BROKEN OR BENT?

8.5K 141 5
                                    

*kroo kroo kroo*


(Ilang minuto din ang lumipas at walang nagsasalita)


*kroo kroo kroo*

(Nagwalk out nalang si VICE pumunta sa CR at nagsimula ng magbihis)


Simple lang kasi wala sya sa mood, kaya nag Vneck tshirt nalang sya, then pants at syempre JS wings shoes.

(Paglabas ni vice ng CR, wala na si baby boy pero may nakapatong na letter sa kama nya)

DEAR VICE,

Sorry kung nasaktan nanaman kita, sa dami ng natulong at naibigay mo sakin, wala kang ginawa kundi mahalin lang ako pero ako eto patuloy kalang sinasaktan at niloloko, vice alam kong di sapat ang sorry para mapawi ang sakit na nararamdaman mo ngayon kaya kahit mahirap gagawin ko to, lalayo na ko sayo vice itigil na natin to, mahal kita pero mas mahal ko si jane, vice mahal kita kaya ipnaparaya na kita kasi wala akong madudulot na maganda sayo masasaktan at masasaktan lang kita, darating din ang araw na mangyayari to kaya habang maaga pa habang kaya pa nating dalawa gawin na natin. Muli salamat, pasensya at magiingat ka lagi BABY GIRL.

- ROMEO

(Napahiga si vice sa kama, yinakap ang unan at umiyak lang ng umiyak)

VICE's POV:

Nasaktan ka nanaman, sinaktan ka nanaman, iniwan ka nanaman, paulit ulit nlang ba vice?


(Tumayo at humarap sa salamin)

Ayoko na ng ganito. Nagsasawa na ko sa ganito. Pinapangako ko sa sarili ko ito na ang huling beses na iiyak ako para sa lalake.


(Inayos ang sarili, at nagdrive na papuntang ABS)


Pag dating nya sa studio, dumiretso sya sa DR ni ANNE.


*SA DR NI ANNE*


Anne: ay girl basta ako pasalubong ko ah.

Karylle: oo naman ikaw pa.


Anne: daming gwapo dun girl sarap mag boy hunting dun. Haha


Karylle: sira!


(At biglang pumasok si VICE)


Anne: girl uso kumatok!


(Prang walang narinig si VICE at yinakap lang ng mahigpit si....ANNE)


hopia kayo no? Kala nyo si kurba? Haha.

Anne: (Habang nakaakap) sis what happen? (Hinahaplos haplos ang likod ni vice)

Vice: (yakap parin habang umiiyak) sis pwede ba kitang makausap?


Anne: oo naman. Andito lang kami ni karylle para sayo!


Vice: pwde bang ikaw lang? *Hikbi* Pwde bang tayo lang?


Anne: sure. (Tingin kay karylle)

Karylle: ah..oo.. Sige.. Ah.. Anu.. Excuse me.. Sa boys DR muna ako.

Karylle's POV:


Aray naman. Ang sakit. Kelan kaya nya ko mapapansin, kelan kaya darating yung time na ako naman yung tatakbuhan nya, kelan kaya yung time na ako naman yung yayakapin nya ng mahigpit. Alam ko nauna si anne, mas close sila, alam ko di ako dapat magselos pero bakit may kirot.


( di nya namang namalayan na may tumulo ng luha sa mga mata nya )


Teddy: (nagii-skate board) hi K!


( pinunasan bigla ni K ang luha nya )


Teddy: ( napatigil ) oh K, anung problema? Ok ka lang?


Karylle: ah. Oo. Ok lang ako. Alam mo naman nage-emote. Mamimiss ko kayo eh.


Teddy: asus. Syempre mamimiss karin namin! Mamaya na pala alis mo nuh? Ingat ka ah!


Karylle: salamat teddy!


Teddy: wag ka ng malungkot, basta lagi mong tatandaan na.. size 9 ako ah! Hahahaha


Karylle: ( napangiti ) ikaw talaga teddy.


Teddy: biro lang. Pinapatawa lang kita. Tara sa DR.


Karylle: sige tara. *smile*



*SA DR NAMAN NI ANNE*

(Kwinento ni vice ang nangyari kay ANNE)

Anne: so break na talaga kayo?


Vice: oo nga paulit ulit ngangabu? Kanina pa ko nagkikwento dito di ka naman pala nakikinig.

Anne: oi! Yokaba! Kahit di ako makinig alam ko na yan, paulit ulit namang nangyayari yan eh, memorize ko na nga yan,para ang bago lang eh ibang araw at magkakaibang pangalan lang ng babae ang pinagaawayan nyo!


Vice: (iyak parin)

Anne: oh anung plano mo?


Vice: ewan. Ayoko na anne. Pa..


Anne: (ginaya si vice) pagod na ako anne! Pagod na pagod na ako. Nakakasawa na yung ganito. (Singit ni anne) tama ba ako viceral?


Vice: anning naman eh. Niloloko mo nanaman ako eh. Nasasaktan na nga ako eh.


Anne: eh wala rin namang patutunguhan to eh, bukas makalawa kayo na ulit! Tigil tigilan mo nga ako viceral. Kausapin mo nalang ako pagkasal na yun si baby boy saka ako maniniwalang wala na talaga kayong pagasa magkabalikan saka tayo ulit maguusap ha? Ayoko kasing mag advice alam ko namang masasayang lang. Kahit malaki tong bunganga ko napapagod din toh.


Staff: start na daw po in 15mins.


Vice: sunod kami teh.


Anne: lika nga muna dito yokaba, ayusin natin yang make up mo.

VICERYLLE TIMES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon