Umuulan sa labas. Ayaw niya ng ganitong panahon. Tinatamad siya. Marami pa namang kailangang gawin. Isa pa, nalulungkot siya pag umuulan. Namimiss niya lang tuloy si Gab.
Pinilit niyang isantabi ang isiping iyon at nagfocus sa sketch.
Nasa condo ni Jao ngayon si Javie.
Silang dalawa lang ang andito ngayon.. Napagtripan ba sila nung iba? Ayaw niya ng ganito. Nakakailang na kasama si Jao. Kahit kasi friends sila, kadalasan marami itong ginagawa na makakapagpailang sa kanya. Gaya na lang ng makailang ulit na pagtawag sa kanya nito ng babe.
Hindi tuloy siya makaconcentrate sa ginagawa niyang plate.
“Matagal pa ba iyan? Tapos na ko sa next page, andyan ka pa rin?”
“Heh, ikaw na ang magaling. Tsaka ang hirap kaya nitong nakatoka sakin.”
“Ang sabihin mo, hindi ka lang inspired. Kumusta na pala kayo ng crush mo?”
“Sinong crush naman ang tinutukoy mo?”
“Sino pa ba? Edi si Gab.”
Pano nito nalaman? Eh si Gab at ang boardmates lang niya ang napagsabihan niya. Sinabi ni Gab? No. It can’t be. It’s her siguro. Ganun ba siya kaobvious nitong mga nakaraang araw? Madalas kasi itong si Jao na mang-alaska tungkol sa kay Gab sa kanya.
“O di ka makasagot? Kasi ibig sabihin totoo diba?”
“Magpapaalam na ko sayo ah. Wala kang magandang sagot na mahihita sakin kaya tigilan mo ko.”
“Aysuuu... Umamin ka na kasi.”
“Tigilan mo nga ako Jao.”
“Ayii.. Magsishare na yan. Sige na naman oh..”
“Ewan ko sayo.”
“Bilis na. Hindi ko naman ipagsasabi eh. Tsaka obvious ka naman eh.”
“At pano mo nasabi na aber? Kelan pa ko naging obvious?”
“Gaya nung natalo ka sa table tennis sa intrams dahil nakita mo siyang may kasamang ibang babae. Tas nung asar-talo ka dahil sa kanya, pero konting salita niya lang nakumbinsi ka ng manood ng laro niya sa basketball.”
“You were there?”
“Oo naman, kasama niya kaya ako bago ka niya kausapin. O ano, aamin ka na? Huling-huli ka na eh.”
“Oo na, eh ano naman ngayon kung crush ko siya? Tsaka I already gave him up no!”
“Ah kaya pala hindi ko na kayo nakikitang madalas magkasama. Iniiwasan mo ba?”
“Nagtatanong ka pa eh alam mo na pala.”
“Grabe bastusan makasagot to oh. Pero magandang balita para sakin yun babe hehe.”
Halos tumindig ang lahat ng balahibo niya nang banggitin na naman nito ang salitang iyon. Babe pala ha. “Tss, ewan ko sayo.” Tumayo siya at naglakad palayo sa lalake.
“Oi, san ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Wag mong sabihing napipikon ka na kaya hahayaan mo kong tapusin lahat to? Wala pa naman sila. Aiiiisshhh... Javie!!”
“Wag ka ngang paranoid. MagcCR lang ako.” Inirapan niya pa ito bago tumuloy ki tatay CaRabao.
“Ah okay,” dinig niya ang pagluwag ng hininga nito.
BINABASA MO ANG
Friendzone, tsupe! (COMPLETED)
RomanceYung totoo? Naranasan niyo na bang magkacrush sa friend niyo? Iyong tipong andaming SANA na pumapasok sa isip niyo kaso hindi pwede. Kung oo, relate kayo dito.