Talubuhay

439 70 2
                                        

Ang buhay ng tao ay napakakumplikado
Katulad ng isang kathang tunay na magulo
Masalimuot at puno ng kahiwagaan
Ang obrang yari ng likas na kaparaanan.

Ang tula ay isang sining na maituturing
Kaiba sa takbo ng buhay at pagsusupling
Kawangis ng buhay na may sari-saring anyo
Patuloy na ikinukubli ng isang misteryo.

Ang bawat katha ay hango sa tunay na buhay
Sa buhay, at sa lahat ng mga bagay-bagay
Ngunit ang kanilang sining ay magkahiwalay
At nilikha ng tunay at mayroong saysay.

Collection of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon