa bawat pagsisikap, pagpupunyagi, at pagpapakatatag,
Hinarap ang hamon, ng walang pangamba.Medyo madrama ang taon,
Natuto kung paanong bumangon,
Natuto kung paanong magdasal,
At magtiwala sa Kanya.Mula sa pagiging mahina,
Lumakas, tumatag at sumigla,
Ang bawat araw na lumipas,
Ay napuno ng kay saya.Hindi na mawawagwaglit sa isipan,
Mga ala-alang dumaan,
Noong bago pa dumating ang bagong taon,
Handa nang harapin ang buong hamon,
Sa darating na bagong taon.Bakit kailangan ng paghihirap?
Ng pagdurusa, hinanakit at pasakit?
Ngunit naisip ko,
Kung walang paghihirap, wala tayong matututunang aral sa buhay.Sa darating na bagong taon,
Hangad koý kapayapaan,
Katatagan, kahusayan at kagalingan,
Sa mga pagsubok sa buhay na maaring dumaan.Bagong taon, bagong bukas,
Bagong oportuniddad, bagong pagkakataon,
Upang mali ay itama,
At humusay pang lalo.Ika- 30 ng Disyembre, 2016