Continuation

42 3 3
                                    

5 years later ..

Sa hindi inaasahang pangyayari naging close kami. As in super close. Sa simpleng pagpeperform naming dalawa naging magbarkada kami, hanggang maging magbestfriends.

“Ma’am may gagawin po ba tayo bukas ?”

“Magpapaseatplan lang ako. Magready ka ipagtatabi ko kayo ng Crush mo.”

“Iiiih. Si Ma’am talaga. Una na po ako.”

Nginitian ko na lang siya at tumango. Oo, isa akong teacher sa school ko dati. Kung saan ko nakilala si THIRD REYES, ang seatmate ko at ang barkada.

tut.tut.tut

_____________________________

One text message received

From: Jo

Hey. Hindi kaba pupunta? Miss kana niya.

______________________________

Simula nang umalis ako, ang dami ng nagbago. At ang lahat ng pagbabagong iyon ang hindi ko kinaya nung umpisa. Kasi mahirap tanggapin, siguro? Pero destiny yata ang nagtakda.

Napagdesisyunan ko ng pumunta. Miss na daw niya ako. Sabi nila. It's been 5 long years, hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya.

Everyday hinihintay ko pa din siya. At ngayon ko pa lang masasabi na mahal ko na talaga siya.

Sobrang happy ko na nakilala ko siya. Lahat yata ng moments ko with him ay masasaya. Nakakatawang isipin na ang seatmate ko ay magiging close ko talaga.

Sabi nga nila enjoy the small things in life kasi hindi mo alam kung hanggang kelan sila nandiyan para sayo.

Mahirap maghintay, pero mas mahirap magsisi.

"Dana. Tara na? Kanina ka pa niya hinihintay." bungad sa akin ni Travis.

"Yeah."

Ang barkada? Ayos naman. May mga kani-kaniyang pamilya. Pero never na nagkalimutan. Lahat ng celebration dapat present lahat. Kasi family na ang turingan namin.

Kahit konting bagay lang lagi silang nandyan para sa isa't-isa.

Matagal na pala ang lumipas pero, heto kami-kami pa rin ang magkakasama. Unexpected di ba?

"Andito na tayo. Kaya mo na ba?"

"Siguro?"

"Hinihintay ka na niya. Harapin mo na siya. We know he loves you."

"Yeah. Mahal ko din naman siya."

"Tara na lapitan muna siya."

Naglakad na kami papunta sa kanya. Kumpleto ang barkada pati na ang asawa nila. Ang saya na nilang tignan. Sana ako din pati si Third, sumaya na. Heto na malapit na ako sa kaniya. Kay Third ..

"Happy Birthday Third "TRES" Reyes!"

"Dana iwan muna namin kayo para makapagusap ah?"

"Sige."

Pagtalikod nila, hindi ko na mapigilan. Tumulo na ang luha ko. Akala ko okay na ako. Akala ko tanggap kuna ang lahat.

"I miss you Third. I love you Seatmate ko."

<flashback>

Nakayos na ang lahat. Aalis na dapat kami kas nakiusap ako kay Mama na hintayn pa namin si Third kahit 5 minutes pa. Sa kaniya nalang ako di pa nakakapag paalam.

"Dana, tara na. Oras na."

"Guys, paki sabi sa kaniya aalis na ako. Na sorry kasi hindi ko siya nahintay. Pero babalik ako"

Ngumiti naman sila. At pumunta na ako sa sasakyan. Dumungaw ako sa bintana para maabangan siya. Nagbabakasakaling dumating siya.

Kaso. Hindi siya dumating hanggang naka layo ako.

<end of lfashback>

"Hinintay kita Third. Kasi umaasa ako na pupuntahan mo  pa din ako kahit na anung mangyari. Nangako ka diba? Kaso napaka daya. Hindi ka dumating hanggang nakasakay na ako at naka alis na kami ng tuluyan. Pero dumungaw pa din ako sa bintana baka kasi abutan mo pa kami."

"Third, Mahal kita. Sorry ngayon ko pa lang nasasabi ah? At kasalan nina Vea kung bakit tayo magkaseatmate noon. Kinuntyaba nila si Ma'am. Third miss na kita."

"Kita mo ito? Suot ko iyong necklace na binili mo para sa akin sabi ni Tita este Mama na pala. Third, i love you. sumagot ka naman. huhuhu."

Nahiga ako sa tapat ng puntod ni Third. Oo, namatay siya. Accident. Hinahabol niya pala kami noong paalis kami para ibigay ang necklace na ito. Kaso sa pagmamadali niya sa motor, hindi niya napansing may truck.

Galit ako sa sarili ko, kasi dahil sa akin nangyari ito sa kanya. Kung sanang nahintay ko pa siya hindi sana ganito ito. Hindi sana siya namatay. Nakakainsi. Naiinis ako sa asarili ko kasi masama ako.

Nalaman ko lang na namatay siya noong graduate na ko sa course ko. Kasi naman alam nilang lahat na paparusahan ko ang sarili ko pag nalaman ko ang dahilan ng pagkawala niya.

Ang sakit. Kasi hindi ako nakapunta noong burol at libing niya. Lagi ko siyang tinatanong sa barkada sabi nila busy busy daw. Hindi ko naman sila masisisisi kasi kasalanan ko ang lahat ng nangyari kay Third kahit na sabihin nilang hindi ko kasalanan iyon. Na hindi ko dapat saktan o parusahan ang sarili ko.

Heto nakaharap ko na siya, Kaso isang walang buhay na Third na lagi akong pinapakilig at binabara. Si Third na lagi akong napapasaya. Si Third na mahal na mahal ko at mahal na mahal ako.

Kundi sana ako naging bulag, at kung hindi sana siya naging torpe hindi sana kami na. Sana buhay pa siya.

" I love you Seatmate. Hihintayin kita .." 

________

Thank you for reading Hope you Enjoy ! :))

Leave a comment po and be a Fan. Kung want niyo lang. =.=

Seatmate (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon