Samahan na parang bato na kay tatag
At palagi lang nandiyan para sumapat
Mananatili at hindi matitinag
At alam ko ring ito ang nararapat
Sinasariwa ang bawat kapilyuhan
Ginagawa ang bawat matitipuhan
Pawang kalokohan man para sa iba
Taliwas naman sa aking nadarama
Sa bawat araw na tiyak ding lilipas
Ang ala-alang ito ay hindi kukupas
Daanan man tayo ng sandaang bagyo
Tayo ay mananatiling nakatayo
Bawat oras na nagkakasama-sama
Nag-iiwan ng masayang ala-ala
Ang mga ala-ala ay nagiging tatak
At dahilan upang luha'y pumatak
Lubos-lubos akong nagpapasalamat
Sa mga mabuting kaibigan kong lahat
Iisa lamang ang sasabihing bagay
Itong tula ay sa inyo ko inaalay