Chapter 7-Unraveling the Sentiments

321 24 20
                                    

The next day feels damn. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Gab or else baka bigla na lang siyang mawala sa sarili niya. Lagi na lang ganun ang nangyayari. Maiinis siya dito, kaso pag lumapit na ito, wala na agad. Ang lakas ng cooling effect nito sa kanya.

Pero ayaw niyang mangyari iyon ngayon. Gusto niya namang magkaron kahit ng konting pride. Lagi na lang kasi. Paulit-ulit na lang. Bakit nga kaya hindi na lang siya maghanap ng ibang magugustuhan? Marami pa namang iba dyan. Bakit kasi nagtatyaga siya kay Gab? Mahirap nga diba? Kaso wala naman siyang magagawa, kasi matagal na siya nitong namagnet.Sa sobrang tagal, hindi na matanggal. Ang lakas kasi ng friction, kaya kahit ayaw niya na, iba pa rin pag puso niya na ang nagsecond the motion.

Naglalakad siya papunta sa school.

Blamph! Tunog nang may tumampol sa likod niya na nag-uunahang mga estudyante, highschool.

“Mga walang modo!” Buti na lang wala siyang ibang dala maliban sa backpack na suot niya kaya hindi mangyayari yung slowmo moment gaya sa mga patalastas o palabas sa TV na may tumutulong pumulot sa mga gamit ng bidang babae.

Ay mali, meron pala siyang nahulog-ang isasubmit niyang solution. At napulot yun ng  napadaang si PJ-her classmate.

“Ahm, salamat PJ..” Ngumiti lang ito. Pagtingin niya sa papel.. Tss. Marumi na.

“Mag-isa ka ata ngayon?”

“Ah syempre, may dahilan ba para hindi mag-isa kung kaya mo naman?”

“I guess it’s the happiness when you’re with someone.”

“Tss. Isa ka pa pala, ke aga-aga wag mo nga akong iniinis.”

“Me what? Sinagot ko lang naman ang tanong mo ah. Minsan talaga mas masaya kung may kasama kang maglakad.”

“Kahit na.”

“Ano bang problema Javie? Tell me.. Baka makatulong ako.”

“No PJ, there’s nothing you can help.”

“Why?”

She grunted. “Basta wag ka na lang makialam, baka madamay ka pa.”

“Oh I get it, personal problem yan. Lovelife? May bf ka na? Hmmn kung si Gab yan, okay lang yan..” What the?

“Ano ba PJ? Isa pang Gab dyan, sipain na kita.”

“Basta wag na wag ka magpapatalo sa mga babae ni Anciano.”

And before she could even mutter a word or give him a kick, mabilis na itong nakatakbo palayo. “Scary na ba ko?” bigla niyang naitanong sa sarili niya.

“Mukha nga, nagtatakbo ba naman yung tao.. Anong nangyari dun?” Paglingon niya.. Tss. Si Gab!

“Ano namang pake mo? Hmf!” Paalis na sana siya ng hilahin siya nito.

“Javie, mag-usap tayo..”

“Nag-uusap na tayo. Bitiwan mo nga ako.” Mabilis siyang naglakad pero sumunod pa rin ito.

“Ano bang problema?”

“Wala. Ikaw ata ang meron.”

“Bakit ka ganyan?”

“Anong ganito? Dati naman ah.”

“Bakit ka ba nagagalit?”

Friendzone, tsupe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon