Kinausap ni Gab si Javie sa loob ng sasakyan.
“Sigurado ka bang ayos ka lang? Wala bang ginawa sayo ang Jao na iyon?”
“Okay lang ako Gab. Bakit ba bigla ka na lang sumusugod? Nakakahiya dun sa tao.”
Lumambot na ang expression nito. “I just have to make sure na safe ka.”
“Parang sayo pa nga ako natakot kanina sa asta mo eh hehe.”
“Sakin?”
“Mm hm..”
“Sorry naman kung nakita kita. Nag-alala lang kasi ko kaya ganun. Diba takot ka sa dilim? Kaya nagmadali ako papunta rito.” Nag-alala ito? Interesting!! Nakakakilig!! Kyaahh!!
“Okay na ako, safe na safe po, pwede na ba kong bumalik? Marami pa kasi kaming gagawin eh.”
“Bakit nga pala andito ka?”
“Eh gumagawa kami ng plates, kaso hindi iyong iba.”
“Umuwi ka na lang sana. It’s not good to see that the two of you are the only ones in his condo. And besides, ayokong nagsosolo kayo ng Jao na iyon.” Awtsuu. Aba aba, ano raw? Ayaw nitong magkasama sila ni Jao pero pag ito ang kasama niya kagaya ngayon, okay lang?
“Pinagbabawalan mo ba ko?”
“Certainly.”
“Sama nito, tsaka kanina ka pa sabi ng sabi ng ‘Jao na iyon.’ Baka nakakalimutan mo Gab, he is also our friend. May galit ka ba dun?”
“Wala.”
“Eh bakit kung makaasta ka kanina...?”
“Dahil wala kong tiwala sa kanya. Hindi nga ako mapalagay kanina. Mabuti na lang talaga sinundan kita.”
“Thanks, pero kaya ko naman ang sarili ko.”
“Hindi rin, hindi mo masasabi iyan pagdating sa lalake Javie.” Hinarap siya nito at hinawakan sa balikat. “Babae ka pa rin.”
“Lalake ka rin naman ah.”
“Oo.” Bumitaw ito at humarap sa manibela “Pero kilala mo ko, hinding-hindi kita gagawan ng masama no?”
“Hmp, kung wala ka rin lang gagawin sakin, ang mabuti pa iuwi mo na ko. Pinasasakit mo lang ang puson ko.”
“Hehe, Javie naman.. Wag ganyan. I’m so worried about you for a month now. Iniiwasan mo ba ko nitong nakaraan?”
“Ngayon mo lang napansin?”
“Ha? Pansin ko kaso ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataong magtanong. Bakit?”
“Mula pa kaya nung intrams. Masyado ka na kasing busy sa panchichicks. Baka kako makagulo lang ako.”
“Syempre lahat sila dadaan muna sayo bago alam mo na...” Hindi siya umimik sa pinagsasasabi nito. “Oo nga, ayaw maniwala eh, totoo yan.”
“Cross your heart?”
Naghand gesture pa ito ng cross sa tapat ng heart nito.
“Hope to die?”
“Wag namang ganun. Hope to live na lang para matagal pa tayong magkasama.”
BINABASA MO ANG
Friendzone, tsupe! (COMPLETED)
RomanceYung totoo? Naranasan niyo na bang magkacrush sa friend niyo? Iyong tipong andaming SANA na pumapasok sa isip niyo kaso hindi pwede. Kung oo, relate kayo dito.