Alam mo iyong feeling na dati baon lang ang gusto mong makuha sa parents mo kaya ka pumapasok kaso ngayon si Crush na. Si Crush na ubod ng gwapo, pero dakilang masungit. Hayyyyyy! Everyday ng nagpaparty ang puso ko dahil jan. ^O^
Sino ako? AKO AY ISANG TAO, MAY MATA. TENGA, ILONG. MAGANDANG MUKHA AT KUTIS PANG DYOSA.
Hehe. Joke lang naman ! Basta may itsura ako, tapos. period.
I'm Dana Aeiou Samonte nagaaral sa paaralan and I'm 14 years old. Hulaan niyo bakit ako papasok? Kasi gusto kong matuto alangan namang papasok ako tapos maglalandi lang di ba? Isa pang reason ko ay dahil inspired ako sa seatmate ko. Alam niyo bang crush ko ang seatmate ko.^o^
NOTE: Crush lang. Huwag assuming!
At heto nga papasok na ako sa room namin kanina pa kasi ako hinihintay ng mga kaibigan ko, malay natin kung pati si Crush hinihintay din ako di ba? *u*
Nakikita ko na..
Ang room namin! At nasa labas sila Mae, Kat, Naima,Vea at Yan. Alam ko na. May ibabalita sila. gusto niyong malaman? Kasi anjan na si crush sa loob. ^3^ Hinihintay nila ako para ibalita ang pangyayaring iyon na alam ko na kasi araw-araw nilang ginagawa at same topic lang. Paglapit ko naman parang iba ang expression ng mukha nila. Kasi naman, may ngiti na parang loko-loko lang ang peg? May ganun ba? =.=
"Goodmorning Aeiou! ^^" sabi nilang lima.
Maya-maya naman hinug lang nila ako. Tapos naman tinignan lang nila ako. Iyong ngiti kasi nila, parang kinukutuban ako. Pumasok na kami sa room at nakita si Crush na nakadukmo sa desk niya. tulog na naman siguro to. Lagi naman. =.=
Ilang minuto lang ang nakalipas pumasok na ang teacher. Nahihiya naman ako gisingin siya, pero baka mapagalitan pa ito. Ng saktong kakalabitin kuna ng ..
"Mr. Third Reyes tulog ka na naman sa klase ko." sabi ng guro namin. Ganto talaga si Third pagfirst subject tulog iyan tapos pagkatapos naman sa ibang subject gising na gising at maingay. Tss. Pasaway na bata. =.=
Inangat na ni Third ang ulo niya. Tapos nag"sorry" sa teacher. Tinignan na naman niya ako ng masama at bumulong.
"Bakit di mo ako ginising?"
dug.dug.dug
Ang gwapo ng boses *o* Ngayon pa lang kasi kami nagusap ng malapitan at kami lang talagang dalawa. Shizzz! Kinikilig ako. Pigilan niyo ako, magwawala ako dito. Titigan ko muna siya lulubus lubusin kuna siya, ngayon lang ito. Sayang! *u*
"Tss."
Umiwas siya ng tingin at humarap sa iba. </3 Nakakainis naman panira siya ng moment. Napaka KJ titigan lang naman hindi niya magawa. Bastusing bata talaga siya. =.=
Nagdidiscuss na si Ma'am at nakikinig kami ng may inabot siyang papel sa akin tapos may nakasulat na NUMBER. Kinuha ko naman iyon tapos sinulat ang favoite number ko baka tataya siya sa Lotto or Jueteng. Nilagay ko ang 10 with smile pa ah. ^O^
Pagabot ko naman ng letter ko sa kaniya napa facepalm na lang siya. Ano bang problema noon. =.= Makapaglecture na ngalang. Hindi ako aasenso dito.
"Okay Class. Since maaga tayong natapos sa pagdidiscuss gusto kong magenjoy naman kayo so by pair tayo kaso iyong seatmate niyo lang ang partner niyo."
Pagtingin ko naman sa side ko, CHANCE na ito. ^O^ Pero I'm sure planado na ito, kasi ka close nila Jo si Maam, at alam ni Maam na I'm inlove este Crush ko ang seatmate ko. I'm SO THANKFUL na din na absent si Khaye. This is it. *u*